L

4.2K 243 28
                                    


[Twitter]

Mithi 🔒 @mihikatahlia
How do you fix a leak

Mithi 🔒 @mihikatahlia
Wala akong teflon tape and wrench. Bakit mamayang 7am pa yung maintenance nila dito 🥲

Mithi 🔒 @mihikatahlia
Bakit biglang barado din yung drain? Ano nangyayari natulog lang naman ako, hindi naman ganito kagabi 🤧

[Messenger]

Jiro Kael Tuazon

6:07 a.m.

Jiro! Good morning
Please be awake 😔

6:12 a.m.

Good morning!
Kagigising ko lang
Bakit?

May situation lang ako dito sa condo
Baka ma-late ako sa school
Do you have class for 1st period?

Wala naman
Kailangan mo ba ng sub?

Yes please
Class naman nila jalil 1st period ko

Sige sige
Anong activity nila ngayong araw?

Pasagutan mo sa kanila yung
numbers 1-6 sa book. Page 82
kahit by pair na sila dyan

Okay okay
Noted

Thank you!

No prob!
Okay ka lang din ba dyan?
Is there something I can help you with?

Nag lleak yung sink ko
Tapos barado yung drain sa cr
Okay naman to last night :(

Baka may maluwag na pipe
dun sa sink mo or barado?

Wala namang maluwag na pipe
Hindi rin naman butas kanina nung chineck ko
Pero I think barado siya. Kasi ayaw bumaba nung water
kanina nung naghugas ako ng baso
Tinawag ko na rin siya sa lobby for maintenance
Kaso mamayang 7am pa raw sila. Hihintayin ko
na lang din kaya male-late ako :(

Ahh, I see
Sige, ako na lang muna bahala sa 1st period mo
Will you be able to make it for the 2nd period?
May class na ako nun but I'll find someone who
can cover for you. Pag wala naman, kahit daanan
ko na lang saglit yung second period class mo
para magbigay ng activity

Thank you jiro!
Not sure kung gaano katagal maaayos yung
problem ko dito kaya hindi ako sigurado kung
makakapasok na ako ng second period.
Sabihan na lang kita mamaya in case

Sige sige
Message ka na lang din
Wag ka na mag worry for your class
I got you

Thank you talaga 😔

Malay Natin: Siguro AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon