chapter five

90 67 5
                                    

Cocai







Nanidito kami ngayon sa loob ng classroom kasama ko si Yam masyado yata kaming maaga ngayon dahil wala pa kaming katao tao at eto pinipilit akong magkwento tungkol kahapon kainis. Nakatulog nga agad ako pagkapasok ko sa kwarto. Hindi na nga ako nakakain dahil sa pagod. Baka mas matagal pa ako sa cr na yun kung hindi ako tinulungan ni shokoy

" Ano na magkwento ka na dali" niyuyogyog pa ako tsk

"First day of school? Naglinis lang naman ako ng cr" mapaklang Sabi ko

"Bakit naman?" She asked

"Kasi nagvandalized ako dun sa cr" seryusong sagot ko pero tinawanan lang ako

"HAHA sira! Anong pumasok sa isip mong magsulat tsaka ano yung sinulat mo?"

" Andaming nakasulat roon kaya nakisulat rin ako ang kaso yung sinulat ko kasi e tungkol sa president natin kaya ayun!" Kamot ulong sabi ko

"E ano nga?" Ang kulit naman e

" Na shokoy president natin"  tinawanan pa naman ako

"Ayyy oohh lakas ng tawa natin teh about hanggang sa labas" bungad ni Zione kasama si Gregorio

"Hindi a. Hello mga bakla" nakangiting bati ni Yam sa papalapit na mga bakla

" Hello " sabay nilang bati "parang di kita nakita kahapon"  tanong ni Gregorio

" Mmm... Nagkalagnat kasi ako pero ok na ako ngayon. I'm Yanna Marie,Yam for short. BFF ako nito" turo niya sakin

"Ahh. Ako si Zione Xander at si Gregorio" umasim bigla ang mukha ni Gregorio

"My name is George not Gregorio duh" malanding Sabi niya saka kunyari nagflip hair. Bakla talaga! Dahilan para matawa si Yam at Zione

"Bruha ka! Lalaki ka pa rin naman" natatawang sabi ni Yam

" Ayy hinde mas maganda nga ako kesa sayu e" Sagot naman niya

"Nga pala nabalitaan namin nangyari sayo Jam, ano mahirap ba?" Pang aasar ni George na dinaluhan ng tawa nung dalawa

" May madali ba sa paglilinis ng kubeta?" Pabalang kong sagot

" Eto naman high blood agad. Strikto talaga president natin tungkol sa kalinisan" Saad niya

Nagsimulang magdatingan ang mga kaklase namin at syempre mas umiingay ang paligid. Pati ang president ay dumating na rin sa likod niya si Nix. Bakit kaya palagi niyang kasama si Nix?

" Why are you staring at me like that?" Tanong ni president shokoy habang nakataas Ang isang kilay nakuha tuloy niya ang atennsyon ng iba. Napangisi tuloy ako sabay sabing

" Ang pangit mo" narinig kong nagtawanan ang dalawang bakla at si Yam maski ang iba ay nagulat sa sagot ko pero diko pinansin at nakatuon lang ang atensyon ko sa kanya

" Baliw ka! President yang binabangga mo" rinig kong bulong sakin ni Yam

"What did you say?" Bahagyang tumaas ang boses niya at nangunot ang mga kilay

" Ang sabi ko ang pangit mo" seryusong saad ko habang nakatingin parin sa kanya inihakbang niya ang kanyang mga paa ngunit pinigilan siya Ni Nix

" She's a girl,dude" Nix said dahilan para singhalan niya ako at magpatuloy sa paglakad papunta sa kanyang silya which is beside me. Nagtinginan kami Ni Nix pero siya ang unang nagbawi ng tingin

coffee. Where stories live. Discover now