Chapter 9

597 32 1
                                    

Ngayon araw 'yong outreach program namin sa zambales. Nagtext na sa akin si Brianna na nandon na sila. Nagpahatid lang ako sa family driver namin dahil na late ako ng gising.

" bakit ngayon ka lang Ponkan? Kanina ka pa namin inaantay... " Nakita ko si Brianna na nasa ibaba pa mukhang inaantay ata ako.

" Na late kase ako ng gising... "sumakay na ako ng bus at sumalubong sa akin ang seryosong mukha ng aming proffesor. Napayuko nalang si Brianna at nakita ko na may katabi na pala sya kaya ako ay naghanap pa ng mauupuan.

Sakto naman na may nakita ako kaso isang seat nalang. Sino kaya ang makakatabi ko?

" You're late ms.ortega each and every one of you already know the call time upon your orientation and her you are coming late! SC pressident ka Pa mandin .." Nakahalukipkip nitong sermon sa akin. Dumaan muna ako sa harapan nya at umupo sa bakanting upuan malapit sa driver seat.

" I'm sorry ms. Rodriguez .. " paumanhin ko.

" Maam, kompleto na ba?" tanong ng conductor.

" yes. We should go. " dinig kong sabi nya. Natigilan naman ako ng may dumaan na pamilyar na pabango sa harap ko. Nang mag angat ako ng tingin ay sya ang katabi ko?

Amoy na amoy ko ang pabango nya na nanunuot sa aking ilong. - Lavander scent.

Nagsimula ng umandar ang bus kaya naisipan ko munang umidlip dahil ilang oras pa kami makakarating sa pupuntahan namin. Kinuha ko muna ang headset ko at sinaksak sa tenga ko at nagpatugtog. Seryoso naman kase ng katabi ko. Busy naman ito sa phone nya at walang imik.

Tahimik lang si maam sa tabi ko kaya naisipan ko munang umidlip kahit na sandali dahil kulang ang tulog ko. Malayo pa naman ang byahe namin kaya iidlip muna ako.

Di ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising nalang ako ng huminto ang bus. Kinusot ko naman bigla ang mata ko dahil feeling ko inaantok pa ako.

" Ortega... " May bumulong malapit sa tenga ko. At wala sa wisyo na sumagot.

" Hmm? " lutang ng isip ko.

" Can you please umaayos ka na? Nangangawit na ang balikat ko. " dahil sa nadinig ay bigla akong humarap sa kanya at nakatingin ito sa akin ng seryoso na naman ang mukha. Nakita ko pang hinimas nya ang balikat nya dahil nakatulog ako sa balikat nya shemay nakakahiya!

Para takpan ang pagkapahiya ko ay lumingon muna ako sa paligid.

" maam, nasaan na po tayo? "tanong ko nalang at inayos ko ang pagkakaupo ko at inayos ang sarili sa maliit kong salamin.

" Nasa stop over. " Walang ganang sagot nito.

Hindi na ako bumaba dahil wala naman akong bibilhin dahil pinabaonan ako nila mommy ng snack. Naisipan ko munang kumain dahil kaunti lang nakain ko kanina. Kumuha ako ng isang sandwich sa tupper wear, kaya naisipan ko din na alokin si maam.

" Maam, gusto nyo? " alok ko sabay kagat ng sandwich ko.

" No. Thanks. "tanggi nya. Hinayaan ko nalang ayaw nya eh. Pagkatapos kong kumain ay saka naman nagsibalikan ang mga kasama namin sa bus mostly mga kaklase ko at umandar na naman ang bus.

Ilang oras din ang lumipas at nandito na kami sa zambales. Nag inat inat ako ng aking katawan. Nakatulog ulit ako sa byahe pero paggising ko wala na si maam sa aking tabi. Pagtingin ko sa loob ng bus ay nakababa na ang mga kasama ko.

Pinagmasdan ko muna ang paligid at meron bahay na bungalo ang hinintuan namin may mga puno na nakapalibot dito.

Bitbit ko ang malaki kong bagpack at isang maliit na shoulder bag para a mga accessories at gadget ko.

Miss Gen ( Profxstudent)  ( GxG) prof Series1Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora