Part 11

248 28 1
                                    

Maalinsangan ang gabi kaya naman naalimpungatan si Mercury mula sa pagkaka-idlip. Gising agad ang diwa niya sa pagmulat pa lang ng mga mata. Una niyang sinulyapan ang oras. Alas-singko ng madaling-araw. Dalawang oras lang ang itinulog niya. Bumangon siya mula sa kama. May nagtanggal ng suot niyang boots. Naramdaman niya ‘yon pero hindi na siya umalma pa. Ang may kagagawan ay ang babaeng natutulog ngayon paupo sa sofa.

Maliksing tumayo siya. He stretched his hands and his neck. Napatingin siya sa kamay na may benda. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may babaeng gumamot sa sugat niya. Iyon din ang unang beses na pumayag siya at hinayaan itong hawakan siya.

Walang ingay na lumapit siya sa dalagang nagngangalang Keithlyn. Napansin ni Mercury na nakasuot pa rin dito ang handcuffs at collar. Inis na pumalatak siya. Masyado siyang nagiging insensitive sa kalagayan nito. Lumapit siya sa tokador at binuksan iyon. Kinuha ang isang briefcase. He opened it and took the laser pen which was invented by Nitro. Nagagawa no’ng putulin ang ilang matitigas na bakal. Naroon din ang ilang baril niya, gadgets, at iba pang armas.

Maingat niyang hinawakan ang kamay ng dalaga. Maliit, malambot, at manipis ang kamay nito. Kamay ng isang babae. Sa normal na sitwasyon, pumupuno sa buong katawan niya ang disgusto kapag nahahawakan ng isang babae. Pero sa pagkamangha niya ay nagagawa niyang tiisin ang paghawak sa dalagang ito. Naroon ang pagkailap pero hindi ang pagkamuhi. Malamang na dahil nababasa niya sa bilugang mga matang ‘yon ang sinseridad. Taos sa puso nito ang iniaalok na tulong. Walang halong kasinungalingan. Walang makamundong intensiyon.

Nang matanggal niya ang mga bakal sa kamay at leeg nito, pinagmasdan niyang maigi ang mukhang ‘yon. Walang dudang maganda ito. Hindi na kagulat-gulat pa kung patungan man ito ng ganoong kalaking halaga ng mga kalalakihang gustong bumili dito. Even though he detested women, he had a sense of beauty—beauty that he once recognized as a veneer of succubus. Ganoon din kaya ang babaeng ito?

Kumunot ang noo niya nang marinig ang pag-ungol ng dalaga. “Mom… I’m sorry. Sorry. I couldn’t protect you. I’m sorry.” Bumiling-biling ang mukha nito at dumaloy ang mga luha pisngi.

Sinalat ni Mercury ang noo nito. Napaso ang kamay niya sa init ng balat nito. Gumulat iyon sa kanya. Mataas ang lagnat nito! What the f*ck?! At patuloy ang pag-ungol nito na waring nagdedeliryo.

He frowned then sighed. Tinampal ang noo. Dapat ay dinala niya na ito sa klinika ng gabing iyon. Masama na rin siguro ang pakiramdam nito pero hindi nagawang sabihin sa kanya. Muli ay nairita siya.

Tumalungko siya at mahinang tinapik ang pisngi nito.“Hey… hey…” Tinatangka niya itong gisingin. Dumilat naman ito. Mapupungay ang mga matang inaninag siya.

“K-kuya Rhiley?” she pronounced in a soft weak voice. “Ikaw ba ‘yan, Kuya? Bakit ngayon ka lang? Ang tagal kitang hinanap.” Dumaloy ang mga luha sa pisngi nito. “Hindi ko kayang mag-isa, Kuya. Hindi ko kaya.” Tumaas ang kamay nito sa kanyang mukha. Napapitlag siya nang haplusin nito ang kanyang pisngi. Mainit ang palad nito. May kung anong hatid na kiliti ang sensasyon ng dantay ng kamay nito. Parang haplos ng isang paslit. Malumanay at magaan.

