Chapter 19

1.2K 27 1
                                        

Ang sakit ng ulo ko ng magising ako sa estrangherong silid na hindi pamilyar saakin. Agad ako na napabalikwas ng bangon dahil sa gulat ko. Kahit masakit ang ulo iginala ko pa din ang tingin ko sa kabuuhan ng kuwarto kung nasaan ako.

Wala akong makitang kahit litrato man lang. Kulay gray ang kwarto na kung nasaan ako. Mas lalong akong nilukob ng takot. Sinuri ko ang nararamdaman ko wala naman na ibang masakit saakin kundi ulo ko. Ganoon pa din naman ang suot mo noong umalis ako sa bahay.

"What did I do, magagalit sila mommy sa'kin." Unti-unting nakaramdam ako ng panghihina, naglalaglagan ang mga luha ko.

"Gising kana pala!" Agad akong nag-angat ng tingin sa lalaki na iniluwa pagkabukas ng pinto sa silid kong nasaan ako.

"Caven?" I cried.

Nag-aalala naman siyang lumapit sa 'kin kaya maslalo akong naiyak. "Ayos ka lang ba may masakit ba sayo?"

"Akala ko may ngayri na masama sa akin, may lalaki na gustong gawan ako ng masama kaya, hindi ko mapigilang matakot." Umiiyak na talaga ako, agad siyang lumapit sa akin at inalo ako.

"Shuussh. . . Mabuti na lang ay nakita kita noong pauwi na ako." Mas lumakas ang hikbi ko, mahigpit ko siyang niyakap dahil sa pagpapasalamat.

Naramdaman ko na bahagya siyang natigilan dahil sa pagyakap ko sa kanya. Subra akong nagpapasalamat sa kanya. Dahil kung hindi baka kung ano ngyari sa akin. Habang umiiyak ako ay biglang pumasok sa isip ko si Seirra.

"Si Seirra nakita mo ba siya?" Bumagsak ang balikat ko kasabay na bumakas ang pag-aalala sa mukha ko.

"You can call her, kinuha ko yung bag mo dahil sabi mo kunin ko," suhestyon niya pagkatapos ay tumayo. Pag balik niya hawak na niya yung dala ko na bag.

Dali dali ko 'yon na binuksan bumungad sa 'kin ang napakaraming text message, call at chat galing sa kanila.

@_rsantiago
Where the hell are you, Alveah?

Please call back, susunduin kita sabihin mo lang kung nasaan ka. Hindi kami galit sayo.

Ipapasara ko ang bar na iyan pag hindi mo ako tinawagan o mag-text man lang.

Alveah wtf?

Where the fuck are you? Are you okay? May kumuha raw sayo na lalaki? Please call me.

Hahanapin kita.


Napa awang na lang ang bibig ko dahil sa pagmumura niya. Kung nakikita ko lang ata ang mukha niya ngayon alam ko na nag aapoy na iyon sa galit.

@sweetbbsiera
Beshiee!! Nahihilo na ako, sama mna ako kay Roscev, baka gusto niya magmake out kami. Sayang opportunity.

Oyy where are you?

Hinahanap ka nila Tito, tita anong sasabihin ko sa kanila mag-isa ako umuwi. Besh ano gagawin ko. Nadiligan nga ako pero ayaw ko naman mawalan ng kaibigan.

Alveah!

Alveah did something happen to you ba??

Bes?

Maiiyak na ako dito sa pag-aalala. I'm sorry kasalanan ko talaga ito.

Kinagat ko muna ang labi ko bago nag type ng reply ko sa kaibigan ko. Baka sisihin niya ang sarili niya sa mga oras na 'to.


Mommy:

Where are you??

Call us please. Tatawag na kami ng police. Hindi kana talaga makaka labas o pumunta sa bar.

Anak naman? I been calling you more than hundred times.

IT WASN'T ME AFTER ALL [ CALIEXES WARRIORS #1 ]Where stories live. Discover now