Chapter 2

23 3 0
                                    

CHAPTER 2

Kinabukasan, we went to school on a bus because dad left early for his work. I just wore a white shirt and black jogging pants para maiba naman. Ate also wore jogging pants but they are white and are partnered with a black shirt. Technically twinning kami, different colors lang HAHAHA. Sibling goals yarn?

Ang first subject namin ngayon ay Science. Isa na yun sa mga subject na hindi ko gusto dahil nakakabored talaga at minsan ay mahirap. Buti nalang naandoon si Xin. Tumagal ang klase namin ng isang oras at kalahati dahil gumawa pa kami ng experiment.

–––

Nagpunta ako sa classroom ni ate dahil naiwan ko pala ang wallet ko sa bahay. Gosh! Tumakbo na ako dahil kapag lumakad lang ako ay matapos na ang breaktime namin nasa 3rd floor pa naman siya hmp!

Habang tumatakbo ako ay may nakabangga pa kong lalaki at oh my gosh ang tangkad at ang bango niya! Sadly kalahati lang ng mukha niya ang nakita ko kasi nagmamadali talaga ako pero ang gwapo niya!! Nagpunta na ako kay ate at buti na lang extra yung baon niya.

Tumakbo ulit ako papunta naman sa canteen dahil 15 minutes na lang ay tapos na ang breaktime. Gosh, it was so exhausting. Sa room na ako kumain dahil kung sa canteen pa ay baka ma-late ako sa next subject. And I hate being late, baka ma-mark as tardy pa ko maka-affect pa sa grade ko. Grade conscious kaya ko!

After class nagkita na naman kami ni Xin. Gosh, super daldal niya but I think it is a good thing because we got to know each other and I got my first friend here.

Weeks passed, marami na akong nalaman sa kanya and I also told her almost everything about me, including the fact that I am adopted.

– – –

Monday na naman. Our class finished earlier than ate's kase absent yung teacher ng last subject namin. Kaya pinuntahan ko nalang yung classroom nina ate at umupo sa bench sa labas na malapit sa classroom nila. Sumilip ako ng bahagya sa loob and GOSH I WAS SHOCKED. Nakita ko yung lalaking nabunggo ko a few weeks ago. He is mestizo with black hair. And by looking at him I could say that he is 6 feet tall. Gosh, nakakainlove!

Oo ngayon ko lang nakita ang buong mukha nya since di naman ako madalas tumambay sa labas ng classroom nina ate. Palagi kaming nagkikita sa may garden ng school kaya bihira ko lang siya nakikita sa classroom nya.

Natapos ang last subject nina ate at lumabas na ang mga estudyante sa room. Nang makalabas si ate ay hinigit nya ako papunta sa garden at sinabing may irereto daw siya sa akin na kaklase niya.

Ano ba yan! Feeling cupid ka teh?

Itinuro niya ang lalaking naglalakad pababa ng stairs. And laking gulat ko ng makita na ito yung lalaking nakabunggo ko. Ano ba yan!

"Oh diba ang pogi?!" Sabi ni ate

"Di naman masyado" pagdedeny ko

"Asusssss. Nako Arya Avenire kilala kita. Nakita nga kita kanina na nakatitig sa kanya. In denial ka pa" pagmamaldita niya sa akin, at gosh, inirapan ba naman ako!

"Hay nako ate. Tara na. Dami mong alam." Sabi ko naman at inirapan din siya. Oh diba mana mana lang...

Umuwi na kami sa bahay. Gumawa na lang ako ng mga assignments ko since bored ako. Nagluluto pa kasi si mom ng dinner, si dad naman ay wala pa.

Natapos ko na ang assignment ko at kumain na kami. At gosh nangungulit na naman si ate dahil dun sa inirereto niya sa akin! Sinabi niya na ang ko pangalan daw pala nung lalaki ay Hayden Cole Americus. Gosh! Pangalan pa lang nakaka-in love na! Sinabi ni ate na favorite subject din daw ni Cole ang Math. Ackkk, kinikilig ako! Same vibes yarn? HAHAHA.

Pero sayang wala pa kasi sa priorities ko ang pagbo-boyfriend.

#studyfirst #aralmunabagoboyfie #wagmarupok HAHAHA

– – –

3 days passed at parang ang bilis ng araw dahil na din siguro marami ang ginagawa namin nastress din ako. Gosh! Uwian na namin at tumambay ako sa may bleachers sa court at nanood ng mga nagt-training ng basketball kasi may pupuntahan lang daw saglit si ate kaya hinintay ko na siya.

Chinat ko rin siya at sinabi na dito na ako sa may bleachers maghihintay dahil nakakabored naman kung sa may bench lang ako.

At gosh, nalaman ko na basketball player pala si Cole! OMG mas lalo siyang nakaka-inlove HAHAHA. He is wearing a red jersey with the number 11 on its back at ang surname niya na Americus. Feeling ko talaga may lahi din 'to e!

Nag breaktime na sila at gosh duffel bag niya pala yung nakalagay malapit sa inuupuan ko!

"Hi! Kanina ka pa ba nanonood?" he told me with his husky low voice that makes him more attractive.

"No, halos kakarating ko lang din" I gave him a short reply. Shocks, nakakainlove talaga. Parang ayaw ko na umalis sa kinakaupuan ko. Kaso wrong timing si ate kong Luka luka saka dumating noong nag uusap na kami. Hmp, panira ka ng trip ate!!! Sigaw ng utak ko.

"Oyy Avy, tara na. Ikaw ha kung sino sino na kinakausap mo baka mamaya malaman ko na lang may bebe ka na jan" palabirong sabi ni Ate Liz.

"Gosh! Ano ka ba naman Ate, classmate ko lang yun. Impossibleng ma fall ako dun noh" sabi ko kay Ate. Sinabi ko na lang na classmate ko para di na malito si ate. Baka isipin nya na si Cole yon pag sinabi kong classmate nya.

"Talaga lang ha, pag na fall ka sa classmate na yan isusumbong kita Kay Dad" sabi ni Ate Liz. Gosh, kung ano ano sinasabi nito.

"Ate naman oh, umuwi na nga lang tayo" sabi ko kay Ate na maingay pero easy to get din naman...

#ColeVyEndgame

"Dad!!! Si ate oh kanina pa ako niloloko" Pairap kong sumbong kay dad.

"Kase naman dad. Alam mo ba si Avy...ehem ehem... HAHAHAH" Panloloko sakin ni ate.

"Bakit?" Tugon ni dad

"Dad si Avy. Pumapagibig na" Sabi ni ate. Luhhh ano ko teh?

"Di kaya!" Sigaw ko sa kanya

"O tama na yan,mag aaway na naman kayo parang di kayo magkapatid eh" pangangaral ni dad.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko at nag Instagram nalang. Bored na ko that time kaya. Saktong pag open ko ng Instagram nakita ko yung post ni Xin. Nagpost sya ng pic niya kasama si Aiden at si Cole pati yung iba niyang friends.

May naka caption din doon. @AvySantana wish you were here.

Gaga talaga ito tinag pa ko. Kahapon pa kasi ako inaaya ni Xin na sumama sa kanila kaso andami kong ginagawa kaya sabi ko pass muna ko.

Nakatag din si Cole at Aiden don! Kaya what's the better thing to do than to stalk people. Diba?

So inistalk ko si Cole. Wala naman masyadong post. Puro about basketball lang. Tapos nakita ko yung isang photo na nasa beach siya nakasuot siya ng white button down shirt naka bukas yung tatlong butones tapos naka shorts na itim at nakashades. Ahhhh! Ang gwapoooo!

Sa sobrang kilig ko ay naheart ko accidentally yung post nya. Hala! Active pa naman sya. Nakita nya kaya yon?!?! Agad agad kong inun-heart yung post. Tsaka naisipan ko na matulog na kasi nakakakaba. Sana di nya nakita!

––– Three Little Witches –––
🧙🏻‍♀️🧙🏻‍♀️🧙🏻‍♀️

Mission Failed Successfully (ONGOING)Where stories live. Discover now