72

595 23 6
                                    

Fern Dale Zapanta
7:24 pm

Fern:
Papi, kumusta? Anong nangyari?

Kio:
Buhay pa naman ako, paps HAHAHA

Muntik na akong maihi.

Fern:
Gago HAHAHA

Kio:
HAHAHA pota 'di ko alam papi. 'Di ako pinagsalita e. Nakinig lang ako sa sinabi niya

Fern:
Ano bang sabi?

Kio:
Hiwalayan ko raw si Archer.

Masasaktan ko lang daw si Archer. Hindi raw kami bagay. Phase lang daw 'tong relasyon namin. Magsasawa rin daw kami.

Fern:
Phase? Phase-ti.

E five months na nga kayo. Bakit niya raw ba sinabi 'yon?

Kio:
Protective lang siguro kay Archer papi. Gusto kong sabihin kanina na sobrang mali niya, paps. Hindi 'to phase lang. Hindi ako magsasawa. Bagay kami ni Archer. Bagay na bagay kami. Hindi ko sasaktan si Archer. Alagang-alaga nga 'yon sakin e. Ingat na ingat ako ron.

Fern:
Bakit 'di mo 'yan sinabi?

Kio:
Syempre paps, mama parin ni Archer 'yon. Future mama ko 'yon. Kailangan kong respetuhin.

At naiintindihan ko siya. Protective lang talaga siya kay Archer. At nakwento rin ni Archer kasi na hindi emotionally stable ang mama niya dahil do'n sa hiwalayan nila ng papa niya.

Ayoko namang dumagdag papi.

Ang problema ko lang ngayon ay kung sasabihin ko ba kay Archer.

Fern:
Dapat niyang malaman 'yan papi. Para makausap niya ang mama niya

Kio:
'Yon nga e. Kakausapin niya. Paano kung mag-away sila? Paano kung mas ilayo si Archer sa'kin?

Paps, paano kung papiliin si Archer?

Tangina, may tiwala naman ako sa boyfriend ko lalo na sa nararamdaman niya sa'kin pero gagi mama niya kasi 'yon. Pamilya 'yon. Boyfriend lang ako.

Hindi ko maiwasang mabahala. Pwede ko bang itanan nalang ang bebi ko? Sabihin ko nalang na nabuntis ko siya😔

Fern:
Tanginamo naman kausap seryoso na tayo e.

Naiintindihan kita paps, nakakabahala naman talaga kasi pamilya 'yon, nando'n na 'yon buong buhay ni Archer. Pero kasali ka na sa buhay niya paps. Kung kayo talaga para sa isa't-isa, magiging pamilya ka na rin niya.

Dapat niyong harapin ang mama niya. Alam kong hindi mo hihiwalayan si Archer pero kilala kita Kio. Mas matimbang din ang pamilya para sayo. Alam kong kung sakaling pipiliin ni Archer ang mama niya, hahayaan mo siya.

Pero hindi naman kasi kailangang magpilian papi. Isipin niyo nalang kung ano gagawin niyo para matanggap kayo ng mama niya.

Kio:
Paano? May suggestion ka ba?

Fern:
Problema niyo na 'yon. Bakit ako? Relasyon ko ba 'to? Pep-talk lang ambag ko rito papi HAHAHA

Kio:
Pota HAHAHA pep-talk base on experience

Fern:
Ayan kasi jowa-jowa pa HAHAHAHA

Kio:
Bitter ka lang ulol

Fern:
Nakamove-on na ako😏

Nga pala, nakita ko si Leo sa Tagum. Umuwi ako ro'n kanina.

Kio:
Sinong kasama?

Fern:
'Di ko alam papi, nagmamadali kasing pumasok sa kotse. Pero sa tingin mo, si ano ba pinuntahan no'n?

Kio:
'Di ko alam. Ang tanga na niya kung 'yong baliw ang pinuntahan niya.

Kausapin ko mamaya. Palaging MIA e. Nakakabahala rin pero sabi naman niya okay lang daw siya, wala naman daw problema.

Fern:
Naniniwala ka ba?

Kio:
Hindi paps.

University Dump #1: To Complain (BxB)Where stories live. Discover now