-Chapter 5-

55 2 0
                                    


-Sharlot-

"Dad"

Tanging salitang lumabas sa labi ko ng makita ang taong Pinaka kinatatakutan ko.Ang Daddy ko si Manuel  Fortalejo isa siya sa pinaka sikat na negosyante sa buong Asia.

"Bakit ngaun ka lang."deretsong tanong niya agad sa akin.Prente parin siyang nakaupo sa sofa habang may hawak na dyaryo.

"Gantong oras po talaga ako umuuwi."Magalang na sagot ko sa kanya.

Imbis na sumagot agad na siyang tumayo at umakyat na.Ni walang paalam na umalis na lang siya.Ano pabang bago sa tatay kong iyon sanay naman na ako na lagi siyang cold sa akin even my own mother ganun din siya pagdating sa akin.

Umakyat nalang din na ako sa kwarto imbis na bumababa nagpahatid nalang ako ng pagkain sa kwarto panigurado kasing nasa baba si Dad.

Minsan napapaiyak nalang ako bigla pag naiisip ko na itanong sa sarili ko kung mahal ba talaga ako ng mga magulang ko?o kaya naman anak ba nila ako?Hindi ko kasi maramadaman eh.Alam niyo ba iyong feeling na ginagawa mo na lahat para maging proud sila sayo pero useless naman kasi mararamdam mo nalang na wala naman silang pakialam sa iyo.Anong silbi ng kayaman kung mismong mga taong inaasahan mo na magmamahal at susuporta sayo wala sa tabi mo para suportahan ka sa lahat ng gagawin mo diba?

Napagdesisyonan ko na matulog nalang kesa mag drama pa ako lalo mapupuyat lang ako char!Nawala na kasi ako ng gana eh kaya matutulog nalang ako ng maaga.

Kinabukasan maaga akong gumising para maagang makapasok,pupunta pa kasi ako ng library may activity kasi kami eh.Actually nag text na sa akin si Mariel saying asa labas na siya ng Library,saan na daw ba ako,gutom na daw siya.Huu eh lagi namang gutom yu g babaeng yun eh! Patay gutom!!

Mayaman naman ang bruha pero parang di pnapakain sa kanila!

Nakita ko na si Mariel sa may labas ng library kaya agad ko na siyang tinawag.

"Bruha!Hoy Mariel!"tawag ko sa kanya.pero ang gaga parang walang narinig nagpatuloy lang sa pag kalikot sa phone niya!

"Uy besh andyan ka pala di moko tinawag .Tara na."napairap nalang ako sa sinabi niya.Bingi ka kasi bruha ka talaga!

Pagpasok palang namin naghanap agad kami ng mauupuan.Medyo malaki kasi tong library tas medyo may mailang-ilang  ding studyante ang pumupunta dito.

Habang busy ako sa pag gawa ng research feeling ko parang may natingin sa akin.Ang weird lang kaya tiningnan ko yung paligid wala naman.Hala!minumulto ata ako!T.T

Matatakot na sana ako eh kaso may narinig akong tumatawa.Nakakabwiset na tawa to be exact.Paglingon ko sa bandang kaliwa malapit sa pwesto namin nakita ko ang nakakabwiset na may ari ng tawang iyon sino paba ade si Blaire the only daughter of the owner of this university.

Aba lokong to pinag titripan ata ako anong nakakatawa?At may hawak pa talaga siyang libro eh di naman siya nagbabasa!tapos dito siya mambubwiset.Ako pa talaga?!

Lalo lang ako nainis ng lumapit siya sa akin.Take note tumabi pa talaga huh!
Sa inis ko sa kanya pinalo ko siya sa braso pero syempre mahina lang asa library kaya kami.

Feeling close teh...

Shut up!

"Aray ko.Ano ba bakit kaba namamalo dyan huh?"bulong niya.

"Sabihin mo nga pinagttripan mo ba ako?bakit ka tumatawa?!sinusundan mo ba ako?" Patuloy kong pagtatanong sa kanya.

"Kapal mo.nauna nga ako sa iyo dito eh.baka ikaw"ngisi niyang balik sa akin.

"Kapal mo din.may gagawin ako kaya nandito ako.ikaw nga walang ginagawa nandito ka."

"Matutulog.Tinatamad ako eh."sabay ngiti niyang matamis.Shet! Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko!maygad.weird.

At nagblush kapa teh.Wait ako nag blush??No way!!!

"Huy.natulala kana dyan."shems nakakahiya!

"B-bakit ba huh."tanong ko nalang sankanya.

"Sabi ko patingin ng ginagawa mo."bigla niyang kinuha sa akin yung papers na ginagawa ko.Kahit inaagaw ko ayaw niya ibigay.Pinabayaan ko nalang no choice naman eh nasa library kami bawal maingay.hay.

"Tulungan na kita parang nahihirapan ka eh."teka lang minamaliit ba niya ako?!!

"No thanks.Kaya ko na toh."pero imbis na makinig sa akin kinuha niya ito at kumuha ng ballpen at nagsimula na siyang magsulat.Anong ginagawa niya??

Wala pang thirty minutes binigay na niya sa akin yung papel ko.Nagulat nalang ako ng makita kong tapos na ito.Takang napatingin ako sa kanya.

"What?tapos ko na bagal mo eh."Ano daw?!

"Oh bat ganyan itsura mo nakasimangot ka?may mali ba sa ginawa ko?"tanong niya sakin.

Ang sama ko naman siguro kung maging salbahe nanaman ako sa kanya eh siya na nagmalasakit noh.Wala nakong nagawa kundi mag thankyou sa kanya.

"Sige na.I have to go may klase pa ako eh bye guys!"pagpapaalam niya sa amin ni Mariel.

Umalis na agad siya hindi manlang ako nakapag thankyou.Di bale malamang magkita pa kami nun dito sa campus.

Nagulat nalang ako ng may pumalo na mahina sa braso ko.

"What?!"tiningnan lang niya ako ng nakakaloko.Isa nalang talaga makakasapak nako dito eh at itong katabi ko uunahin ko!I check my wrist watch and ten minutes nalang bago mag first subject kaya inaya ko na si Mariel na papasok na kami.

Bago ko malimutan tiningnan ko muna yung mga papel na ako dapat ang gagawa pero tapos na.Ganoon ba kami katagal sa loob at hindi ko namalayan ang oras.

Hm I guess Matalino ang loko halos tama yung ginawa niya.Pero bago ko pa maisara ito may napansin akong maliit na sulat sa may last page sa dulo.Na curious ako kaya tiningnan ko.
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
"Smile Pretty.;)"

-B.A.F

Napangiti nalang ako.SHET.....

Pain in Loving YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang