#We're Friends

68 3 22
                                    

"I'm sorry mommy. I'm sorry." sabi ko habang nakapikit at tuloy-tuloy pa rin ang daloy ng luha.

"Shhh" rinig kong boses ni Louirene na nasa kaliwa ko na sinusuportahan ang likod ko kasama si Sophie na nasa kanan ko. Habang si Spelly ay hinimas-himas yung ulo ko. Nasa harapan ko siya.

"Shh Kaye. Dahan na." sabi ni Spelly sabay pahid ng luha ko.

"Oh. Ito na." rinig kong boses ni Kurt.

"Salamat." sabi ni Spelly at naramdaman ko na lang ang bibig ng isang bote sa bibig ko. "Inumin mo na Kaye." ininom ko na gaya ng sabi niya. Unti-unti na akong tumitigil sa pagiyak. Ayoko ng alalahanin ulit yun. I'm sorry talaga mommy.

Pinahid ko na ang luha ko at tiningnan ang paligid ko.

Nakatayo sa likod ko sina Kurt,Mark, Harry, Kris, at bakla. Habang kausap naman nina Alexander, Victor, Charles, at Pambee yung lalaking mayari ng sasakyan.

Pinahid ko yung basa kong ilong saka sinubukang tumayo kahit nanginginig pa ako. Agad nila akong inalalayan nung matutumba ako. Hindi ko naman akalain na ganito pala ang madudulot nun sakin. Nanghihina ang buo kong katawan. Kanina ko pa pinapahid yung luha ko.

"Huwag ka munang tumayo sis. Bubuhatin na lang kita. Parang 'di mo kaya eh." sabi ni Kurt sabay hawak ng balikat ko.

"P-pero p-pinap-pagalitan n-nila y-yung l-alaki." sabi ko ng nauutal dulot pa rin ng kanina.

"Ba't ka nauutal Kaye? Okay ka lang?" tanong ni Sophie habang nakaakbay sa kanya si Mark.

"H-hindi k-ko alam." sabi ko at nanginginig na umiiling.

"Naku. 'Di mo nga kaya." sabi ni Kurt at binuhat nga ako.

"K-kurt. I-ibaba m-mo na l-lang ako." umiling naman si Kurt bilang sagot. "S-sige. Pero, p-please, l-lapit m-muna tayo s-sa kanila." sabi ko at nanginginig na tinuro sina Pambee na kausap yung lalaki.

"Wala naman kasi akong ginawa. Hindi ko siya nasagasa." rinig kong sabi nung lalaki.

"Then why the f*** did she cry? Huh?" tanong ni Pambee. Nung malapit na kami sa kanila ay hinawakan ko sa balikat si Pambee dahilan para lumingon sila sakin.

"T-tama na y-yan. Wala s-siyang k-kasalanan." nanginginig ko pang sabi. Bakit hindi pa 'to matanggal? Hindi pa talaga ako matigil sa panginginig.

"O-okay ka lang? Ba't ka nauutal?" tanong niya sakin. Nakikita ko sa mga mata nilang lahat na nagaalala sila sakin. Buti talaga at nagkaroon ako ng kaibigan na katulad nila.

"H-hindi k-ko rin alam." sabi ko at umiling muli.

"M-miss. I'm sorry. Hindi kita nakita. Pasensya na." sabi nung lalaki. Tiningnan ko muna yung ID niya saka siya tiningnan.

"O-okay l-lang Prince." sabi ko at ngumiti na sinuklian naman niya. Bigla akong nakaramdam ng nginig mula kay Kurt. Okay lang ba siya?

"J-james. Take her." sabi ni Kurt sabay bigay niya sakin kay Pambee. Agad naman akong kinuha ni Pambee. Err~ ang awkward naman.

"O-okay k-ka lang K-kurt?" buwisit. Ba't hindi pa natatanggal 'to? Nakakainis na 'to ah.

"Ouch. Pasensya na. Natumba ako kanina sa pagkaalala ko sayo. Tumakbo ako ng tumakbo hindi ko lang nakita ang bato." sabi niya sabay hawak sa paa niya.

"L-let me h-help you. B-baka na s-sprain ka." sabi ko at pilit na inaabot si Kurt pero pinipigilan ako ni Pambee.

"Huwag kang malikot." sabi niya habang seryosong nakatingin sakin.

"Huwag ka ng magalala Kaye. Ihahatid ko na siya." sabi ni Alexander sabay alalay nila ni Charles kay Kurt.

"Pero h-he needs f-first aid." sabi ko pa habang inaabot si Kurt. Gusto ko talagang bumaba. Bigla naman akong napakapit kay Pambee ng bigla niya akong inayos ng lagay.

Huwag ka nang Humirit || JADINEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora