THREE

153 24 4
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

DAPHNE

Madaling araw na akong nakalabas ng club na pinagtatrabahuan ni Ria. Isa sa mga bago kong kaibigan.

Day off ko sa call center kaya napuntahan ko sila kahit gabi. Mga high class GRO or escort sila na nakilala ko sa isang katrabaho na lagi sa club na ito.

Marami akong naibenta ngayong gabi at lahat ay cash. Umabot yata ng fifty thousand. Thirty percent niyon ay akin.

It would assure our monthly rent na naka advance ako ng tatlong buwan kaya mailalagay ko muna ito sa banko bago maibayad. Mayroon pang sobra. Mabibilhan ko ng bagong damit at sapatos si Robbie.

My savings had become better. It had been months or maybe years since na late kami sa rent at naputulan ng kuryente. When that happened, I really told myself na dodoblehin ko ang sipag sa sideline na ito para hindi na iyon maulit.

Tinanaw ko ang Jezebels. I thought of the women working inside. Marami silang pera. Nakakaenganyo tuloy ang trabaho nila. Kailangan lang ay tapang ng sikmura.

Imagine being with different men everyday sa loob o labas man ng complex na ito. May basic pay sila at malalaking personal tip from the customers.

Kapag nagustuhan ka, ibabahay ka at susuportahan. Puwede nang mag-resign sa trabaho at bumalik na lang kapag nagsawa na ang lalaki.

Even though a lot of people finds it undignified. Tingin ko naman ay mas maayos ito kaysa magnakaw.

Puwede din naman silang hindi magpalabas kung gusto nila. Malaki na ang suweldo kahit sa loob lang. Triple ng suweldo ko sa call center. May dagdag pang daily tips na malaki din naman.

Nakabili nga sila ng produkto ko kahit ngayon lang nila ako nakita. Ang bilis nilang maglabas ng pera. Walang madaming paliwanag, bayad agad!

Sa call center nga ay inuutang ang mga binibenta ko. Kasi nga kung walang tulong o sideline, hindi makakabuhay ng pamilya ang suweldo. Pang single lang iyon.

Niyayaya nga ako noong isa na mag-apply. Sigurado daw na matatanggap ako. I was tempted. It was an easy job kung hindi ko iisipin ang sumbat ng konsensiya ko. 

Siguro kung wala na talaga akong ibang option ay papasukan ko rin ito. 

Kung nakilala ko sila years ago noong umabot sa tatlong buwan ang hindi ko nababayaran sa renta namin at napuputulan kami ng kuryente dahil nadi-delay din ako ng bayad. Pero hindi na ngayon dahil nga kumikita naman na ako ng maayos sa pagbebenta ng cosmetics, mahaba nga lang ang oras ng trabaho.

It was good to switch to Mary Kay, kahit mas mahal. Noon kasing local cosmetics ang binibenta ko ay mahina ang kitaan at talagang hindi kumakasya sa gastusin namin.

Isa sa pinagbentahan ko ang nagpa-member sa akin dito. It had been a lot better since then kahit kaparehong sipag lang naman ang ginagawa ko.

I walked to the parking lot papunta sa highway para mag-abang ng taxi at hindi ko nakita ang pababang pavement kakaisip ko ng kung anu-ano kaya natapilok ako.

FALLING IN LOVE AGAIN (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon