Part 26

293 30 6
                                    


MALUNGKOT na nakatanaw sa bintana ng kotse si Keithlyn. She was on her way leaving that country. Dapat ay maging masaya siya dahil nakaharap at nakausap niya na ang kanyang kuya Rhiley. Ipinaalam niya dito ang lahat ng naisasaloob niya.

Kung hindi sa mga sinabi sa kanya ni Ury, manantiling naka-stuck sa lalamunan niya ang mga salitang ‘yon. But she didn’t feel the need to blame every tragedies in their life to her brother. Damang-dama niya na sinisisi nito ang sarili. At kahit na ano pang lumabas sa bibig niya, hindi niya mababago ang paniniwalang ‘yon. Ang kapatid niyang lumisan na punong-puno ng guilt ay binura ang lahat ng masasakit niyang ala-ala sa isang mahigpit na yakap. At sana’y nagawa niya din kahit papaanong pagaanin ang mga pasanin nito.

Gusto niyang ipakita dito na matatag na siya upang tumayo sa sarili niyang mga paa. Na okay lang siya kahit na ano pang dagok ang kanyang pinagdaanan. Malalampasan niya ang ano man sa kaalamang ginagawa din nito ang lahat para manatiling abot-kamay lang sa mga taong nagmamahal dito.

Nagdesisyon siyang huwag maging isa sa mga alalahanin nito. Mabubuhay siya. Tatawa siya. Nanamnamin niya ang lahat sa buhay magmula sa dulo ng kanyang mga daliri hanggang sa pagsalsal ng kanyang dibdib. Mabagal niyang tatahakin ang isang payapang paglalakbay para marekognisa niya ang magagandang mga bagay patungo sa kanyang pangarap at hinaharap. At oo, iiyak din siya. Pero hindi sa mga oras na ‘yon. Hindi sa huling sandaling makakasama niya si Ury.

“Bakit ang tahimik mo?” istorbo sa kanya ng nagmamaneho.

Umingos siya. “Ayaw mo naman kapag maingay ako.”

“Ayoko ng maingay. Pero kung ikaw ang mag-iingay…”

Excited na nilingon niya ito. “Okay lang sa’yo? Kasi buddy-buddy na tayo? Kasi mami-miss mo ako? Kasi ayaw mo akong umalis?”

Bahaw na umungol ito. “Ang tindi ng imagination mo. Nakakamangha kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob para sabihin ang mga bagay na ‘yan. Hindi ka ba kinikilabutan?”

Her smile melted under the sun. “Tse! Hindi kita ite-text kapag nasa Pinas na ‘ko. Bahala kang maburyong sa kahahanap kung ano man ang hinahanap mo!”

Ilang segundo itong hindi kumibo at nanatiling nakatutok ang paningin sa daan. “How did you know?” pamaya-maya ay tanong nito. “Paano mo nalaman na may hinahanap ako?”

“Bulag lang ang di makakapansin na may hinahanap ka, Ury. Kahit na kalmado ka, tuliro ang isip mo. Kahit heto ka’t katabi ko, pakiramdam ko napakalayo mo.” Itinaas niya ang kamay pero umabot lang ‘yon sa hangin. “Noong second year highschool ako, nag-camp trip ang klase namin sa isang bundok. Mula sa ibaba, nakikita ko kung gaano kaganda at kalawak ang langit. Akala ko kapag naakyat ko ang tuktok, may maaabot ang mga kamay ko. But the sky was still so distant on the top. Ang magagawa ko lang ay tingalain ‘yon. You gave me the same feeling, Ury. You are someone I dared not to touch.”

“Bakit?”

“Dahil di mo naman ako papayagan, di ba?” Nang lingunin siya nito ay binigyan niya ito ng isang maamong ngiti. “Hindi ako gagawa ng isang bagay na ikagagalit o ikasasama ng loob mo. Para ‘yong pagtulak sa’yo palayo. Ayoko no’n.”

Nagulat siya nang biglang kabigin nito ang manibela. Biglaan ang naging pagpreno nito nang itabi nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Mabuti na lamang at suot niya ang seatbelt kung hindi ay nasubsob na siya sa dashboard.

“Are you an idiot?”

“Ha?”

Hinablot nito ang kamay niya at idinikit sa dibdib nito.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. “A-anong ginagawa mo?!” Pilit niyang binawi ang kamay pero hindi ‘yon pinayagan ni Ury.

“I’m not some sort of intangible thing that you can’t touch. You can touch me as long as you want, as much as you like.” Humigpit ang pagkakadaklot nito sa kamay niya. “Nandito ako sa tabi mo, di ba?” Nang magtama ang mga mata nila ay natunaw ang pangambang namahay sa kanyang sistema. Ang tanging nakikita niya ay ang guwapong mukha ng binata, ang munting kislap sa magagandang pares na mga matang ‘yon, at ang panginginig ng mapupulang labi nito habang nagsasalita. “Samantalahin mo na ang pagkakataon hangga’t hindi pa ako nakakapag-isip ng matino, hangga’t hindi ko pa inaanalisa ang kagaguhang ginagawa at sinasabi ko sa ngayon. Touch me, damn it!”

Parang sinipa ng kabayo ang dibdib niya sa naging pagtibok ng kanyang puso. Ginapangan siya ng matindi ngunit masarap na uri ng nerbiyos. “U-ury…”

“Don’t call my name. Just roam your hands in my body.”

Natulala siya. Tinakpan ang bibig sa pinaghalong kaba at pagkamangha. “Whoa! Pumapayag kang molestiyahin kita?”

“Molestiya or whatever you call it. Binibigyan kita ng oportunidad. Take it or just leave it.”

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Buong pusong niyakap niya ito. Keithlyn liked him. She liked this guy very much. Wala siyang planong itago lang ‘yon sa isang sulok at buruhin. She didn’t care if Ury would not like her back. Ang nais niya lang naman ay makasama ito—ang masilayan ito araw-araw. Ngunit ang kaisipan ding ‘yon ang pumutol sa kanyang ilusyon. Everyday? She was asking for the impossible obviously. Kaya nitong mabuhay na wala ang isang tulad niya. At lalong hindi ito ang tipo na mami-miss ang isang babaeng gaya niya. Woman-hater pa ito. Wala siyang kapag-a-pag-asa.

“Oh, bakit bigla kang na-depress?” pansin ng lalaki nang humiwalay siya mula dito.

“Mag-drive ka na. Ihatid mo na ‘ko sa airport, Ury.”

Nagpakawala ito ng isang buntong-hininga na parang nauubusan na ng pasensiya. “I really don’t get you, princess.”

“Kung gano’n huwag kang gumawa ng mga bagay na hindi mo naman naiintidihan. Sa ginagawa mo, pinapaasa mo ako sa wala.”

“Ano?”

“Huwag mong sabihing hawakan kita dahil hindi mo mapaninindigan ang bagay na ‘yon, Ury.”

“You’re angry, huh? Huwag mo ‘kong hawakan kung ayaw mo! Hindi ko ipinipilit ang sarili ko!” Walang kaabug-abog na pinasibad nito ang kotse.

Muli niyang ibinaling ang mukha sa bintana ng sasakyan. Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdaman niya ang butil ng luhang kumawala sa kanyang mata. Ano bang ginagawa niya? Ginalit niya lang ang binata sa huling sandali nila. Pero kahit na gaano niya pa na sisihin ang sarili, hindi na niya puwedeng baguhin ang liko ng puso niya. She realized that she was not satisfied with mere touching him. Di ang hawakan ito kundi ang makuha ang buong atensiyon nito—ang puso nito. Hindi hihinto ang oras. Puwedeng maglaho si Ury sa isang iglap.

Walang namutawing ano man sa bibig niya nang bigyan siya ng malamig na pamamalam ng binata sa airport. “Goodbye, princess. Hope that our paths would never cross again.”

Those words grouched her insides. Lumagos ‘yon sa puso niya at namasa ang kanyang mga mata. Subalit walang boses na lumabas sa lalamunan niya para tawagin si Ury nang talikuran siya nito. Ang tanging nagawa niya ay masdan ang likuran nito habang unti-unti itong lumalayo. She hated the sight. She hated herself for not calling him out. But she was overpowered by something more commanding than the time she was a child. Hindi dahil sa wala siyang kakayahan kundi dahil wala siyang lakas ng loob na masaktan. Napagtanto niya kung gaano siya kaduwag.

****

I'll post the next part on Sept. 14

Thank you for reading!💜💜💜

LEL 5: URY a.k.a. Mercury [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon