Chapter 13

678 60 46
                                    

"Gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin bago bumalik ng syudad maam..." alanganin naman akong ngumiti dahil kita ko sa mukha nya na tataasan na naman ako nito ng kilay. Hindi na ito muling sumagot at nanahimik nalang.

" kumusta ang out reach program nyo President? " tanong ni Gray habang papasok kami ng officers room. As usual nagiging busy kami ngayon dahil sa nalalapit na Org program ng school.

" Okay naman at na enjoy..." hindi ko alam kung anong na enjoy ang tinutukoy ko. 'yong moment na nayakap ko si Maam or sa pag to tour sa paradise farm?

" Waw pres, ang famous mo talaga! Biruin mo 'yon naging 45k likes ang 8k comments sa account mo... " sabib habang tinitignan ang pinost ko sa IG ko. Di pa din ito tumigil kakadaldal ng makasalubong namin si Ashley ang treasurer officer.

At usual ganun din ang react ng babaeng 'to.

" Pres, how to be you po? Sana all peymus lodz! " sabay na nagtawanan ang dalawa.

May inayos lang kami at ginawa at nagsipasukan na sa kanya kanyang klase. Pagdating ko sa room namin ay wala pa si Maam kaya nag ayos muna ako ng sarili ko.

Nagtungo muna ako sa c.r para mag retouch dahil wala pa naman si Maam at 15 minutes pa naman bago mag umpisa ang klase.

Nang aakma ko ng tunguhin ang comfort room ay may nahagilap akong dalawang bulto ng tao na naglalakad papuntang faculty tas 'yong isa ay tumatawa pero si Miss Geneses ay poker face.

Napaangat ulit ang ulo ko sa kanila ng bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib ng yakapin nito at halikan sa pisnge si Maam. Pumasok na ako ng banyo at napatingin sa mirror at tinignan ko ang sarili ko kaya agad akong naghilamos at pinakalma ko ng ilang minuto ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan, pero gusto ko sanang ma confirm kong ano ba talaga ang nararamdaman ko towards her.

Hindi pa din kumakalma ang isip ko ng pumasok ako sa room namin.Napansin ko na tahimik ang mga kaklase ko ng magtungo ako sa may pintuan.

" Ortega..."

"Ortega..." natigilan naman ako sa paglakad ng papunta sa upuan ko ng madinig ko ang kanyang boses.

" Where had you been? Don't you know that you're class isn't nine oclock in the morning? " hindi ko sya sinagot hanggang sa makadating ako sa upuan ko saka ako humarap sa kanya. Kita ko sa mukha nya ang pagkainis dahil sa inasal ko ngayon lang. Nakipagtitigan lang naman kami ng ilang minuto saka binaling ang atensyon sa white board at pinagpatuloy ang lecture nya.

Pagkatapos nyang i-dissmiss ang class namin ay muli naman akong kinabahan ng bigla nya akong tawagin ng may pagdidiin.

" Ortega... Follow me at my faculty room, now! "

Nadinig ko nalang na malakas na sumara ang pintuan kaya nakaramdam ako ng kaba at sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko. Wala sa sarili na tinungo at sinundan si sya sa faculty at huminga ng malalim bago ako kumatok at buksan ang pintuan.

Naabutan ko syang nagta type sa laptop nya at kita sa mukha nya ang pagiging strict at dahil ramdam ko ang pag iiba ng mood nito mula pa habang naglelecture sya sa may harapan.

Ilang minuto na ang lumipas ng ramdam ko ang katahimikan pagpasok ko.

"Maam? Bakit nyo po ako pinasunod dito sa faculty? " Wala naman itong imik na humarap sa akin at inirapan ako. Ano bang problema niya, dapat nga ako tong nagsusungit kase nasasaktan ako---what? Nasasaktan ako? Paano naman ako masasaktan wala namang kami--😭

" Why are you late? " walang emosyon na tanong nya at nakatutok pa din ito sa laptop na halos masira na ang keyboard dahil sa diin nitong pagtatype. Napairap nalang ako sa hangin at napabuga ng malalim at lumapit ako sa table nya.

Miss Gen ( Profxstudent)  ( GxG) prof Series1Where stories live. Discover now