Chapter 45

13.9K 414 70
                                    

Hindi na niya mabilang kung pang-ilang baso na niya. Nahihilo na siya kasi 'yong paligid niya gumagalaw.

"Can you stop moving?!" Inis na sigaw niya dahil parang nagpaikot -ikot ang mga tao sa paligid niya.

"Mr. Benjamin, lasing ka lang." Natatawang saad ni Russo at sinalinan na naman siya ng alak.

"Yes! I'm drunk! Call my woman!" Asik niya saka tinungga ang nasa baso.

Naiiling na natawa si Russo.

"Lasing ka talaga, Helix. Wala ka namang babae."

Piste.

Pwede bang masuntok si Russo kahit ngayong gabi lang? Masyadong straightforward.

"Hey, I can be your woman tonight." Mapang-akit na sabi ng babae sa katabi niyang high stool sa may bar counter.

He keep his stares on his glass. Hindi niya tinapunan ng tingin ang babae. Kahit sinasaktan siya ni Ciana ay faithful pa rin siya dito.

Biglang may kamay na dumapo sa hita niya. Agad niyang tinabig iyon.

"Don't touch me! May asawa ako!" Inis na asik niya at tumalikod ng direksyon sa babae.

Natawa na namn si Russo. May inabot ito sa kanya na inumin.

"Ito, inumin mo. Masyado kang nag-iilusyon, nakakaawa ka naman." Ngisi ni Russo.

Sinamaan niya ito ng tingin at ininom ang alak na binigay nito.

Masarap. Bago sa panlasa niya pero masarap.

Akmang maghihingi pa siya ng isa ng umalis na si Russo sa harap niya at inentertain ang ibang costumer.

Napatingin na lang siya sa paligid. Kahit lasing siya at mahilo-hilo ay kilala niya kung sino ang lalaking may kahalikan ngayon.

His senses vanished and everything he can see is red.
Malalaking hakbang ang ginawa niya at tinungo ang direksyon ng lalaki at hinaklit ito sa kwelyo at sinuntok sa mukha.

Napasigaw ang kahalikan nitong babae.

"What are you doing?!" Tili ng babae at akmang lalapitan si Zyke ng suntukin na naman niya ang lalaki.

"Fuck you! Fuck you, cheater!" Galit na bulyaw niya at pinagsusuntok ito. Panay naman ang iwas ni Zyke.

"The fuck is wrong with you, Helix?!" Zyke spat angrily and stood up.

Nagsamaan sila ng tingin. May sugat ito sa gilid ng labi at may pasa sa pisngi.

"You fucking cheater! How dare you cheat on Ciana with this girl?!" Sabay turo niya sa babae.

"Careful with your words, Benjamin. That's my woman." Mapanganib na banta ni Zyke.

Napangisi siya ng mapakla.

"How about Ciana, huh? How about her? Ikaw ang mahal niya! She's hurting me because she loves you---"

"She's hurting you because you hurt her first not because she loves me!" Inis na bulyaw ni Zyke sa kanya pabalik.

Umigting ang panga niya at kumuyom ang kamao. Damn it, he's right.

Pero tama rin naman siya na mahal ito ni Ciana. Klarong-klaro ang salita ng dalaga dati. She loves Zyke and she doesn't love him. Hindi rin sila para sa isa't-isa.

"If she'll cry because of you. I'll make sure you'll die." Banta niya.

Ngumisi si Zyke sa kanya.

"She would never, Helix. Alam mo 'yan. Kasi sa ating dalawa ikaw lang ang nagpapaiyak sa kanya habang ako ang nagpapatawa."

Obsessed To A Benjamin (4th Gen #15)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon