#Mt. Everest

206 13 30
                                    

"Hoy Kaye!" hmmm?

"Hoy Kaye!" ahhh?

"Nakakaloka din 'tong babaeng 'to." a-ano sabi niya? Nakakaloka?

"ANONG SINABI MO?!" sigaw ko kung sino man yun. Pag bukas ko ng mata lahat sila nakatingin sakin at biglang tumawa. Emegad. Super embarrassing. >.<

"Aish!" sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Sino ba kasing hayop na taong yun ang nagbigkas ng salita na yun? Buwisit.

"Yan kasi, pasigaw sigaw pa." sabi ni Sophie. Psh. Suntukin ko pa 'to. Grrr

"Nakalunok ka ba ng microphone? Ang lakas ah. Nabingi ako for a sec. Nakakaloka ka 'te." sabi ni Spelly. GRRR sinabi niya yung magic word na nagpapairita sakin.

"SPELLY!" sigaw ko. Hindi ko mapigilang sumigaw. Eh sa naiirita ako eh.

"Ay! Grabe ka ha, wala ka bang pakialam sa tenga ng ibang tao? Ang bad mo naman." sabi pa niya. Ako pa yung masama ngayon?

"Ako pa talaga ang masama ngayon? Eh sino ba ang nanggising sa taong kita mo naman na napakahimbing ng tulog ha? Ako ba?" sabi ko sa kanya. Makapagsalita 'to.

"Eh bakit? Ako ba yun? Si Sophie kaya yun!" sabi niya. Ha? Okay nahiya na ako. *pout*

"Oh ako na naman ngayon? Mahiya ka naman 'te. Kakalabas lang kasi ng teacher natin. Ginising lang naman kita kasi nga walang pasok! May meeting yung mga teachers. Diba ang saya?" paliwanag ni Sophie. Talagang nasiyahan siyang gumising ng tao ah. Ang haba pa pala ng hapon eh.

"Oh eh bakit niyo ako ginising ang haba pala ng hapon ngayon tapos ng gigising kayo?Ano ba ang nakain ninyo?" 'tong mga 'to talaga. Walang magawa sa buhay.

"Well, kumain lang naman kami ng hamburger, spaghetti, fries, piatos at kung anu-ano pang junkfoods, and ngayon nagchu-chew ako ng chewing gum." sabi niya sabay pakita nung gum na kagat kagat niya. Eww mandiri nga 'tong babaeng 'to sa mga pinaggagawa niya. Ang baboy na nga kung kumain isama pa na nakakadiri din.

"Wala ka talagang sarcasm 'no?" sabi ni Sophie.

"Ano ba yan? Tanong o pangungusap?" inosenteng tanong ni Spelly.

"Wala sa dalawa. Tula yun!" Sophie said sarcastically.

"Oh? Talaga? Hindi obvious." sabi ni Spelly. Napasimangot naman kami ni Sophie.

"Obvious talaga na walang sarcasm 'to." napailing na lang kami ni Sophie. Walang sense of humor. Naku!

"Oy! Punta tayong mall." masayahing sabi ni Spelly. Ang haba talaga ng ngiti.

"Oo nga!" sabi ni Sophie.

"Pass muna ako." sabi ko sa kanila.
"Ha? Bakit? May gagawin ka ba? May date ka ba?" tanong ni Spelly. Anong date na pinagsasabi nito?

"Baliw! Paano ako magkakaroon ng date eh, tulog nga ako.Hindi nga ako nakapaglunch." If it's confusing, I was just referring to a lunch date. At saka, ahem, wala nga akong crush, kadate pa? Aba baliw 'to ah.

"Baka sa dream land nagplano na kayo." Spelly said sarcastically.

"HA! HA! HA! funny." sabi ko.

"Bakit? Nagjojoke ba ako? Mukha bang joke 'tong mukhang 'to? Ang ganda nito 'no!" Pambihirang kambing na may bangs. -.- Ang hangin talaga ng babaeng 'to.

"Ewan ko sayo! Saan ka pupunta Kaye?" tanong ni Sophie.

"Uuwi. Magsstudy ako." sabi ko. Kailangan kong magstudy 'no. Hindi ko hahayaang yung angas na yun ang magaling sakin. Hindi ako papayag. I'm the best.

Huwag ka nang Humirit || JADINEWhere stories live. Discover now