Chapter 12

641 44 5
                                    

Orange

Nagising na lang ako ng tumunog ang phone ko sa side table ng kama.  Pupungas pungas pa akong kinusot ang mata ko dahil inaantok pa.  Pinatay ko nalang ito dahil sa alarm clock.  Napahikab nalang ako at bumalik ulit sa pagkakahiga pero kumunot naman ang noo ko ng may gumalaw sa aking tabi.

Napatingin ako sa aking relo at mag 5am na pala ng umaga. Ilang oras palang ang nagiging tulog ko dahil pasado 12am na ako nakatulog at itong katabi ko ay mahimbing pa syang nakadapa sa akin kaya nan laki ang mga mata ko at nakayakap pa at kita ko ang peaceful Ng mukha nya.

Hindi ko alam na ganito pala matulog si maam parang di sya aware sa paligid nya? Di ko alam kung ano ang rereact ko dahil ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.  Shuta as in nakadapa sa akin si maam,  its torture for me you know.

Wala sa sarili na niyakap ko sya sa likod at hinayaan nalang syang matulog na ganito posisyon namin dahil baka naman ganito lang si maam.

Kaya unti unti na naman akong nilamon ng antok at makatulog ako ulit.

Nagising na lamang ako dahil sa lakas na pagkatok sa pinto kaya wala sa sarili na nag inat ako at humikab pa.  Kinusot kusot ko pa ang aking mga mata at dahan dahan ko naman itong minulat.

" Bakit ba ang tagal mong bumaba,  ponkan?" bungad na asik ni Briana ng pagbuksan ko sya ng pintuan.  Nakabihis na ito at may dalang bag. 

" I feel sleepy pa kase... " lutang na sagot ko.  Humikab pa ako sa harap nya.

" Puyat ka ba?  Ano naman ginawa mo bakit parang buong gabi kang hindi natulog sa itsura mo nyan..." Nanlaki naman ang mata ko ng maalala ko si maam,  kaya agad na hinanap ko sya sa loob,  shuta ang lutang ng isip ko!

" Asan si maam? " biglang tanong ko sa kanya.

" Gaga!  Kanina pa nasa baba si maam Rodriguez, hayy naku bumaba ka na dahil pinapasabi na din na dalian mo dahil aalis na tayo! " umalis na sya kaya mabilis akong naligo dahil nakakahiya ako nalang ang inaantay.

Pagkatapos kong maligo ay agad na nagbihis at nagmamadaling bumaba at nilock ang pinto ng kwarto.  Pagkadating ko sa ibaba ay nakita kong nakabihis na silang lahat.

" Oh,  Orange bilisan mo na at kumain ka na dahil within in 15 mins ay aalis na tayo... " Bungad na sabi sa akin ni Dean habang nasa tabi naman nya 'yong isa habang nakahalukipkip. 

Pagkalabas ko ay halos lahat ng kasama ko ay nasa bus na at ako nalang pala ulit ang hinihintay.  Kaya naman ay sumakay na ako at naghanap ng mauupuan at sakto na may nakita akong bakante,  pero shuta makakatabi ko na naman si maam.  Napatingin ako sa kanya pero sa bintana sya nakatingin at umupo sa kanyang tabi.

Napansin kong nakatulala lang si maam sa bintana na parang may iniisip.  Gusto ko sana syang tanungin pero hindi ko nalang ginawa baka bugahan ako ng apoy.

Paglalipas ng ilang oras ay huminto kami sa isang private property at itim na gate na may nakasulat na Paradise Farm.  Pagkatapos ay nagsibabaan na kaming lahat at namangha sa mga nakikita.

Madaming puno at iba't ibang klase na tanim at may mga taong nag aasikaso sa farm baka mga trabahador ni Mr chairman.

Pumasok kami sa isang malaking kubo at may isa pang gawa sa sementong bahay kung saan namin iiwanan ang mga gamit namin.  Kinuha ko lang ang phone ko para makapag picture mamaya pag nag tour na kami hihihi.

" Welcome to Paradise Farm! " Sabi ni Mr. Chairman ay humarap ito sa amin na nakangiti. 

Hindi maiwasan na ilibot ang aking paningin at hinanap ng aking mga mata si Maam.  Nakaupo sya sa may gilid katabi ang ibang proffesor.

Pagkatapos ng ioang minutong pagpapakilala ni Mr.  chairman sa mga katiwala nila dito sa farm ay inutusan nya ang ilan sa mga ito na sila ang mag tour sa aming lahat.

Habang nagsasalita si kuya Edwardo ay pinagmasdan ko ang iba't ibang klaseng tanim dito sa farm.  Hitik na hitik sa bunga ang mga mangga nila dito at fresh na fresh pa ng kumuha si kuya ngIlang piraso at pinatikman sa aming lahat na ina assist nya.  Napapikit nalang ako ng mga mata ng matikman ko amg isang piraso ng mangga maasim na medyo matamis na dahil may gulang na ito at pwede na daw syang harves-en.  Kinuha ko ang phone ko and to take a selfie para may souvenier ako.

" Let's proceed naman sa iba pang prutas at mamaya pagbalik natin sa kubo ay magluluto tayo ng pananghalian... " nauna na ang iba kong mga kasama samantalang ako ay nagpipicture pa.

Nandito na kami sa may kubo kung saan nagluluto ang mga katiwala ng may-ari. 

" Dito nanggagaling 'yong mga pagkain para dalhin sa facility ng feeding program... " Nakangiting saad ni Aling Sena habang nagluluto ito ng Sinigang na baboy. Nakapalibot naman kami sa mahabang mesa at nilapag ang isang basket na mangga na hinog na.

Nasa kabilang kubo naman ang ibang proffesors kasama sina Miss Rodriguez.

Pagkatapos namin kumain ay nagkasiyahan naman ang mga kasama ko maliban sa akin dahil gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin bago bumalik sa mausok na syudad.  Nagpaalam naman ako kay Brianna na pupunta lang ako sa may tabing sapa. Sabihan nalang nya ako kapag aalis na kami.

Sakto namang pagdating ko ay may nakita akong bulto ng isang tao na nakaupo sa may damuhan at nakatanaw sa malayo.

" ano pong ginagawa nyo dito maam?  Ayaw nyo po bang sumali sa kanila? " tanong ko ng makalapit ako sa kanya at dumistansya ako ng ilang metro.  Hindi sya umimik bagkus ay nakatanaw lang sya sa malayo.  Mukhang sa sarili ata si maam dahil ilang minuto na syang nakatulala sa kawalan.

" Maam?  Are you okay? "sabay tapik ko sa kanya kaya bigla syang napa ismid ng makita ako.

" What are you d-doing here? " so tama nga ako wala sya sa wisyo nya kanina.

***
Votes 20 pataas then I'll post another one and one 😁

Miss Gen ( Profxstudent)  ( GxG) prof Series1Where stories live. Discover now