Chapter 11

1.7K 27 0
                                    





Namayani ang katahimikan sa loob ng lugar dahil sa presinsya nilang dalawa.Pati ang emcee hindi na nagawang ibuka ang mga bibig at kusa na lamang nanlaki ang mga mata nang matuon ito sa dalawang lalaki na ngayon swabeng nakatayo sa entrance ng lugar.
Nagtaas pa ng kamay si Prinsepe James para batiin ang lahat na wala paring imik hanggang ngayon.It seems like their attention was already captured by them.
Kung ganun kilala talaga silang dalawa dito.

"Oh,good evening to our two visitors..."natigil sa pagsasalita ang emcee nang mabilis na kinain ni Skull ang distansya ng emcee para kunin dito ang mic.Nakangisi namang nakasunod sa kanya si James,hindi alintana ang pagkamangha ng mga tao sa paligid.Pati ang mga babaeng nangongolekta ng pera napatigil narin at sinulyapan ang dalawa.
Pilit akong napalunok ng laway.
Hindi ko makita sa itsura niya ang galit na nandito kami ni Milan.

"Huwag kang mag alala.Hindi siya nakikialam sa mga utusan niya. As long as na sa kanya ka nakatira o pagmamay ari niya walang gagalaw sa atin dito."bibong usal ni Milan kasabay nang pagkagat niya sa burger na hawak.Pinakalma ko ang sarili.Unti unti naring humihina ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya.

"Good evening to all maggots..."malakas na salita niya.Bigla namang nag ingay ang kabilang bahagi ng lugar kung saan nakaupo ang mga kalalakihang nakasuot nang gutay gutay ng damit."Skull!"nagtaas ito ng kamay para ituro ang bleachers kong saan naroon ang mga kalalakihang may tatak na bungo sa kanilang suot na pantakip sa ulo.
Naghiyawan naman ito sa saya.Kumunot ang noo ko.Para sa ano ang ginagawa niya?
"Bones!"sunod na sinabi niya.Mula sa pwesto ko nakita ko ang lalaking tinitingnan ko lang kanina na tumayo.Nawala na sa itsura niya ang kagustuhang makakita ng dugo sa halip napalitan ito nang interesanting mukha bago niya kinawayan si Skull sa gitna.Bahagya pa itong yumuko nang hindi maalis alis sa labi niya ang nakakainis na pagngiti.
Bumalik ito sa pag upo nang hindi binibigyang pansin ang mga masasakit na titig mula sa mga kalalakihang katabi niya at sa kabila.

"Nag iisa lang siya ngayon,"mahinang usal ni Milan.Nang matingnan ko ito sa aking tabi nasa lalaki na ang paningin niya.

"Anong ibig mong sabihin?"mahina niya akong binalingan bago niya itinuon sa tatlong nasa gitna ng lugar.Kumibot kibot pa ang labi nito.Kita ko ang pagguhit nang galit sa mga mata niya na mabilis rin namang nawala.

"Siya ang leader ng grupong bones.Tinatawag silang bones dahil buto ng mga tao ang ginagamit nila sa pakikipag away."huminga siya nang malalim.
"Siya ang pumatay sa aking ama na dating myembro ng grupo niya.Nagpaalam itong aalis na dahil sa kapakanan ng aking ina na noon nagbubuntis sa pangalawa kong kapatid but he didn't escape from his wrath.Pumayag nga ito pero hindi sa makakaalis siya nang maayos kundi makakaalis siya at makauwi sa bahay nang patay na.
Nagbigay nga siya ng pera sa amin pero kinuha pa niya ang aking ina."napaawang ang aking labi.

"Ang lahat ng mga kalalakihang nandidito sa loob ng lugar na ito may galit at inis sa kanya.Kahit sino nalang kasi ang sinasalakay nilang grupo para magnakaw ng mga kagamitan nila o pera at higit sa lahat mga babae.Kahit hindi na sila makakakuha ng pera o ano pang mamahalin na gamit basta makakuha lang sila ng babae okay na."

"A_anong ginagawa niya sa mga babae?"ganun rin ba ang ginagawa niya katulad kay skull?Nagbebenta ng mga babae at dikaya'y ipapatay?

"To breed."mabilis na sagot niya.Pilit kong nilunok ang laway na bumara sa aking lalamunan nang matingnan ang mga mata niyang nakatitig na sa akin.
"Nanghuhuli sila ng mga babae para buntisin para magkaroon sila ng anak na lalaki na siya namang papalit sa kanila kong mamatay sila."nanginig ang aking mga labi sa isipang iyon.Bigla akong kinabahan.

"Pero si Prinsepe Skull,ano yung ginawa niya sa mga babaeng dinakip niya sa party ng ama niya?"kumunot ang kanyang noo.Pinasadahan niya nang tingin ang kabuuan ng mukha ko saka siya ngumiti showing his unperfected built teeth.A brittle one.

Captured By The Prince √Where stories live. Discover now