#Introduction

634 26 38
                                    

"Nak, nandito na tayo." sabi ni Daddy. Nak talaga? Parang anak lang yung tawag ni Daddy ang pangit! Hindi na lang Kaye mas maganda yun eh.

"Dad please huwag niyo akong tawaging Nak parang anak lang eh. Ang dami kayang parents sa mundo." sabi ko.

"Ano naman ang connect sa dami ng parents?" hay. Hindi talaga na gets. Bobo ka ba dad? 'Di joke lang. Hehe

"Dad pag maraming parents maraming anak. Kaya huwag niyo akong tawagin Nak dahil maraming 'anak' sa mundo." Hahaha ganito talaga ako pilosopo sa lahat ng tao pati sa tatay.

"Ahh.. hahaha ang dami kong tawa anak." Hehe nagjoke siya. Wala talaga akong galang. Ang bad ko.

"Sige na anak pumasok kana sa school." ayan na naman yang school na yan. Transferee pa naman ako. Magiintroduce ako sa harap nila, at sasabihin ko yung buong pangalan ko, ang pangit na pangalan ko. Sigurado ako pag sabihin ko yung pangalan ko pagtatawanan nila ako, and I can't take it. Ayokong mabully dahil lang sa pangalan ko.

"Hoy! Bakit hindi ka kumikibo dyan?" makahoy 'tong si Daddy parang 'di niya ako anak.

"Eh kasi naman daddy, ang pangit ng pangalan ko." nanlaki bigla yung mga mata ni Daddy. Nasaktan siguro siya dahil sa sinabi ko. Pero hindi ko kasi mapigilang sabihin ang totoo eh.

"Sorry po." Ngayon gumamit na ako ng po? Haha

"Don't worry anak. Naiintindihan kita." Naiintindihan niya ako? Yiiee salamat naman kung ganon, hindi lang pala ako nag iisa. Ang sarap sa pakiramdam ng may karamay.

"Ho?" Gumalang talaga ako. Haha it's so not like me.

"Oo, nung kasing edad mo ako, palagi akong nabbully dahil sa pangalan ko. Lalo na ang surname!"

"Lokador?!" sabay namin sinabi. Seriously? May apelyido palang Lokador. Ay, malamang eh, anong tawag sakin? Diba isa dun? Tch

"Sige na bumaba ka na." tumatawa pa siya. Pasalamat ka't tatay kita dahil kung hindi uhmm hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. >.<

"Tsk. Easy for you to say, tapos kana sa pag-aaral. Wala nang mangbubully sayo." at nagpout ako. Maawa ka naman sakin Daddy oh.

"Kaya nga. Ganito pala ang feeling ni papa." at tumingin siya sa taas. Parang may inaalala. Alam naman niya na hindi ko nakikita yung flashback niya pero ginagawa niya ngayon.

"Dad. " tawag ko sa kanya pero walang kibo.

"Dad." wala pa rin. Pambihira naman 'to.

Huminga ako ng malalim.

"DAD!"  matanda na nga natutulala pa? Tsk. Tsk.

Actually, hindi pa naman talaga matanda si Dad hindi pa lumalabas sa kalendaryo yung edad niya, 30. Ang bata 'no? Pero hindi magtatagal, tatanda din si Daddy Hahaha

"Ano?"

"Bakit ka kasi nag fflashback? Alam mo naman na hindi ko yun makikita." sige Dad, ipagpatuloy lang natin 'to para hindi ako makapasok.

Pag 8:30 kasi hindi na papapasukin at 8:00 na ngayon 30 minutes more. Magsalita ka pa dad papahabain ko yung sakin. Para hindi ako makapasok! Yey!

"Bakit? Para sayo ba yung flashback?" Hindi naman ako nakasagot dun. Tama nga naman, hindi naman talaga yun para sakin para sa kanya yun. Hmp! Psh

"Sige na pumasok ka na. Malapit na yung time oh! Baka hindi ka makapasok." eh gusto ko ngang hindi pumasok. Nakakainis naman. Kailangan ko ng plano. Mag-isip ka Kaye. Mag-isip ka.

"Ahh..Dad! May chickenpox po ako. Ito oh."

"Baliw. Eh, pimple yan at saka nagka chickenpox ka na dati. At ang chicken pox once lang yan nangyayari sa tao." Eh sa magkamukha sila ng chickenpox eh! Tsk. 'Di pa sumabay. Naiinis na talaga ako.

Huwag ka nang Humirit || JADINEWhere stories live. Discover now