Chapter 4

15 3 0
                                    

Chapter 4

I woke up very early. 8 am pa lang ay gising na ako. Kasi naman sabi ni Xin 10 am daw kami magkita sa bgc. And I hate being late kaya maaga na kong gumising.

I did my morning routine and after that I took a bath. I wore a toffee colored crop top na spaghetti strap then pinatungan ko ng white cardigan. I partnered it with fitted denim jeans and to complete my outfit I wore black stiletto heels.

I Blowdried and straightened na din my dark black hair then I curled the ends of it para naman may volume diba.

Bumaba na din ako para magpaalam kay na mom. Ate was already waiting outside. 9:30 na din kasi. And ayokong nalalate kaya maaga kaming umalis. Hindi na ako nagbreakfast since sabi naman ni Xin dun nalang daw.

"Adios ate! Gracias! Te quiero" (Bye Ate! Thankyou! I love you) pagpapaalam ko kay ate nang makarating kami sa parking lot.

"Adiós! Te veo luego. Envíame un mensaje de texto si necesitas ayuda!" (Bye! See you later. Text me if you need help!) Sabi naman ni ate bago ako makababa ng sasakyan.

Xin and I went to a Steak House to eat our brunch. Ang ganda ng ambiance dito, instagramable talaga kaya ang dami naming pictures ni Xin. Treat ko na yun kasi sa dinami-dami ng pagkakataon na niyakag niya ako ay ngayon lang ako nakasama. 11:30 na rin kami nakatapos kumain and grabe ang dami kong nakain. Gosh, baka tumaba na ako nito! Char.

Makalipas ang ilang oras hindi ko alam na pupunta din pala sila Cole and Aiden. Di ko din inakala na magkapareho kami ni Cole ng style sa pananamit, like couple outfits ba. He wore a toffee hoodie partnered with jeans and white sneakers.

Pag dating nila may biglang may bumulong sa ears ko. Akala ko kung sino, si Cole lang pala.

"Ganda mo ngayon Avy ha, same styles pa tayo ng outfits parang couple" bulong ni Cole. I thought di niya mapapansin na same styles kami.

"Lagi naman akong maganda" maikling tugon ko.

Naglakad lakad pa kami sa BGC ng nakaramdam ako ng kamay na nauntog sa kamay ko at hinawakan ito sa pag-aakalang si Xin 'to. Matapos ang ilang minuto parang narinig ko si Xin na may niloloko, akala ko kung sino yun and kami pala ni Cole yung pinaparinggan niya.

"Yieee sweet naman ng new couple.Ehem HAHAHHA." pabirong sabi ni Xin. Napatingin ako sa katabi ko and nagulat ako nang nakita ko si Cole at yung kamay namin... Ay magka holding hands. Gosh!

"Shit! Pensé que eras Xin. Lo siento! " (Shit! I thought you were Xin. I'm sorry!) nagpapanic kong sabi. Gosh, nakakahiya!

"Huh?" Sabi naman ni Cole. Di niya naintindihan malamang di naman nagsasalita ng spanish yon.

"Wala. Sorry. Akala ko kasi si Xin" Mahinahon ko nalang na sabi sa kanya.

"It's okay, I like it" bulong niya sa akin at sabay kindat. Pafall! Gosh this man is giving me butterflies!

Nagyakag na akong magmerienda kami sa Starbucks. Treat na daw ni Cole yun. Wow rich kid! HAHAHA.

Nagtagal kami ng halos isang oras dun. Marami rin ang napag usapan namin. Nasabi rin pala ni Xin na 'Riry' na lang daw ang tawag ko sa kanya dahil close friends naman na daw kami. Ang cute ng nickname niya ah.

We bonded sa BGC hanggang 2 pm. Tapos nagyakag naman itong si Xin ay Riry pala, sa MOA. Gusto daw na mag ice-skating. I asked them if okay lang na isama si ate Liz. Okay lang din naman daw para maging close din daw nila si ate.

"Hola? Ate" (Hello? Ate) I said as I called ate. Nakita kong nakatitig sila sa akin. Siguro dahil nagiispanish ako. Nakataas pa yung kilay ni Aiden ah. Bwiset talaga toh. Kaya tumalikod nalang ako sa kanila.

"Si?" (Yes?) Ate said as soon as she heard me.

"Xin te invita a ir con nosotros a MOA. Estaremos patinando sobre hielo. Por favor, acepta. Quiero vincularme contigo también" (Xin is inviting you to go with us sa MOA. We will be ice-skating. Please agree. I want to bond with you also)

"Seguro Por qué no. Vas na ba? Quieren que los busque, muchachos? Para que no vayas a viajar? Y también para que podamos ir juntos na" (Sure why not. Are you going na ba? Do you want me to fetch you guys. So that you won't commute? and also so that we can go together na)

"Owkeyyy. We're here sa parking lot of the sa BGC. Dun sa may pinagbabaan mo sakin kanina." I said smiling.

"Guys susunduin daw tayo ni ate here. Pumayag din sya na sumama sa atin" Tuwang tuwa kong sabi.

We waited for 15 minutes and dumating naman agad si ate. Nagtagal kami sa byahe for like 45 minutes ata. Natraffic kasi kami since Saturday din at maraming gumagala. Gosh!

Nagsimula kami mag ice skating ng 3:15 dahil pumila pa rin kami para sa tickets. Ang kinuha na namin ay yung 2 hours para susulitin na rin namin. Si Ate Liz ay marunong na mag ice skating kaya humiwalay siya sa amin pagkapasok namin.

Ako at si Riry ay hindi marunong. Gosh! Buti na lang ay marunong 'tong dalawang boys na kasama namin. Si Aiden ang nagtuturo kay Riry at si Cole ang nagturo sa akin. Gosh, baka any time ay madulas ako dito dahil hindi ako makafocus dahil sa kapogian niya. Char HAHHAHA.

Nag ice skate na kami, humiwalay sila Riry at Aiden sa amin kaya kami lang ni Cole ang magkasama. Nagusap-usap kami na sa may exit na lang ng ice skating rink. Natuto na ako mag ice skate, thanks to Cole. Pero hindi ko inaasahan na madudulas ako! Buti na lang ay nasambot ako ni Cole at gosh! Sobrang bango niya talaga!

Nagusap kami ni Cole habang nagi-iceskating para naman hindi boring.

"You know Avy all jokes aside. I really think you're beautiful" Sabi nya

"Gracias" sabi ko nalang. I really don't know how to answer people when they compliment me.

"Are you always like that?" Tanong nya

"Like what?"

"Tahimik. Ang ikli sumagot"

"Nah. I just am like this pag di ko feel makipag usap or di ko pa close yung tao" sagot ko sa tanong nya.

"So. Which one is it when you're with me?"

"Di lang kita close"

"The truth Avy?" Sabi nya. The heck? How'd he know?

I was silent for a minute.

"It's fine if ayaw mong pagusap-"

"To be honest. It's because ayokong magtiwala ulit sa maling tao. I have been fooled sa dati kong school..." pagputol ko sa kanya

I took a long pause and parang napansin nyang sensitive topic talaga iyon para sa akin. Kaya sabi nya magenjoy nalang daw kami.

And that's what we did.

Lumipas ang mga oras at natapos na kaming mag ice skating. Nagkita-kita na kami ulit sa may exit. Gosh, inaasar ako ni ate!

Nakita nya daw kami ni Cole kanina na naguusap. Muntikan na daw akong madulas buti nalang daw nandon si Cole.

"Ate. Stop it" bulong ko sa kaniya habang naglalakad kami papuntang parking lot.

Umuwi na kami, inihatid na rin namin sila Riry Aiden and Cole. At ngayon ko lang nalaman na kambal pala si Aiden at Cole kaya pala magkahawig sila ng slight. Pagkauwi namin ay nagbihis na ako at natulog dahil napagod ako today.

––– Three Little Witches ––
🧙🏻‍♀️🧙🏻‍♀️🧙🏻‍♀

Mission Failed Successfully (ONGOING)Where stories live. Discover now