Chapter 12 Reconcile

24 2 0
                                    

"Bakit parang ang dali lang sa 'yong sabihin 'yan?" mahinang tanong ko saka mahinang nagpakawala ng pekeng tawa.

Hindi siya nakasagot dahil sa sinabi ko. Deretso lang akong nakatingin sa kaniya, pinipigilan ang luha kong pumatak sa harap niya.

"Let's fix this, Bavina. I promise that will never happen again. Tacia was drunk! Please, let's fix this, okay?" patuloy kong pangungumbinsi sa kaniya. Desperado na kung desperado pero gusto ko 'tong maayos.

I don't know why I still have to do this because I know that I never did this to anyone. I never became desperate to make up with anyone, not until this girl came in my life...

"I'll do everything, Bavina. Please..."

"Maghanap ka na lang ng iba, Paul. I don't think I still can do this," aniya.

I shook my head, "N-no, I-I can't do this with someone e-else. I wanna do this with you..."

"Bakit ako?" She laughed.

Napayuko ako, "I-I don't know..."

"I-I just want to be with you, I want the fact that everyone is thinking that I'm your boyfriend."

Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang tawa niya, "You're crazy, Paul Hemingway. That's the funniest excuse I've ever heard from you."

Pinanood ko siyang tumalikod sa akin at nag-umpisang maglakad papalayo para pumasok sa loob.

"This is yours, right?" tanong ko saka itinaas ang kwintas niya.

Natigilan siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Palihim akong napangiti nang makita ang reaksyon niya.

"T-that's mine, give me that," aniya pero umiling ako at itinaas ang kamay ko.

"Give me that!" sigaw nito sa akin habang tumatalon para maabot ang kwintas pero masyado siyang maliit para maabot ito.

Lumayo ako sa kaniya kaya natigilan siya.

"Give me that, Paul," mariing pang-uutos nito.

I smirked, "Ibibigay ko 'to sa 'yo kung mag-aayos tayo at patuloy na magpapanggap."

Sinamaan niya ako ng tingin, "Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha? It's mine, give me that!" sigaw nito sa akin.

"You're mine, give me yourself."

"You're crazy," sarkastikong sambit nito saka sinubukang iabot ang kwintas pero mabilis ko itong inilayo sa kaniya.

Malakas siyang napabuntong-hininga, "Fine, fine. Okay na tayo, akina 'yan!"

Ibinulsa ko ang kwintas, "Totoo ba?"

Mariin siyang napapikit kaya natawa ako nang mahina. Mukhang konti na lang ay sasaktan na niya ako nang pisikal.

"Oo nga, ano pa bang gusto mong patunay?! Akina kasi!"

"I heard Shia is not there, should I sleep in your room?" tanong ko.

Actually I didn't hear that, I just knew that she's not here. Kasi kung nandito siya, dapat lumabas na siya at pinagsisigawan na ako rito tulad ng ginawa niya kanina.

"Okay," sambit nito saka tinalikuran ako kaya napangiti ako at sumunod sa kaniya.

***

Bavina's POV

Bwisit talaga 'tong lalaking 'to!

Kahit na ayoko na, wala naman akong magagawa dahil nasa kaniya ang kwintas ko. That necklace is so precious to me, hindi ko kayang itaas ang pride ko dahil hawak niya ang weakness ko.

The Melody Of The Story ✔️Where stories live. Discover now