Special Chapter

19.7K 712 176
                                    

A/N: Tapos na tayoooo💥 Uwu😭 Thank you so much, like very so much sa pagsubaybay. Those active readers na nagcocomment, namomotivate talaga ako sa pagsusulat and those silent readers, thank you, malki rin ang ambag niyo sa 'kin. Maraming salamat sa inyo. Mahal ko kayo.

The plot of Obsessed To A Benjamin isn't supposed to be Helix'. Sa lahat ng fourth gen si Helix lang ang wala pa akong naisip na plot. Naaawa ako sa character niya kasi sa lahat ng Benjamin, siya lang ang hindi planado. Tanggap ko na lang na okay lang kahit ano na lang si Helix but....ayon na nga. Ginamit ko na lang ang plot ko na years ng nakaambak sa draft hahaha. Supposedly pang-Third Gen na ang ganito, eh. Ibang lebel na ng toxicity at plot but I applied it on Helix and I didn't regret. Iba talaga kay Helix. Even I was shock on the outcome.😊

Thank you for making OTAB bloom. Excited talaga akong mag-abang sa mga comments niyo after every update kasi alam kong meron! HAHAHAHA. I luv u guysie. We still have 2 more 4th Gen Benjamin to go.😘 Tatapusin ko lang muna kay Hakob.




SC-Last chapter.

"What happened to Mommy?" Lixia asked.

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ng anak.

"Naglilihi."

Napatingin siya sa asawa niya na pinagpapatong-patong lahat ng dapit nito sa may carpet at ginawang upuan habang nanunuod ng TV. Kumakain ito ng pakwan na isinawsaw sa ketchup. Napangiwi na lamang siya. Gustong-gusto nitong isawsaw ang parehas na kulay. Tulad ng mangga at mustard, buko flesh at sourcream.

"Baby!" Tawag ni Ciana kaya nagmamadali siyang lumapit dito.

"Love?"

"Sit beside me." Sabi nito sabat tapik sa tabi nito.

Agad naman siyang sumunod.

Humikab si Ciana at sinandal ang ulo sa balikat niya. Natulog na. Siya naman ay nanood ng TV na pinapanood nito.

Kalaunan ay nakatulog rin siya pero hindi pa man siya nakaabot sa panaginip ay ginising na siya ni Ciana.

"I'm done napping. You go now." Pagtataboy nito.

He sighed and walk away. Naroon lang siya sa gilid kung saan hindi siya pansin nito. Naghihintay kung kailan siya kailangan ng asawa niya na nakalunok ng pakwan.

Lixiana was busy writing. She's practicing how to write and count. Plano na nilang ipasok ito sa preschool next year.

Agad siyang napalingon kay Ciana ng bigla na lang itong umiyak. Agad siyang napatakbo sa direksyon nito.

"What's wrong?" Nag-aalalang tanong niya.

Humikbi ito. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mata. Naluluhang nag-angat ito sa kanya ng tingin.

"Mamahalin mo pa rin ba ako kapag naging uod na ako?" Umiiyak na tanong nito.

Napatanga siya sa tanong nito. Humugot siya ng hangin at kinalma ang sarili. Dalawang linggo na siyang walang tamang tulog, tamang kain para asikasuhin ang asawa. He has no protest but he's exhausted tapos tatanungin nito kung mamahalin niya pa ito kapag naging uod na ang asawa?

Yes, of course.

Yumakap si Ciana sa kanya kaya agad niyang inalo ito. Hinaplos niya ang likod ng asawa.

"Of course, baby. Sshh. Tahan na."

"I love you, Helix."

And that paid all the exhaustion.

"I love you, too."

Kung gaano siya pinapalayo ng asawa niya ay siya naman ang pagiging malapit nito sa sumunid na araw. He can't even get up the bed. Bine-baby siya nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsessed To A Benjamin (4th Gen #15)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon