Playful Destiny II - 59

244 29 0
                                    

Imee's POV

Andito kami ni Rod, Inday at Zeah sa Hospital kung saan naka confine si Tommy. Kinakausap ni Zeah ang mga pulis sa nangyari.

""Hey, Tommy gumising ka na please, ikaw nalang ang pag asa naming malaman ang totoo."-sabi ko sa kanya habang walang malay

"Mom, Pa, sabi ng sumaksak sa kanya, may taong nagutos sa kanya na patahimikin si Tommy"-sabi ni Zeah

"Sino daw nag utos?"-tanong ni Rod

"Si Atlas"-maikling sagot ni Zeah.

"Alam kong alam nyang andito tayo."-sabi ni Rod at umalis.

"Rodrigo, san ka pupunta?"-tanong ko

"Sa labas lang Imee. Sige na jan muna kayo and please wag kayong aalis na mag isa lang."-sabi

Rodrigo's POV

Lumabas ako para mapag isa. Nakaupo lang ako sa isang tabi ng biglang may tumabi saking lalaki

"Mr.Manotoc, kawawa naman sya right?"-sabi ng lalaki na katabi ko

"Alam mong hindi kita matandaan diba? Bakit kailangan mong bantaan ang pamilya ko?"-tanong ko at inabot sakin ang sigarilyo nito Na kinuha ko

Tumingin ako sa kanya, he look like Honeylet

"Alam mong hindi mo ko kailangang pahirapan ng ganito. Kung anak kita gaya ni Zeah babawi ako sayo."-sabi ko

"Alam mo kung ano ang pinag kaiba namin ni Zeah? Mahal mo ang nanay nya, pinanindigan mo sila pero bawal sya. At ako? Andito ako sayo paulit ulit aking nag mamakaawang mahalin mo kami ng Nanay ko pero kung itanggi mo kami, parang di mo alam ang ginawa mo."-malumanay na sabi nito

"Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi mo"-sagot ko

"Kung si Zeah nagawa nilang lasunin ang utak ikaw pa kaya."-sabi ko na kinagalit nito

"Zues Atlas Salvador yan ang binigay na pangalan sakin ng Nanay ko. Sa tingin mo na 28 years in my life hindi ko aalamin ang totoo Mr. Duterte? You should remember who I am Sir. Bago ka mahuli ang lahat "-sabi nito at umalis na.

Agad akong bumalik sa loob ng makaalis ito. Siya nga si Atlas, at kung sya si Atlas siguradong nanganganib ang pamilya ko.

"Rodrigo san ka galing?"-tanong ni Imee

"Sa Labas"-maikling Sagot ko

"Anong ginawa mo dun? Delikado dun"-tanong nito

"Zeus Atlas Salvador. Ang pangalan niya, kailangan ko daw syang matandaan bago mahuli ang lahat."-walang reaksyon na sagot ko kay Imee

"Nakausap mo sya Pa?"-tanong ni Zeah

"Kamukha nya si Honeylet. Zeah wala bang nabanggit si Honeylet at Mark tungkol sa kanya? Na hindi ko sya anak o ano?"-tanong ko kay Izeah

"Wala Pa. Bukod kay Tommy, merin pakong kilala na pwedeng makaalam ng lahat."-sabi nito

"Sino?"-tanong ni Imee

"Si Mark."-sabi ni Zeah

"Diba patay na si Mark?"-tanong ko

"Walang nakakaalam na buhay sya kundi kaming dalawa. Ng umalis ako nung sa Hospital dinala ko sya sa Canada at kinuha si Archie. Gusto na nya ng payapang buhay kaya sya lumayo, ayaw nya sa kulungan."-sabi ni Zeah

"Bakit mo sya tinakas?"-tanong ni Imee

"Dahil nagako syang hindi na manggugulo dahil wala na ang lahat sa kanya. Nagkasundo kami na dadalhin ko sya dun pero iiwan nya sakin lahat dahil kung wala na sya ng kapangyarihan di na nya tayo masasaktan."-sabi ni Zeah

"Kung sinabi nyang hindi sya mangingialam Zeah pano ka makakasiguro na tutulungan nya tayo?"-tanong ko

"Nasa akin ang anak nya. At damay ako sa pamilya na nanganganib ngayon. Hindi nya gugustuhing mawalan ng anak Pa. He will help us for this."-sabi ko

Playful Destiny 2Where stories live. Discover now