chapter nine

64 52 1
                                    

Clean up drive









Ang laki ng ngiti ni Gianna habang kumakain ng ice cream. Mga bata naman talaga napakadungis kumain. Kami naman ni Shokoy umiinom lang ng Slurpee. Magkatabi silang magkapatid habang nasa harapan nila ako. Sandaling nakalimutan ko ang aking mga problema.

"Dahan-dahan lang baby. Napakadungis mo na"nakangiting sabi ko habang pinupunasan ang pisngi at bibig niya dahil sa nagkalat ng ice cream. Sa gilid ng mata ko nakikita kong nakatingin sa amin si Shokoy

"I want more"  pinalobo niya ang pisngi niya tuloy ay diko napigilang kurutin iyon "Ouch ate masakit" reklamo niya

"So cute. Tara, bili pa tayo ng ice cream" anyaya ko sa kanya saka tumayo na

"No. Too much sweet for this day" lagi na lang kumukontra tong lalaking to psh!

"Kuya....." Pagmamakaawa ni Gianna

"Let's go. Umuwi na tayu marami pang gagawin ang ate mo"  sabay tingin sa akin saka binalik ang tingin sa kapatid

"Pero gusto ko pa"

"Bukas na lang ulit" pero umiyak na yung bata, ako tuloy nagpatahan

"Halika baby. Bibili tayo ng ice cream" binuhat ko siya saka ko sinamaan ng tingin si Shokoy saka nagpunta para kumuha ng ice cream. Yung malaki na kinuha ko saka nagbayad

"Ako na" sagot ni Shokoy saka binigay ang bayad sa cashier pero tinapik ko ang kamay niya

"Ako ang magbabayad nito. Kumuha ka dun kong gusto mo ng ice cream"  senyas ko kung saan kami kumuha ng ice cream saka ko binigay ang bayad sa cashier

"Tsskkk" sagot niya " she can't eat too much of sugar"

" Thank you"  sabi ko sa cashier saka naunang lumabas nakasunod si Shokoy. Binaba ko na si Gianna mabigat e

"Here" lumuhod ako para magpantay kami sabay abot sa kanya ang ice cream "Stop crying baby" pinunasan ko ang mga luha  sa mga pisngi niya.  "This is all yours. Don't give kuya okay?"  tangina tango naman siya habang sumisinghot "pero kakain ka lang ng ice cream pag sinabi ni kuya. Lahat ng sobra bawal, maliwanag baby?"  tanong bigla na lang akong niyakap

"Yes ate Jasmine. Thank you po" yinakap ko siya pabalik nang biglang tumunog cellphone ko

"Hello" sagot ko kay kuya Jayson yakap-yakap parin si baby

"Where the hell are you?"

"Why?"

"You're so unbelievable! Don't you know what time is it?" sigaw niya

"Uhmmm. I'm on my way"  sagot ko sa kanya

"Better if you're here in 10 mins because I'm going to close the door and lock the gate" pananakot niya

" Yeah bye" saka ko siya binabaan " i need to go" nginitian ko si Gianna "Thanks for this day baby"

"Thank you too ate"  tumayo na ako

"Well sent you home" anyaya ni Shokoy

"No need. Malapit lang naman"

"Uhmmm ......thanks"  sabi niya sakin tapos nag-iwasan ng tingin . Ano kaya yun?

" Sige. Salamat din tol"  tinapik-tapik ko pa balikat niya pero sinamaan niya ako ng tingin. Pinipigilan ko tuloy ang pagtawa

"Ingat" saad ko sa kanya " Take care baby"  I kissed her right cheek and I heard her giggled

coffee. Where stories live. Discover now