page45

78 1 0
                                    

***

At first, 'di ako makapaniwalang halos lahat ng mga bata do'n ka-close niya.

"Kumpara kay Trent, mas nakakatuwa sila," sabi pa niya.

"Kuya, girlfriend mo?" walang kiming tanong ng batang si Butchoy nang magtipon sila sa 'min ni Brent.

Napa-adjust ako sa salamin ko. Matiris nga ang kumag na 'to. Joke lang,hehe.

"No. Friends lang kami ng Ate Grace niyo,"

"Eh kailan magiging kayo?"

"H-Ha?"

"Uyy.. .bagay sila," tukso ng iba pang mga bata doon.

Ay tae. Kailan pa naging matchmaker ang mga bubwit na ito?

"Ang babata niyo pa. Kayo ha," sabi ko na lang. Ang totoo, nailang ako bigla. Ano ba 'yon?

"Maganda ka naman po Ate kahit apat ang mga mata mo,eh." sabat ng isang batang babae.

"T-Talaga? Naku, ang bata-bata mo pa pero malabo na din ang mga mata mo, ha,"

"Hindi po,ah. Kumakain kaya ako lagi ng kalabasa kasi sabi ni Kuya Brent healthy daw yon,eh,"

"Hmm, ganun? Sige na nga, naniniwala na 'ko,"

"Kailan mo po sasagutin si Kuya Brent?"

Napa-adjust na naman ako sa salamin ko.

"Pwede bang mag-change topic naman tayo?"

Ano ba naman ang mga batang ito? Kung di lang sila cute.

"Tama si Ate Grace niyo. Kung gusto niyo magkwento na lang ulit ako,"

"Sige po, Kuya,"

"Ikaw ang prinsipe, si Ate Grace ang prinsesa!"

Grr! Sabing change topic na,eh!

And This Is My Story: I'm Crazy for This GirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin