Playful Destiny II - 13

237 34 5
                                    

Baste POV

Nakarating kami sa bahay masyadong magala tong dalawa kaya hinapon na kami. Nasalubong namin si Tito Tommy na palabas ng bahay. Hinawakan pa ako bago lumabas at ngumiti sakin.

"Tita. Ano ginawa ni Tito Tommy dito?"-tanong ko

"Ah wala may sinabi lang."-sagot nito.

"Kaninong kape toh?"-tanong ko

"Wag mong hahawakan please. Sa driver natin yan na kamukha ng Papa mo."-sabi nito

"Why tita?"-tanong ko

"Papa finger print ko kung siya ba si Rod."-nagulat kong sagot ni Tita Imee.

"Seriously. Malabong sya si Papa tita. I mean he has a lot of scratches, mukhang basag ulo. Tas yung kanang pisnge nya mag peklat. Eh wala namang ganun si Papa."-paliwanag ko

"Galing sya sa aksidente malamang mag kakasugat."-sagot ni tita.

"Eh tita please. Wag ka muna nagpaligoy ligoy. We need to rest at bukas aalis na tayo. Sya nga pala tita ikaw na magsabi kay ate Inday na yung driver natin kamukha Ni papa baka kasi magulat biglang umiyak gaya ng nangyari kanina."-sabi ko. At tumango lang sya. Bumeso naman ako sa kanya bago umakyat sa kwarto.














Imee's POV

Maaga ako nagising. Nakita ko naman si Raymond na nasa kusina nag titimpla ng kape. His back is so like Rodrigo.

"Maam, good morning po. Ano oras po tayo aalis?"- tanong nito

"Maybe 8am. 10 kasi ang flight natin."-sabi ko

"Natin? Sasama po ako sa inyo sa Palawan?"-tanong nito

"Yes at ikaw ang kinuha dahil taga doon ka din. So alam mo puntahan yung isla."-sabi ko

"Sa isla din po kami nakatira ng Fiance ko eh. Baka malapit lang kayo. Baka sa inyo yung malapit na isla samin Maam yung walang nakatira sa malaking bahay na may Yate."-tanong nito

"Samen nga. Why?"-tanong ko

"Madalas po ako nakatambay dun, wala naman pong tao eh, doon po sa may kahit na kubo. Habang nag rerelax."-sabi nito

"Ah, ano gusto mong almusal mag luluto ako."-tanong ko

"Bahala na po kayo maam."-sabi nito

"Kumakain ka ba ng pinakbet?"-tanong ko

"Pinakbet Pizza?"-sabi nito na ikinalingon ko.

"Saan mo nalaman yan?"-tanong ko

"H-hindi ko rin po alam. Naisip ko lang po maam."-sagot nito

"Ok I'll cook Pinakbet Pizza"-sabi ko na ikinatawa nya. Bakit pati tawa mo eh parang kay Rodrigo

"Good Morning Mom. Waw. Pinakbet pizza."-sabi ni Kitty na kinagulat ni Raymond.

"Sarapan mo mommy na miss ni Papa yan."-sabi ni Kitty sabay tingin kay Raymond

Umupo naman ito sa harap ni Raymond.

"Kuya Raymond. Alam mo yung pinakbet pizza?"-tanong ni Kitty

"Hindi eh. Pero paano nyo nalaman yung pinakbet pizza?"-tanong ni Raymond

"Ah, si papa Rod, kasi favorite nya yan. Nakakain ka na ba ng Pinakbet?"- tanong uli nito

"Hindi pa po maam."-sagot nito

"Maam? Don't call me maam. Kitty nalang po."-sabi ni Kitty.

"Ang ganda ng bracelet mo."-sabi ni Raymond.

"Bigay po ni Papa before he died."-sabi ni Kitty

"Bagay sayo"-sagot nito at ngumiti.

Pinapanood ko lang sila mag usap habang nag luluto. Bakit ba kasi dumating ka pa.

"Kitty, call your ate and kuya kakain na."- sabi ko sabay tayo ni Kitty at ni Raymond

"Raymond, sumabay ka na samin. Hinintay mo toh tas aalis ka."-sabi ko at bumalik sa upuan nya.

"Good Morning tita."- Izeah

"Wow! Pinakbet Pizza namiss ko ya-"-putol na sabi nito ng makita si Raymond.

"Tara na kain na. Pagkatapos kumain mag asikaso na at aalis na tayo."-utos ko

Tahimik kami kumakain ng biglang mag salita si Kitty

"Kamusta po yung pinakbet Pizza ni Mom?"-tanong nito kay Raymond

"Ah masarap po Maam. First time ko syang matikman pero familiar yung lasa."-sabi nito at nagkatinginan kaming lahat.

Playful Destiny 2Where stories live. Discover now