Part 7

340 34 2
                                    


Namamasa ang mga matang nilingon-lingon ni Keithlyn ang paligid. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ayaw na niyang bumalik sa loob.

Mabilis na isinuot niya ang jacket na ibinato sa kanya ng estranghero. That guy was a beast. Walang kuwestiyon. Sinalat niya ang collar sa leeg. Naroon pa rin ‘yon at ang putol na handcuffs sa palapusuhan niya. Wala rin siyang sapin sa mga paa.

“Kill that intruder! Hanapin ang mga nakatakas na bihag!”

Biglang yumuko si Keithlyn. Nakaramdam ng kaba. Gumapang siya papunta sa mga makakapal na halaman. Sumuot siya siwang at doon itinago ang sarili. Ramdam niya ang presensiya ng mga guwardiya. Mahuhuli siyang muli ng mga ito kapag hindi siya nakaalis doon.

Ang lalaking ‘yon, pinakawalan na lang rin siya, hindi pa nilubus-lubos na tulungan siya. What is he anyway? Hindi niya nabistahan ang pagmumukha nito dahil sa maskarang suot. But there was no way he’s a cop.

Walang tigil ang pagpapaputok nito na waring tumitiris lang ng langgam. Dama niya ang umaalingasaw na panganib sa kilos nito. Malamang na isa itong professional killer. Maaaring inupahan ito para atakehin ang lahat ng kasali sa auction. Pero bakit?

Dahil sa masama ang ginagawa ng mga ito? Damn! She didn’t know anymore. Wala siyang naiintidihan sa nangyayari. Marahil ang lahat ng taong naroon ay pawang masasama. But who was the lesser evil? Walang aalo sa kanya sa ganoong sitwasyon. Ang lalaking tumulong sa kanyang tumakas ay isang mamamatay-tao!

Sa isang banda, mas mabuting sundan niya pa rin ang lalaking ‘yon kaysa bumalik sa impiyernong lugar na pinanggalingan niya. Wala nang ikalawang pagkakataon pa para sa kanya kung sakaling makukuha siyang muli ng mga taong ‘yon. Sa naisip ay dahan-dahan siyang gumapang palapit sa bakod. Dinig niya ang mga yabag palapit kaya naman walang habas na inakyat niya na iyon.

“Hey you! Get back in here!”

Tumalon siya sa kabilang panig nang hindi na nag-iisip pa. Nanginginig ang buong katawan niya sa takot. Umigik siya dahil masama ang naging pagkakabagsak ng isang talampakan niya sa semento. Kagat ang labing pinilit niyang tumayo.

No! Hindi nila ako puwedeng mahuli! I’m a dead meat if they get a hold of me again!

Masakit man ang kanyang paa. Iika-ikang nagpatuloy pan rin siya sa paglalakad. Walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha. Bakit ba parang napakamalas niya? Humaharap siya sa ganoong mga panganib at wala man lang siyang kakayahang ipagtanggol ang sarili.

May isang hero ngang sumulpot, kuwestiyonable pa ang pagkatao. Ang malala, mukhang mas mapanganib pa ito sa mga masasamang taong tinatakbuhan niya. At basta na lang siya iniwan nito at inabandona. Oo, hindi siya kargo ng kahit na sino. Pero siguro naman ay responsibilidad siya ng isang ‘yon dahil ito ang naglagay sa kanya sa ganoong sitwasyon. 

“Freeze!”

Dalawang lalaki ang nalingunan niya na tumalon mula sa bakod. Kahit tila napilay siya ay tiniis niya ang sakit sa bawat pag-apak ng napinsalang paa. Pero gulat na huminto si Keithlyn nang maramdaman niya ang pagdaplis ng kung ano sa kanyang gilid.

Butas ang poste sa harapan niya. Tinamaan ng bala. Walang umalingawngaw na putok dahil tulad ng estrangherong nagpakawala sa kanya, may silencer ang gamit na baril ng mga ito.

Suminghap siya nang muling maulit ‘yon. At alam niyang sa ikatlong beses, sa kanya na ‘yon tatama kung magtatangka man lang siyang gumalaw. Humihingal na gumala ang mga mata niya sa paligid. Bakanteng lote ang likod ng establisyimento. Kamalas-malasan, walang dumadaan na sasakyan sa bahaging iyon ng daan.

There wasn’t a single soul of passerby. Ang tanging ilaw na tumatanglaw na nagmumula sa poste ay napakalamlam. Halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib.  

LEL 5: URY a.k.a. Mercury [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon