Part 19

267 24 0
                                    


Hindi mapakali si Keithlyn sa loob ng inuupahan nilang cabin. Panay ang baling niya sa may pinto. Naririnig niya ang huni ng mga ibon na dumadapo sa bintana at ang malagihay na pagsasayaw ng mga dahon sa malamig at mamasa-masang hangin ng umaga. Napapaligiran ng mga puno ang mahigit dalawang-daang kuwadrada-metrong bahay na gawa sa troso ng niyog.

Sa likuran ay matatanaw ang kumikislap na lawa sa ilalim ng sumisikat na araw. Malawak at sagana sa lamang-tubig na siyang isa sa pangunahing hanap-buhay ng mga lokal na Mayan na naninirahan sa bayan bukod sa pagtatanim at paghahayupan.

There were sailboats, fishing boats, and surfers who were enjoying the water under the good weather. Sa harapan ng cabin ay tanaw ang luntiang lupain na may mangilan-ngilang bahay at ang nag-iisang villa na mistulang isang rancho sa laki ng sakop ng lupa.

"I’m going to a war." The peaceful countryside didn’t seem to fit the image she had inside her head. Mukha silang mga ordinaryong bakasyunista ni Ury. Pero alam niyang malayo sa bakasyon ang dahilan upang sadyain ng binata ang lugar na ‘yon. Naroon ito para sa isang misyong tila may halong personal para sa lalaki.

Nang magpasya si Ury na payagan siyang manatili sa tabi nito, hindi niya maipaliwanag ang galak na pumuno sa kanyang puso. Oo at talaga namang matalas ang dila nito subalit isang bagay ‘yon na nakakasanayan niya na sa natural na ugali nito.

He was just a straight talker. Not that just blunt or laid back. Madaling malaman kapag bad mood ito dahil sa transparent na attitude ng binata. Ngunit ang isang bagay na talagang gusto niyang malaman ay ang rason ng lamig at balam ng anino sa mga mata nito sa tuwing mapapasulyap dito o kinakausap ito ng mga babae sa paligid nito.

Kahit pa nasaan sila, tila magnet ang lalaki sa mga kababaihan. Females swarm to him like bees to a flower. Hindi sa masisisi niya ang mga ‘yon dahil sa gandang lalaki ng kasama niya. Pero sa huli ay naaawa siya sa mga ito sa tahasang pambabara at pang-i-isnab ni Ury. Keithlyn knew that he loathed women but why? Gustung-gusto niyang malaman ang dahilan.

Dalawang linggo na din ang nakalilipas buhat nang dumating sila sa lugar na ‘yon. Wala nang binanggit pa sa kanya si Ury na solidong pakay nito sa pananatili nila roon. Hindi ito nagsasabi sa kanya kung anong bumabagabag dito sa tuwing napapansin niya ang pagdidilim ng ekspresyon nito. Minsan ay pinagmamasdan at inoobserbahan niya ito higit sa kalahating oras. Wala siyang kamalay-malay na masyado na siyang nadadala ng nakabibighani ngunit makulimlim na imahe nito.

Tila hindi rin nito alintana ang bagay na ‘yon o marahil ay masyadong okupado ang isip nito ng ibang bagay para makuha pa siyang sitahin. Madalas itong nakaupo at nakataas ang mga paa sa pasimano ng mababang bintana. Wala itong katinag-tinag at nakapako ang tingin sa labas. Pero walang nakikitang ano man ang blankong mga matang iyon. Hindi ang makapigil-hiningang view mula sa labas o ang mga taong napapadaan.

Ury could see something so hateful that his warm brown eyes would turn ice cold. Naaninag nito ang isang masaklap na pangyayari sa mula sa pagbabalik-tanaw. Naalala nito ang parte ng buhay nitong kailanman ay hindi niya maiintindihan.

Tila masyadong malalim ang kalungkutang iyon para maarok niya sa mukha nitong waring umiiyak kahit salat sa ekspresyon. May kung anong umaantak sa kaloob-looban niya sa pag-oobserba dito. Wala siyang magawa dahil hindi siya bahagi ng nakaraang ‘yon. Di niya ‘yon mauunawaan.

Kung minsan ay tinatanong niya ang sarili kung bakit siya naroon. Kung bakit pinili niyang makasama ang binata kahit alam niyang magiging delikado ang sitwasyon niya sa poder nito. Ubos na ang mga natitira niyang excuses para pagalitan pa ang sarili.

Hindi ‘yon dahil sa wala siyang choice. But for Keithlyn, Ury was her best choice. Hindi niya maintindihan pero may pagkakataong nakikita niya dito ang kapatid. Dahil ang lugar na tinutumbok ng mga paang walang kasiguraduhang patutunguhan ay malamang na tinatahak din ng kanyang kuya Rhiley.

Napabuntong-hininga na lang si Keithlyn nang ilisya niya ang paningin mula sa pintuan. Saktong pagtayo niya mula sa divan ay ang inaabangan niyang pagbukas ng pinto. Magaan na mga yabag at presensiyang walang bakas. Ang lalaking tumambad sa kanya ay may aurang mas panatag pa at blanko sa bughaw na kalangitan.

“N-nakita mo na ba ang hinahanap mo?” Di niya napigilan ang tanong na di niya balak na isantinig.

Walang ganang tiningnan siya ni Ury. “Wala kang pakialam. Huwag ka nang magtanong.” Ilang beses niya na bang narinig ang mga katagang ‘yon mula rito?

“Bad mood ka. Mukhang walang resulta,” kaswal na tugon niya. She was acting tough to face this person. Nais niyang malaman kung sino ang taong pakay nito sa Belize.

Pahinamad na humakbang ang binata at masungit na nag-iwas ng mukha. “Hindi kita isinama dito para lang pestehin ako.” Umupo ito sa silyang hinila na nakapasak sa bilog na mesa. Isinandal nito ang likod sa backrest at itinaas ang mga paa sa ibabaw ng mesita. Tumingala ito at pumikit.

Agad na dumiretso sa kusina si Keithlyn. Kinuha mula sa refrigerator ang pitsel ng tubig. Nagsalin siya sa mataas na baso at isinilbi iyon sa lalaking walang katinag-tinag sa puwesto.

Pagdilat nito ay kiming ngumiti siya dito. “Pampalamig ng ulo.”

****

I'll post the next part on June 20.

Thank you for reading! 💜💜💜

LEL 5: URY a.k.a. Mercury [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now