-Chapter 14-

25 1 0
                                    

-Blaire-

Bored na nakatingin lang ako sa bintana ng classroom namin habang hinihintay na dumating yung prof namin na sa last subject na ubod ng sungit kaya hindi kami nagpalate sa subject nya eh kaso sya naman tong late nakakainis naman kung kelan nag sisipag sipagan nako tska naman ganto nangyari.

Kapag ito 15 minutes na wala aalis na kami ganun naman diba ano sya gold?char.wala ako makausap dito paano naman kasi yung mga kaibigan ko ayun mga nakadukdok sa desk palibhasa may mga hangover pa ang mga bugok paano naglalasing eh may pasok naman kinabukasan hay nako!

"Pre kilala mo ba yung magandang chics sa may kabilang building?"

"Ah yung sa may building ng mga psychology pre? gagu pre ganda nun kilala ko yun eh crush ko nga " rinig ko na usapan ng dalawang ka kaklase ko. Kunwari nag iinat ako pero pasimple lang ako na nakikinig sa usapan nila baka sabihin tsismosa ako eh hindi naman.

Oh talaga ba blaire?

"Tara pre lagi sa cafeteria yun eh kasama yung best friend nya ata abangan natin dun" nakangiting at parang kinikilig pa tong dalawang kupal na to.

Maganda? building ng mga psychology? Baka si Sharlot ko yung tinutukoy nila?nakakunot noo pang naiisip ko.

Hindi ko maiwasan na isipin nga paano kung si Sharlot nga yung tinutukoy nila?sya lang naman maganda dun.

Pati sa paningin ko

Subukan talaga nila kapag talaga si Sharlot yun nako yari silang dalawa sa akin.

Natigil lang ako sa pag iisip ng mapansin ko na tinapik ako ng demonyong katabi ko. Himala gising na to?wala pa naman akong balak gisingin mga to yamu silang mapagalitan sayang naman at nagising hahaha!

"Para kang tanga dyan Blaire nakakunot pa noo mo ano ba naiisip mo?para kang papatay dyan eh" epal na tanong ni drake sa tabi ko.

"Wag ka magulo may iniisip ako di ka makakarelate wala ka naman nun." pang aasar ko sa kanya kita ko na napa nguso sya

Sige epal ka pa huh.

Akmang sasagot pa sana sya pero inunahan ko na mabilis na sinalpak ko sa bibig nya yung papel na nilukot ko at kanina ko pa hawak hawak. Hindi na sya nakapagsalita pa at asar na lamang tiningnan ako.

"Potangina ka andeng! kung bored ka bakit di mo nalang kausapin si Sharlot ng bumait ka naman kesa salpakan mo ko ng papel sa bibig? siraulo ka talaga!" Reklamo nya sabay dumukdok nalang ulit sa table nya.

Di ko maiwasan na mangiti sa sinabi ni drake sakin kaya dali dali ko kinuha yung phone ko at minessage sya. Sana mag reply masungit pa naman tong baby ko hihihi

Blaire Fernandez:

Baby..

Message ko sa kanya and let see kung magrereply sya.

Malawak na napangiti na lamang ako dahil ilang minuto lang nakatanggap nako ng reply galing sa kanya.

Sharlot Fotalejo:

?!!!

Ay pota nawala ngiti ko dun ah ayos reply nya sa sobrang haba nakaka touch eh. Nagtitipid  sa reply ka girl?

Blaire Fernandez :

Sweet naman nag reply mo sa sobrang haba kinikilig ako :)

Pain in Loving YouKde žijí příběhy. Začni objevovat