chapter 27

23 10 0
                                    

Sinigang

"sige, tara."

Agad naming hinanap si Tamara at natagpuan namin siya sa canteen na kumakain. Agad naming siyang nilapitan kaya napatingin siya sa direksyon namin, ganun din ang mga kasamahan niya.

"Look who's here?" tinaasan pa niya ako ng kilay at pabalik balik mula ulo hanggang paa.

"Tapatin mo nga ako, ikaw ba nagpapadala ng kung ano ano sa loob ng locker ko?" timping sagot ko sa kanya. Magdahan dahan lang siya sa pananalita niya dahil baka hindi ko magustuhan at mapatulan ko.

"What?" takang tanong niya. Naagaw namin ang atensyon ng ilan. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na papunta sa direksyon namin sina Yam at mga kasamahan namin kasama si Brix.

"Ikaw ba nagpapadala ng mga patay na daga at dugo sa papel na nakaukit ang pangalan ko haa." nilapitan ko siya pero hinawakan ako sa braso si Azrael.

"Ahh so inamin na sayo ni Azrael yun? Kase hindi ka namn pupunta dito at gagawa ng scandalo kung hindi." sumandal pa siya ng maayos sa kanyang upuan at saka tumingin sa akin ng deretso nang may nakakalokong ngiti.
"Akala ko ba may gusto ka saken?" baling na tingin nito kay Azrael ngunit wala siyang nakuhang sagot mula dito.

" Anong nangyayari dito?" takang tanong ni Yam nung nakalapit sila. Hindi ko man lang sila tinapunan ng tingin at nanatiling nakatitig sa kanya.

" Bat mo ginawa yun ha?!" pagalit kong tanong saka siya sinakal sa leeg. Mabilis akong kumilos kaya hindi nila ako naawat.

" Acckkkk" pilit niyang inaaalis yung kamay ko sa kanya ngunit hindi ako nagpatalo.

" Kung makipaglaban ka saken, tangina mo lumaban ka ng patas, hindi yung nakikipaglaban ka ng patalikod." galit na saad ko at mas diniinan pa yung pagkakasakal niya.

" Jam! Ano ba! Nasasaktan mo siya!" sigaw sakin ni Brix kaya lahat ng tingin ay napunta sa kanya. Unti-unti kong tinanggal ang kamay ko sa kanya.

"Alam mo ba yung ginawa ng babaeng to, sakin haaa?!! Hindi diba? Tas siya kakampihan mo?" di makapaniwalng saad ko.

" Wala akong kinakampihan, ang akin lang kumalma ka muna."  hindi ko siya pinansin bagkus bumaling ako kay Tamara na ngayon ang umiinom ng tubig dahil sa pagkakasakal.

"Napakaduwag mo."  andami kong gustong sabihin pero hindi ko masabi sabi. Parang nawalan ako ng boses at hindi kayang maibuka iyong bibig ko. Iyon lang ang nasabi ko bago ako umalis. Hinayaan ko ang mga paa ko na dalhin sa kung saan. Rinig ko ang tawag nila pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa bahay.

"Ohh iha ang aga mo naman ata ngayon? Wala ba kayong pasok?" tanong ni manang sa akin pero imbis na sagutin yung tanong niya. Naglakad ako papunta sa kanya at saka siya niyakap ng mahigpit at doon tuluyang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi na din naman siya nagsalita at hinagod lamang ang ang aking likod.

"Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon anak, makakayana mo iyan."

Hindi ako nagsalita hanggang sa tuluyan ko nang nabawi ang sarili ko at until unting kumalma ang aking pakiramdam. Tumingin ako kay manang at ngumiti para sabihin ayos lang ako at walang salitang iniwan ko siya sa sala at umakyat sa kwarto. Kung nabastusan man siya sa inadta ko, hihingi na lng siguro ako ng tawad pag nakabalik ako sa aking sarili.

Humiga ako sa kama, at matagal na tinitigan ang kisame. Iniisip kung ano ang nangyari sa araw na to. Bat ganun noh? Ako pa magmukhang masama.

~~~~

coffee. Where stories live. Discover now