113

724 19 4
                                    

Keeping up with the Zurriagas
5:24 pm

Kio:
Saan na po kayo? Huhu kinakabahan na ako😭

Leo:
Malapit na sa condo.

Kio:
Si papa nagdrive?

Leo:
Oo. Akala mo naman hahayaan ako ni mama magdrive😂

Mama:
Hndi tlaga kac muntik k na mamatai Eli ha! Jusko kng bata ka!

Leo:
Sorry na nga mama :(

Mama:
Eki anong cake ang gusto ni Archer at sa mama niya?

Kio:
Chocolate cake po kay Archer, Mama. Kay Tita naman, cheesecake po. Pwede niyo po ba salihan ng brownies ma? Paborito ng Ate niya hehe

Tapos oreo cake mama para kay Arrow

Mama:
Okay sige. Ikw? Ano gxto mo?

Kio:
Si Archer po sana🤪

Leo:
Tapang porke meet the whole fam na😏

Kio:
Ako lang 'to, Eden

Mama:
Mga bading kayo anak buti nman at binalikan ka ni Archer

Kio:
Syempre mama, anak mo na 'to oh?

Joke hehehe

Ang saya ko mama...

Mahal na mahal ko po si Archer. Promise hindi ko siya iiwanan, Ma. Promise din po papasayahin ko siya tapos mamahalin habang-buhay

Mama:
Alam ko. Masaya ako para sayo, para sa inyo. Proud kami sayo kasi kinaya mo lahat. Hindi sinasabi ni Eli, pero masaya rin 2 para sau maarte lng tlaga paka-oa

Leo:
Sige Esmeralda kunyari wala ako rito

Mama:
Hahaha!

Kio:
Hahahaha!

Salamat mama😭 Sa inyo ni papa kasi tanggap niyo kami

Mama:
Cnu ba kmi para tumutol? Bohai mo 'yan, malaki k na. Marunong k ng magdesisyon. Magulang kmi at trabho namin ang suportahan ka. Love you nak

Kio:
Love you mama😭

Punta na kayo rito, sundo niyo na ako

Mama:
Malapit na. Si Eli naiiyak akala mo nman ikakasal k na hahaha ayw yata ng kaagaw sau

Leo:
Tears of joy 'to mama

Kio:
Labyu bal ikaw ang aking tunay na mahal, kiss kita mamaya ng marami😚

Leo:
:)

*****
Eden Leon Zurriaga
5:37 pm

Eden:
Bumibili na kami nung sinabi mo

Kio:
Oki, dito ko nalang bayaran

Eden:
Huwag na. Libre ko na lahat 'to

Kio:
Hala true ba? 🥺

Eden:
Pasasalamat na rin kay Archer kasi sa wakas siya na gagambalain mo

Kio:
😒

Eden:
Hahahaha

Punta ka sa kwarto ko. Open mo 'yung safe ko. Birthday natin ang passcode

Kio:
Anong meron??? Kayamanan???

Eden:
Gago

Nandon 'yong singsing natin. 'Yong binili natin dati. 'Yong ibibigay natin sa taong mamahalin natin (ang corny)

Kio:
Gago seryoso? HAHAHAH akala ko tinapon mo na 'yon kasi sabi mo ang baduy😤

15 yrs ago na 'yon!

Eden:
Tinago ko. Di naman yun kasya sa atin dati pakabobo mo bumili😒

Kio:
Kasi nga para sa future!

Eden:
Sige na kunin mo na. Yung nasa navy blue na box ang sayo sa akin yung pula, huwag mong bubuksan yun sinasabi ko sayo

Kio:
OO NA TEKA

5:42 pm

Kio:
Bal gago ka😭😭😭

Naiiyak ako tanginamo ang sweet mo naman pala

Kailan mo pa napa-engraved pangalan namin ni Archer dito? 😭

Eden:
Last month pa. Mahal pala pa-engrave buti nagkabalikan kayo😂

Yung may pangalan mo ang ibigay mo kay Archer tapos yung may Archer ang sayo para sweet

Kio:
Salamat🥺

Hindi kailangan na gawin mo 'to, pero salamat bal. Napakaswerte ko sayo kaya mahal kita e

Eden:
Gusto ko lang na masaya ka at alam ko naman na si Archer magpapasaya sayo. Yung klase ng saya na di namin maibibigay

Kio:
Salamat bal huhu

Eden:
Tuloy ba proposal ngayon?

Kio:
Syempre tuloy na tuloy. Kinabahan pa ako kasi di mo ko pinabili ng singsing tapos kaya pala!

Eden:
HAHAHAHA

Sure ka bang magye-yes si Archer?

Kio:
Hindi pero sure naman ako na dadating kami ro'n, kung ayaw niya ngayon at ireject ako, okay lang. Try ulit next time😎

Eden:
Good luck.

Kio:
Salamat. Good luck talaga sa'kin😭🤞




**********
Hi everyone! Last update will be tomorrow na😭💗 Thank you for reaching this far!

Stay safe!

University Dump #1: To Complain (BxB)Where stories live. Discover now