-Chapter 15-

30 0 0
                                    

-Sharlot-

It's already friday in the evening and tapos ko ng ayusin lahat ng gamit na dadalhin ko. Ngayon gabi kasi yung alis namin at hinihintay ko nalang sila Blaire  magkausap kasi kami kanina and sabi nya on the way na daw sila dito together with my so "kapal ng mukha"  na best friend.

Ang babae na yon di na nahiya inabala pa sila pwede naman sya dito dumeretso nag pa vip pa ang gaga at nag pasundo sa kanila my gosh Mariel  kaibigan ba talaga kita?

Since wala naman ang parents ko as always naman hindi na ako nag abala pa na magpaalam sa kanila knowing my parents di naman sila papayag. Buti nalang next month pa ang uwi nila kaya safe naman ako for now. Hindi din naman nag tagal at tinawag na ako ng isa sa mga maids namin na may bisita daw ako kaya dali dali akong lumabas na ng kwarto.

Ingay agad ni Mariel ang narinig ko pagkababa ko ng hagdan.

"Bes!! Tagal mo aalis na tayo oh!!"sigaw ni Mariel pagka lapit ko sa kanila hindi pala sya nag iisa she's with Sky pala kaya binati ko nalang ito at hindi ko nalang pinansin yung gaga na to kung makapag ingay kala mo siya lang tao dito.

Sa isang van lang pala kami sasakay at ang driver namin ay si Dustin since ayaw daw ni Adam mag drive kaya sya nalang daw ang uupo sa passenger seat nagbiro pa nga ito na sya na daw bahala na sapakin si Dustin incase na makatulog ito sa byahe

Pasimple na hinahanap ng aking mga mata ang taong palagi ako ginugulo mapa personal man or sa chat pero wala sya hindi ko makita.

Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin at bumulong "Shar kung si blaire ang hinahanap mo andun sya sa likod natutulog." Bulong ni Lyn sa tabi ko sabay sakay na nito sa sasakyan.

Nasagot na nya yung tanong ko....

Agad ko naman nilingon ang taong itinuro nito sa likod ng sasakyan and then I saw her peacefully sleeping like a kid while holding her phone.

She's so cute my goodness..

Wait what???

Dahil wala ng available na mauupuan I don't have a choice kundi maupo sa likod katabi ni Blaire na mahimbing na natutulog

Sabay ng pag upo ko ay ang pagsandal nalang bigla ng ulo ni Blaire sa balikat ko. Dahil sa pagkabigla hindi ko na alam kung anong gagawin ko ayoko naman na gisingin sya kaya't hinayaan ko na lang na sumandal sya sa balikat ko.

Sa sobrang lakas ng epekto ng mokong na katabi ko hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kung di ko pa mararamdaman na may humahaplos sa pisngi ko hindi ako magigising.

"Baby Sharlot wakey wakey na..." malambing na bulong ni Blaire sa akin. Inirapan ko lang sya at kinurot bago ako naunang lumabas ng sasakyan nandito na pala kami hindi ko manlang namalayan.

"Huy wait lang sabay tayo mag lakad!" Habol ni Blaire sakin. Inis na huminto nalang ako at binalingan yung mokong na nasa likod ko

"What's your problem ba?!" Inis na tanong ko dito

"Kung paano ka magiging akin" seryosong saad nito sakin. Hindi ako nakasagot dahil sa gulat bigla bigla nalang bumabanat si Blaire nakakainis ugh!

Alam ko sa sarili ko na may epekto si Blaire sa buong sistema ko pero alam ko din na naguguluhan padin yung feelings ko towards her

Maybe because this is my first time experiencing this kind of feelings and sa kapwa ko pa babae.

"Halika na tayo nalang hinihintay dun oh galit na si Sky nakakunot na noo eh"sya na naghila sakin papunta sa mga kasama namin

Pag lapit namin ay sakto naman na nakakuha na sila ng kwarto at ang mga loko mukhang pinagtulugan kami ni Blaire at talagang kami yung roommate!

"Sorry bes mag eenjoy ka naman eh hihihi " tell me best friend ko ba talaga to???my gosh.

After namin maayos yung mga gamit namin dumeretso na kami sa labas tinatawag na kasi kami ni Sky since it's lunch time na at hindi pa pala kami kumakain

Hanggang sa pagkain ba naman pinagttripan kami ni Blaire ng mga to?tiningnan ko yung katabi ko pero ang bwisit mukhang hindi naman naiinis may pakindat pa kasi sa mga kasama namin ang sarap talaga nyang batukan madalas.

"Anong gusto mo kainin baby ko?"tanong nya sa akin. Biglang nagtawanan itong mga kasama namin hindi ko maiwasan mapairap kay Mariel na todo support sa siraulong katabi ko

"Blaire ito shirmp tska inihaw gusto ni Sharlot favorite nya yan" singit ng kaibigan ko kay Blaire  habang nakatayo

Agad naman nilagay nito yung mga itinuro ni Mariel sa plato ko sya nadin nag asikaso sakin hanggang sa matapos kami kumain dahil dun di nawala yung pang aasar ng mga kasama namin

Sa mga ganyan gestures ni Blaire lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko sa mga pag asikaso nya pati pang aasar nya sakin sa araw araw na nakakainis pero hinahanap hanap ko

Ughh Blaire naguguluhan ako dahil sayo!

"Andeng sama ka bar tayo mamaya"pag aaya ni Dustin sa katabi ko na wala ata balak humiwalay sa akin gosh. Tumingin pa ito sakin bago magsalita kay Dustin na nakaakbay dito

"Tara mas masaya pag madami sama na kayo"pag aaya nito samin wala na ako nagawa since lahat sila ay sasama at hindi naman pwede maiwan ako mag isa

It's already 7pm na and 8 pm yung  usapan namin sa bar sabay sabay na kaming pumunta doon

Pagpasok mo palang maamoy muna yung usok na nanggagaling sa loob and when you look in the other side mga taong halata na mga lasing na

We already saw Dustin sa may bar counter at sinalubong nya kami at inaya papunta sa isang vip room na kinuha nila since ayaw nila sa madaming tao.

Pagpasok namin sa room ay agad na umorder sila Dustin ng drinks since hindi naman ako umiinom  juice nalang ang order ko.

Hindi naman nagtagal ay dumating na agad yung inorder nila isa isa na itong nilapag sa may table. Bakit parang ang dami naman masyado nito?

"Uhm wait lang po parang ang dami naman nito di naman ganto kadami inorder namin eh baka wrong serve lang kay-" Hindi na natuloy ni Dustin yung sasabihin nya sana ng may pumasok na isang girl at dere deretsong pumunta dito.

"It's on mine don't worry guys" makikita ang gulat sa kanila na parang kilalang kilala nila kung sino.

She immediately hug the person besides me......

Nakatulala lang si Blaire habang nakayakap sa kanya itong babaeng di pa naman kilala or should I say Hindi ko pa kilala

"Oh my God babe I miss you so much!" Tili nya habang nakalingkis padin kay Blaire ano ba sya linta higpit ng kapit eh tsk.

Parang nawalan nako ng gana hindi ko alam kung bakit basta alam ko lang the moment na dumating sya and hug Blaire there's a pain in my chest na hindi ko maipaliwanag.

Dahil dun nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas muna makikita ang pagtataka sa mga mukha nila pero hindi ko nalang pinansin at dali dali ng lumabas narinig ko pa Ang pag tawag nya pero mas pinili ko nalang na hindi pansinin.

I can't take this anymore and this is all your fault Blaire...

            

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pain in Loving YouWhere stories live. Discover now