Chapter 11

627 47 18
                                    

Kakabalik lang namin sa facility kung saan kami tumutuloy at talagang pakikipag sapalaran ulit ang  lakad namin.  Inabot na kami ng gabi bago makauwi dahil nakipag bonding pa kami sa mga aeta doon.  Ang ilan sa kanila hindi madunong magbasa at sumulat kaya nag decide ako na turuan ang mga bata  kahit ito lang muna magagawa ko  para makatulong.

Si Dean na ang nag piggy back ride kay Maam,  hanggang sa makabalik kami sa room namin at hinatid pa ito ni Dean at ako naman ay kumuha ng damit dahil balak kong maligo dahil kanina pa ako nanglalagkit dahil sa init maghapon at ramdam ko na din ang matinding pagod ng mga paa ko. Iniwan ko muna sila doon dahil maliigo na ako.  Buti nalang at ok na din ang banyo nila dito at may tubig.  Pagkatapos kong maghubad at agad akong tumapat sa shower at mabilis din na naligo.

Pagkatapos kong maligo ay umakyat na ako sa room namin dahil feeling ko talaga bibigay na paa ko dahil sa matinding pagod sa paglalakad.  Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok baka kase nandyan pa si Dean.  Kakahiya naman.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala na ito dito sa loob at si maam nalang ang nandito na tila ba ay tulog na sya dahil nadidinig ko mula dito ang paghilik nya

Imbes na humiga ako agad ay pinagmasdan ko muna sya habang mahimbing na ang tulog. Napatingin ako sa paa nyang may benda ay kakapalit lang nito ng gasa.  Umangat naman ang tingin ko sa mukha nya na natatakpan ng kanyang buhok sa gilid kaya wala sa sariling inipit ko ito sa gilid ng tenga nya.

Ang ganda pa din ni maam kahit tulog.  Sana all. Hanggang sa mapupula at pinkish nitong labi na parang ang sarap halikan. Napalunok naman ako bigla ng bigla itong gumalaw at napamulat ng mata.

" Ortega? "

" Ahmm...sorry maam balik na ako sa higaan ko hehe" shuta ka self maghunus dili ka nga.

Bumangon ito sa kama nya at umupo.

" What time is it? "

" Its 8pm po maam... " saad ko.

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin, inayos ko muna ang aking higaan at humiga paharap sa kanya.  Nakaupo sya sa edge ng bed nya na nakayuko.  Napatikhim nalang ako para basagin ang katahimikan ng madinig ko syang magsalita.

" Ortega.. " mahinang saad nya.  " Thanks". Maikling sabi nya. Ganun pa din ang Boses nito.

" wala pong anuman maam,  basta ikaw" bumangon ako sa pagkakahiga habang sya naman ay nakatingin sa akin.  Ngumiti na lamang ako sa kanya. Napatingin ako sa paa nya na may gasa at napatingin din sya dito.

" Ok na ba paa mo maam? " wala sa sarili na lumapit ako sa kanya at hinawakan ang paa nya at napa ismid naman sya at inilayo ang paa sa akin kaya nagulat ako ng itulak nya ako kaya tila bigla akong naguluhan. Kita ko sa mga mata nya ang pagkabalisa na parang natatakot?  Di naman ako multo para matakot sya.

" Maam,  ok lang ba? " Napapikit ito ng madiin at saka humarap sa akin.

" dont mind me,  ortega,  matulog ka na... " seryosong usal nya. Humiga nalang ako ulit at nilingon ko sya at nakatingin pa din sa akin.  Humiga nalang sya ulit at tumalikod sa akin.

" Sleep ortega...goodnight".

Kinabukasan na late na naman ako ng gising.  Wala na si Maam paggising ko agad naman akong naligo pagkatapos na lumabas na ako ng room namin at tumulong sa pagluluto para sa pangalawang araw ng feeding program sa mga aeta.

Last day na namin tommorow at kakabalik lang dito sa tinutuluyan namin at talagang nakakatuwa ang mga taga baryo nakipaglaro kami sa mga bata at tinuruan pa sila kaya naman ay tuwang-tuwa ang mga ito.  Hindi na nakasama si Miss Gen papunta don dahil hindi pa sya masyado makalakad dahil sa na sprain nyang paa.

Miss Gen ( Profxstudent)  ( GxG) prof Series1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon