XL

4.3K 272 83
                                    


[iMessage]

Jalil Kaeden Tuazon

July 2, 2:03 p.m.

Kuya
Saan ka pupunta?

Sa labas

Malamang
Alangan namang dito sa loob?
Bihis na bihis ka para pumunta sa ref?

Hahahahaha basta sa labas
Bakit? Ano yun?

Sama ako
Nababagot na ako dito sa bahay

Hindi pwede
Sa susunod na lang

Sige na 🥺

Hindi nga pwede
Uwian na lang kita pasalubong

Ay bakit?
May kasama ka ba?

Oo meron

Sino yan ha? 👀

Basta
Sige na, aalis na ako

Sama

Hindi nga
Ano na lang gusto mong pasalubong

Ayoko
Isama mo ko

Jalil, isa

Hindi ba sila Sir Harold kasama mo?
Sila lang naman kasama mo minsan
kapag lumalabas ka

Hindi sila sir harold

Iba?
Sino yan kuya

Basta
Aalis na talaga ako
Text mo na lang sakin ano
gusto mong pasalubong

May date ka no?


Hindi
Pahiram ako ng payong mo

Papahiramin kita pero
sabihin mo muna sino kasama mo hehe

Jalil ang kulit naman eh

Bilis na
Di mo na nga ako isasama eh

Si Miss Ortiz
Okay na?

Ay 👀
Sige sandali ibababa ko na yung
payong ko. Magmadali ka
Bawal paghintayin ang best teacher

Akala ko ba ako ang best teacher?

Ha? Wala namang nagsabi niyan?

Grabe?
Parang hindi kapatid

Malay Natin: Siguro AkoWhere stories live. Discover now