Chapter 9 Bryle

19 2 0
                                    

Bavina's POV

Hindi na namin hinintay ni Shia sina Paul na sunduin ako at nauna na kaming lumabas ng university. Deretso lang ang tingin ko sa daan kahit na halos ng estudyante ay nakatingin sa akin at nagbubulungan. Probably they are talking about the incident happened earlier in the cafeteria.

Malakas akong napabuntong-hininga habang naglalakad kami.

"We have a family dinner later, want to join us?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Umiling ako, "Nakakahiya."

Naglakad na lamang kami dahil hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin dito sa university. It will take 30 minutes kapag naglalakad pero ayos lang naman sa aming dalawa 'yon.

"Hinihintay ka kaya ni Mom, kapag nga nando'n ako ay ikaw palagi ang hinahanap, e. Hindi ko alam kung ako ba ang tunay na anak," reklamo nito sa akin kaya natawa ako ng mahina.

Napatingin ako sa kaniya nang akbayan niya ako, "Forget what happened earlier, let's have fun today," aniya kaya napangiti ako at tumango.

"Yes!" sigaw nito saka hinila ako kaya natatawa akong nagpahila sa kaniya.

Sumakay kami sa bus at umupo sa pinakadulong upuan. Dalawang oras ang biyahe bago kami makarating sa kanila kaya mahabang biyahe ang gagawin namin, sakto rin namang kainan na pagdating namin kaya mawawala agad 'yong pagod.

***

Pagdating namin sa kanila ay bumungad sa amin ang mga kasambahay nila. Shia has a rich family, her family have a business that is popular in other countries, may hati rin ang parents niya sa university na pinapasukan namin kaya kilala rin siya ng mga professors.

Malawak ang mansion nila, kahit na matagal na kaming magkaibigan ni Shia, hindi ko pa rin nakakabisado ang mansion nila, dahil na rin siguro sa madalang lang akong sumama sa kaniya rito. Pero alam ko na may garden at pool sila sa likod ng bahay nila.

"Oh my, Bavinaaa!" Napatingin ako sa direksyon ng sumigaw nang isigaw nito ang pangalan ko. I saw Tita walking direct to us.

"Hello po, Tita," pagbati ko saka niyakap siya.

"I missed you, bakit ngayon ka lang sumama kay Shia? Are you going to sleep here?" tanong niya kaya napatingin ako kay Shia.

"Mom, aren't you going to ask me how am I?" tanong ni Shia sa Mommy niya pero hindi siya nito pinansin at hinila ako papunta sa sala nila.

Nakasimangot tuloy siyang umupo sa tabi ko nang umupo kami kaya natawa ako ng mahina.

"Hi." Sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking biglang sumulpot sa harap namin, he's wearing his uniform and his eyeglasses.

"Oh magbihis ka na sa taas, nandito crush mo, mukha kang dugyot!" sambit ni Shia sa Kuya niya kaya napatingin siya kay Shia.

Ibinalik niya ang tingin sa akin, nagkamot siya sa batok niya at binigyan ako ng isang ngiti kaya nginitian ko rin siya pabalik. Tahimik niya kaming tinalikuran para magbihis sa taas.

"Tignan mo 'tong mokong na 'to, ang pabebe! Baliw na baliw talaga 'yon sa 'yo," reklamo nito sa akin habang pinapanood si Bryle na umaakyat sa hagdan.

"May taste 'yang Kuya mo, tignan mo nga ang gandang dilag ang gustong pormahan," pagsingit ni Tita kaya natawa ako ng mahina.

Pumapasok siya sa medical university kaya puti ang uniporme niya, matagal na rin kaming magkakilala dahil nakakasabay rin namin siyang kumain minsan kapag pumupunta kami ni Shia rito at nasaktuhang maaga siyang umuuwi.

He once told me that he liked me but I just thanked him for appreciating me. Tahimik talaga siya, mas mahinhin siya kaysa kay Shia dahil baligtad sila. Si Shia ang madaldal at si Bryle ang mahinhin.

The Melody Of The Story ✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن