Chapter 34

12.8K 418 17
                                    

The next day ay parang pinukpok ang ulo niya sa sakit. Napalingon siya sa paligid na hindi pamilyar sa kanya. Hindi niya alam kung saan siya hinatid ni Hinx kagabi.

He groaned and sit. Saktong bumukas ang pinto at napaawang ang labi niya sa gulat ng makita kung sino iyon.

"C-Ciana..."

"Masakit pa rin ba ulo mo?" Tanong nito habang may bibit na tray kung saan amoy niya ang paborito niyang beef steak.

Hindi siya nakasagot sa gulat. Sinundan lang niya ang dalaga na nilapag ang tray sa may bedside table at saka tumungo sa veranda at binuksan ang kurtina. Napapikit siya sa sinag ng araw. Nagmistula tuloy siyang bampira.

"What happened? Why am I here?" Naguguluhang tanong niya.

"I don't think I need to answer that." Ciana said.

"Ha?"

Nagkibit balikat ito at kinuha ang remote sa may mesa malapit sa TV. She turned on the TV and a news is currently playing.

It was a normal news for him not until he read his name on the headline and the scene was quite familiar. It was the scene from last night!

"Helix, uuwi na tayo." Hinx said and pull him but he shove Helix' hand away.

He faced Ciana, nasa likuran lang nito si Zyde.

"Hindi-hindi ako uuwi kung hindi ko kasama si Ciana! Sasama ako kung saan siya magpunta!" Pagwawala niya.

Nalaglag ang kanyang panga sa nasaksihan. He looks so drunk, kahit papaano ngayong nawala na ang epekto ng alak ay tinubuan na siya ng hiya.

"Helix, the media is here. We better go." Pamimilit pa rin ni Hinx.

"No! I wanna be with Ciana!" He said and went to Ciana's direction and hugged her tight.

Natutop naman ni Hinx ang noo. Mukhang wala na rin itong enerhiya na paalisin ang mga media na kumukuha ng video dahil malaya at klaro silang nakunan.

"Take him home." Zyde said to Ciana.

And that's the end of clip. Everyone is now talking about him and Ciana, the media is trying to dig information about their past. Hindi pa nakakatulong dahil ang media pang iyon ay ang BNJMN Entertainment. Kilala niya ang Tito niyang namamahala. Everything for the Entertainment's name, ibubulgar talaga nito.

Napahawak na lang siya sa noo. Namomroblema hindi para sa sarili niya kung hindi para kay Ciana at sa kung anong maging epekto dito.

He sighed and look at her.

"Sorry about last night. I'm so drunk." Panghingi niya ng paumanhin.

Ciana just nodded. Lumapit ito sa tray ng pagkain at lumapit sa kanya. Nilagay nito sa kanyang kandungan at akmang pupulot siya ng kubyertos ng mapatingin siya sa kamay niyang may benda.

"Uh..." He muttered, confused why his hand has bandage around it. Both of his hand.

"Nagwawala ka kagabi pagkarating sa bahay ko ng makita mo si Zyde na sumunod sa 'tin. Tinapon mo ang vase  sa paanan niya at tinangka mong sumugod kaya lang nadapa ka at ang kamay mo ay lumapat sa bubog."

Fuck! Ano pa bang kahihiyan ang ginawa niya kagabi?

"Shit. I'm so sorry. Sobrang inabala kita kagabi." He said with regret.

Nagkibit balikat lang ito.

Napatingin siya sa kutsara at tinidor. Kaya niya sigurong mahawakan iyon pero napatingin siya sa dalaga at maliit na ngumiti.

"Im hungry, but I can't use my hands. Can you feed me?"

Natigilan ang dalaga at nagpabalik-balik ang tingin sa kanya at sa kanyang kamay. Kalaunan ay tumango na rin.

He smiled a little to her but deep inside he was laughing victoriously.

Sinubuan nga siya ng dalaga.

Pinigil niyang mangiti habang ngumunguya. Sinadya niya talagang bagalan ang pagnguya para matagal ang susunod na subo nito at mahabang oras silang maaring magsama.

On his last spoon, napasimangot na siyang ubos na ang pagkain. Inabutan pa rin naman siya ng dalaga ng tubig at pinainom, ito na mismo ang nagpainom sa kanya.

He sniff himself when she's about to go.

"I..I smell bad. I can't go out like this. Pwede mo ba akong liguan?" He asked carefully not to scare her.

Ciana's eyes widen. Umawang ang labi nito at mukhang handa ng tumutol pero hindi nakpagsalita. Hindi rin tumakas sa mata niya ang pamumula ng pisngi nito.

"Kailangan bang maligo ka?" Tanong nito na pinatatag ang boses.

Tinitigan niya ang dalaga ng mariin. He's trying to intimidate her.

"Yes. Makikisuyo lang sana ako kung pwede ring pakitawagan ang secretary ko para padalhan ako ng damit. Kailangan kong dumiretso sa opisina." Sabi niya.

Naglumikot ang mata nito. Mukhang naghahanap ng maipapalusot but he's damn hard headed. He was given a chance so he would take advantage of it. Wala na siyang pake. He wants her back.

"B-but--"

"Please? Hindi naman ito palagi, eh. Ngayon lang 'to." Pagpapaawa pa niya at kunwaring napangiwi sa sakit sa sugat ng kamay.

Nagdalawang isip pa ang dalaga pero bumuntong hininga na lang at tumango. Lihim siyang napangisi.

Tumungo siya sa banyo. Sumunod naman si Ciana. He pouted his phone on his pocket.

"Call Bevian. She's my secretary. Call her and tell her to buy me clothes."

"Huwag na! I have clothes here for you." Mataray na tanggi ni Ciana.

At paanong magkakaroon ito ng damit panlalaki? Dahil kay Zyde? Nunkang susuot siya ng damit ng lalaking 'yon.

"No thanks. I want new one. Call her." Giit niya.

"No!" Tanggi ni Ciana at sinamaan siya ng tingin.

"Ayaw kong magsuot ng damit ng lalaki mo." Mariing saad niya.

"At ayaw ko ring tawagan ang babae mo." Ingos nito.

Sabay silang natahimik. He bit his lips to stop himself from smiling when she blushed and look away.

Now, he's doubting if she moved on alread?

Napangisi siya. At humakbang palapit. Napaatras naman ito.

"Jealous, my love?" Tukso niya.

Mas lalong tumingkad ang kulay sa pisngi nito at sinamaan siya ng tingin.

"Ako? Nagseselos? Baka ikaw!"

He held his head up to tower her. Dominating her tigress aura wanting to turn her into kitten.

"Yes. I'm very jealous man, Ciana." He proudly said.

"And you're proud of that?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Umangat ang isang sulok ng labi niya.

"Yes. To let you know that you still have the power to make me jealous. That only means that I still love you, baby. So... would you buy me a new clothes or I will be naked the whole day?" Nakangising hamon niya.

Ciana's jaw clenched and glared at him.

"Fuck you, Benjamin."

Ngumisi siya at dumukwang palapit dito.

"Maghuhubad na ba ako?"

Obsessed To A Benjamin (4th Gen #15)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon