-Chapter 9-

36 2 2
                                    


-BLAIRE-

--------------------------------------------------------



TATLONG buwan na ang nakakalipas simula noong nakuha ko yung number ni Sharlot at ayun na nga palagi na kaming magkausap at kahit maging sa chat eh magkausap kami.

Marami ang nangyari sa loob ng mga buwan na yan,nandun yung mas naging malapit na kami sa isa't-isa yung tipong lagi ko siyang pinupuntahan sa kanila.

Nalaman ko din na madalas palang wala ang mga magulang niya kaya mga maids nalang nila ang palagi niyang kasama.

Madalas din na palagi kaming nasa library na dalawa at sabay kaming nag aaral at marami pang Ibang pagbabago ang nanyari samin.

Kinakantyawan na nga ako ng mga kaibigan ko eh.Alam kasi nila na gusto ko si Sharlot siya nga lang tong hindi ata nakakaramdam manhid ata yung babaeng yon!

Saming magkakabarkada kasi maging sa bestfriend niyang si Mariel alam na may gusto ako sa kanya bukod tanging siya lang talaga.

Minsan nga naiisip na pa fall din yang si Sharlot eh paano may mga times kasi na ang sweet niya pagdating sa akin hindi ko tuloy maiwasan mahulog minsan.

Nandito kami ni Adam sa tennis court malapit lang kasi Ito sa building namin at sakto walang tao kaya solo namin yung buong court.

"Sooo kamusta ka naman? "Panimula niya kami lang magkasama ngayun since yung tatlo eh busy at may ginagawa.

"Huh?Baket mo natanong?"nagtatakang tanong ko sa kanya lagi naman kami magkasama eh kaya nakakapagtaka lang.

"Tange Hindi ikaw what I mean is yung feelings mo kay Hmm..." tukoy niya kay Sharlot.

Napangiti lang ako sa kanya "Ade ganun pa din bukod sa lumalala pa ata bawat araw eh wala na."madramang saad ko sa kanya.

Natawa lang siya sa sinabi ko sabay mahinang suntok sa braso ko.

"Sira ka talaga!aminin mo na kasi baka maunahan kapa ng iba,ganda pa naman nun for sure maraming nagpapapansin sa kanya."

Bigla naman akong napakunot sa sinabi niya.Isipin ko nga lang na may ibang nagpapapansin o di kaya naman may ibang nanliligaw sa kanya naiinis nako eh!

Sa bwiset ko na batukan ko si Adam kasalanan naman niya kasi eh sukat ba namang inisin ako!

"Aray ko naman Blaire! Sakit nun hah!"reklamo niya.

"Nang aasar kapa kasi! Kahit kelan ka talaga!"singhal ko naman sa kanya.

"Umamin kana kasi tapos ligawan mo na tutal gusto mo naman siya eh"seryosong saad niya sa akin.

"Alam mo susuportahan kita dyan,namin kasi after how many years after ng break up niyo ni Cheska ngayon kana lang ulit nagmahal.Hindi kana man kasi babaero eh kahit sa daming nagkakagusto sayo."mahabang paliwanag niya sa akin.

"Babaero? Bakit naman nasingit sa usapan yan ha?hindi ako ganyan hoy! "

"Diba ganun naman kapag nabobroken ka eh naghahanap ka ng iba? Naglilibang ganun. "

Natawa nalang ako sa sinabi niya.Never kong naisip yun,ang manakit ng tao dahil lang sa nasaktan ako.At never kong gagawin yon.

"Sira di ko gagawin yang sinasabi mo hoy! "

"Alam ko yun noh pinapagaan ko lang loob mo. "Sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

"Adam,thank you."sincere na sabi ko sa kanya.

Natawa siya sa sinabi ko. "Nukaba.wala yon noh.sige na tara na malapit na magstart next class natin."

"Blaire,kaya mo yan sabihin mo na yung nararamdaman mo kay Sharlot."pagpapalakas niya sa loob ko.

Napingiti lang ako sa sinabi niya.Ang swerte ko sa kanila kahit na anong mangyari sakin hindi nila ako iniwan.

"Sabihin ang alin Blaire??"

Bigla ata akong nanigas sa boses na narinig ko.Kahit si Adam natulala din.Kilala ko ang boses na yon..........


"Sharlot."

---------
Done! ;)

Pain in Loving YouWhere stories live. Discover now