CXXII

4.4K 220 55
                                    

Part 122

Mithi could barely feel her legs from walking all throughout the day in her two-inch heels. Dahil sarado lahat ng buildings at kaunti lang ang upuan at matatambayan sa grounds, magdamag siyang nakatayo para maglibot. Idagdag pa doon ang init ng panahon.

On usual days, the campus seems large. Malawak ang quadrangle, ang soccer field, at ang gardens. But circling the grounds for the whole day made it look and feel so small.

Kumapit siya sa braso ni Jiro para sa suporta habang inaalis ang suot na sapatos.

The knots on her forehead were automatically relieved when her feet touched the cold ground.

"Hala, may paltos ka na rin pala sa gilid ng paa mo," sabi ni Jiro habang tinitingnan ang paa niya.

"It's okay," she said, trying to smile. "Sanay naman ako d'yan."

"May gamot ka ba sa taas?"

"Okay na ba 'yong anti-bacterial na ointment?"

He nodded. "Puwede na siguro 'yon. May band-aid ka ba?"

Umiling si Mithi. "Wala akong band-aid."

The elevator pinged when it reached Mithi's floor.

Napaangat naman ng tingin si Jiro nang bumukas ang pinto. "Una ka na sa unit mo. Punta lang ako saglit sa convenience store sa baba. Baka may band-aid sila."

"Okay."

Jiro held the door for her. She winced on her first step. Hindi niya 'yon naramdaman kanina habang nasa school, pero medyo paika-ika na rin ang paglalakad niya ngayon dahil sa ngalay at ilang paltos sa paa.

"May ipabibili ka ba sa baba?" he asked.

"Hmm . . . gusto ko ng potato salad."

"Sige, bili rin ako no'n. Pero paano kung wala? May iba ka bang gusto?"

Umiling naman si Mithi. "Wala na. Balik ka na lang sa unit kapag wala 'yong salad."

He smiled. "Sige."

Mithi waited for the doors to close before she walked to her unit.

Agad na nangunot ang noo niya nang makita ang lababo. She wasn't able to wash her dishes last night and this morning. Sinabi niya rin sa sarili niya kanina na huhugasan niya 'yon pagkabalik galing school.

But she was feeling tired earlier, even after taking a shower.

She sighed. Tinabi niya ang sapatos sa lagayan saka dumeretso sa kuwarto para magpalit ng damit. She also took her time in the bathroom to wash her face and her aching feet.

Tinali ni Mithi ang buhok niya habang tinititigan ang mga hugasin. Napasinghal siya ulit. It's a lot, and all she wanted was to lie down.

Inuna niyang babaran ng mainit na tubig ang ilang plasticware na mamantika.

She was halfway done when the doorbell rang.

"Bukas 'yan!" sabi niya.

"Sorry, natagalan ako. Naghanap ako ng potato salad mo. Doon pa ako sa kabilang convenience store nakakita," bungad naman ni Jiro.

Malay Natin: Siguro AkoWhere stories live. Discover now