Mercury touched that hand that was stroking his face. “Hindi ako ang Kuya Rhiley mo.” Pinalis niya ang kamay nito. “Daldalhin na kita sa clinic. Inaapoy ka ng lagnat. Baka namaga ang paa mo.”

“Ury?”

Kumurap-kurap siya pagkarinig sa sariling pangalan. He could here a sense of familiarity although she was just a stranger. Mula sa labas ng HYDRA at ng mga misyon niya, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may tumawag sa kanya sa ganoong ngalan. Ang pangalang Ury ay palayaw niya sa codename niya sa HYDRA bilang Mercury. Si Paul—ang lifter niya—ang nagbinyag ng ganoong pangalan sa kanya. Nakasanayang tawagin siya sa palayaw na ‘yon. Hanggang sa iyon na rin ang naririnig niya sa ibang mga assassins.

“Why…” She winced. “Ouch… ang ulo ko.” Tinuptop nito ang ulo.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Mercury. Mabilis niyang isinuot ang boots at ang jacket. “I’m going to take you to the clinic now.” Lumapit siya dito at walang kaabug-abog na hinila ito at ipinasan sa kanyang likuran. “Wala kang balak na sabihin sa’kin ang kalagayan mo kahit na mamamatay ka na, di ba?”

“Hindi naman ako mamamatay,” katuwiran pa rin nito sa likuran niya.

“Heck! You will! As long you’re here with me. You’re on the brink of death!" Tumaas na ang boses niya sa nararamdamang iritasyon. Naiinis siyang hindi niya malaman. Kung higit sa sarili ba niya o sa dalagang ito. Wala siyang ideya. Basta ang gusto niya ay makalayo agad dito at maputol na ang ano mang kaugnayan nila. Siguro ay maaalis na ang pag-aalalang iyon sa loob niya.

“Iiwan mo ba ako sa clinic na ‘yon? Hindi mo ‘ko tutulungang makabalik sa Boston?”

He didn’t speak a word. Wala siyang maipapangako dito dahil hindi niya hawak ang sarili niyang oras. Kailangan niyang mag-report ng personal sa main headquarters ng HYDRA at hanapin si Fabian Acosta. Kailangan niyang makita ang taong ‘yon na nag-iisang konektado sa kanya. Iyon dapat ang pagtuunan niya ng pansin at hindi ang ano pa man.

Di na binigyang-pansin ni Mercury ang mga empleyadong nakakasalubong nila sa hotel. Lahat ng mga ito ay napapatingin sa kanila pero binalewala niya ang atensiyon. Mula sa pasilyo hanggang sa reception area ay tuluy-tuloy siya.

“Nakakahiya sa mga nakakakita.” Ibinaon ng dalaga ang mukha nito sa batok niya.

Bumuga siya ng hangin at inayos ang pagkakapasan dito. This girl was getting on her nerves. Nang makalabas sila ng entrada ay sigurado ang hakbang ng kanyang mga paa. Malapit lang ang isang klinika sa hotel. Twenty-four hours na bukas ‘yon. Agad na may sumalubong sa kanilang nurse sa pagpasok. “Call the doctor immediately. This girl injured her foot.”

“Hindi naman ako malala.”

Iiling-iling na inilapag niya ito sa stretcher. “Kinokombulsiyon ka na, hindi pa malala? You can heat a toast with your fever. Really, you’re healthy as a horse,” sarkastiko niyang gagad.

Di na nito nakuhang sumagot at dumausdos na lang pahiga sa stretcher. Mukhang nanlalata at hinang-hina ito. Nang dumating ang doktor ay agad na ipinasok ito sa nag-iisang kuwarto na naroon. Nanatili sa labas si Mercury habang sinusuri ng doktor ang babae.

****

I'll post the next part on May 28.

Thank you for reading!💜💜💜

LEL 5: URY a.k.a. Mercury [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now