Chapter 17 I Missed You

23 2 0
                                    

It's been three days since I went here in my parents' house, wala akong ibang ginawa kung hindi ang bumalik-balik dito sa bahay at sa restaurant namin, gustuhin ko mang tulungan sila, ayaw nila akong pagtrabahuhin.

Kailangan ko raw i-enjoy ang araw ko rito sa probinsya dahil babalik na ako sa biyernes para makapagpahinga ako sa amin ng sabado at linggo.

"Ate, may suggest ako." Napatingin ako kay Shayne nang magsalita siya sa tabi ko. Nandito kami sa balcony namin dahil bored na bored na ako at wala akong maisip na gawin.

Ayoko namang maglakad-lakad sa labas dahil para akong artista kung tignan ng iba, tatawagin ang pangalan ko, pupurihin ako, ang iba naman ay dadaldalin pa ako.

"Bored ka 'di ba? What if... what if lang naman, what if mag-mall tayo? You know, minsan ka lang umuwi rito, libre mo na ako bagong damit at makeup, paubos na kaya liptint ko," aniya. I chuckled.

"Ikaw, bata ka, ang bata-bata mo pa, makeup na nasa utak mo," natatawang sambit ko saka pinisil ang pisngi nito.

"Aray, Ate naman!" reklamo nito saka napanguso sa akin kaya natawa ako ng mahina.

"Ay, Ate, bilhan mo ako ng string ng gitara ko, naputol kasi no'ng nakaraan, ayaw akong bigyan nila Mama ng pera," aniya saka ngumiti sa akin nang matamis.

Yeah, that's my sister. Kapag nandito ako, palaging nagsusumbong sa akin at nagpapabili ng mga gusto niya dahil hindi siya binibigyan nila Mama. Alam kasi nila Mama na kapag may sobra, ipangbibili niya ng makeup niya.

Me as her supporter Ate...

"Mag-ayos ka na," sambit ko.

"Yes!" masayang sigaw nito saka tumakbo papalabas ng balcony para mag-ayos. I shook my head as I laughed.

Uhuh, there are some instances that she's acting like a kid.

Tulad niya ay lumabas na rin ako para makapag-ayos. She's right, I should also go to mall.

***

Pagdating namin sa loob ng mall ay hinila niya agad ako sa isang makeup shop, hinayaan ko na lang siya na pumili habang ako ay nakasunod lang sa kaniya.

"Ate, gusto mo rin ng liptint? Para naman gumanda ka kahit konti," sambit niya saka pinakita sa akin ang dalawang liptint na hawak niya. I chuckled but I gave her a nod.

Sinong mas matanda sa amin? She's acting like she's the older here.

Pagkatapos no'n ay dumiretso kami sa bilihan ng mga instruments.

"Ate, nasa second floor 'yong hemusic," sambit niya, napatingin ako sa kaniya.

"Anong hemusic?" tanong ko.

"Doon ako bumili ng gitara at string ko, magaganda kasi ro'n," sagot nito saka hinila ako sa escalator.

Hemusic... It sounds familiar to me but I don't know where I heard or saw that shop. Pagpasok namin sa loob ay tama nga siya, magaganda ang mga instrumento, iba't ibang mga instrumento ang nandito at makikita mo talaga ang kagandahan nila, kumikintab at nakakapang-akit.

Inilibot ko ang mata ko habang hinihintay si Shayne na makabili ng string ng gitara niya.

Pagkatapos no'n ay dumiretso kami sa isang fast food chain para kumain ng tanghalian dahil lagpas ala-una na ng tanghali. Hinayaan ko siyang mag-order ng kakainin namin, siya rin ang pumunta sa counter para sabihin ang io-order namin.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito, of course I rejected the call again when I read his name. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil kaka-message at kakatawag sa akin.

The Melody Of The Story ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon