CHAPTER TWENTY

921 37 1
                                    

"I love you." Saad ko kay Luther bago ibinaba ang tawag.


"Aba! Aba! Nawala ka lang ng isang buwan nakabingwit kana ng bilyonaryo!" Tukso ni Emma na nasa likuran ko. Pumihit ako at hinarap siya.

"Ganiyan talaga kapag maganda." Nakangising saad ko. Ngumiwi naman siya na ikinatawa ko.

"Malandi ka!" Saad niya sabay kurot sa tagiliran ko. Mabilis akong umilag habang tumatawa nang muli niya sana akong kurutin.

"Magtrabaho kana! Puro ka landi hah!" Saad niya saakin. Agad naman akong tumakbo paalis dahil baka kurutin nanaman niya ako.

Pumunta ako sa counter para kumuha ng mga drinks. "Tagal mong nawala ah Eva!" Sabi ng isa kong kasamahan.

Ngumiti ako. "Oo nga eh" tipid kong sabi. Pinalibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bar. Maaga palang pero sobrang dami nang tao.

Tatlong linggo na ang lumipas simula nang maging kami ulit ni Luther. Tapos na rin ang trabaho ko sakaniya. Nabayaran kona din ang kalahati sa utang ko sakaniya na pinagawayan pa namin dahil ayaw niyang tanggapin ang bayad ko. Bakit ko pa daw babayaran eh boyfriend ko naman na daw siya. Wala sa sarili akong umiling nang maalala ang sinabi niyang yon.

Ano naman kaya ang kinalaman ng pagiging boyfriend niya sa utang ko?

"Eto na yung drink Eva." Sabi nang lalaki sa counter. Tumango ako at kinuha ang mga drinks. Isa sa mga pinagawayan namin ay ang pagbabalik ko bilang waiter dito sa bar. Ayoko rin naman na umalis nalang bigla. Kahit sobrang init ng dugo saakin ni Bakla, malaki pa rin ang itinulong ng bar niya saakin.

"Salamat miss." Saad ng isang lalaki na pinagbigyan ko ng nga drinks. Tipid akong tumango at agad din na umalis. Muli akong bumalik sa counter para kumuha ulit ng panibagong drinks. Napatigil ako sa kalagitnaan ng paglalakad nang may mahagip ang mata ko sa pinakadulo ng bar.

Hazel.

Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nasa ibang bansa siya? Bakit nandito siya? Para akong tinakasan ng dugo nang magtagpo ang mata naming dalawa. Mariin akong lumunok nang ngisian niya ako. Nanumbalik saakin ang sakit at galit ng nakaraan. Ang babaeng isa sa mga nagdulot saakin ng sakit, ang babaeng sumira sa relasyon namin ni Luther.

"Eva drinks daw sa taas."

Napaigtad ako nang may magsalita sa likuran ko. "Ha?" Saad ko. Tumingin ako sa katrabaho kong babae na nakakunot ang noo.

"Ayos ka lang?" Nagtatakang tanong niya. Pilit akong tumango.

"O-oo." Tipid kong sagot.

"Sige, drinks daw sa taas." Aniya na agad kong ikinatango. Nang tumalikod siya ay agad kong ibinalik ang tingin ko sa dulo ng bar.

Napakunot ang noo ko nang mawala doon ang babaeng hinahanap, Asan na si Hazel? Bakit bigla siyang nawala? Hindi naman siguro ilusyon iyon. Hindi kaya guni-guni ko lang yon? Oh kaya baka namamalik mata lang ako?

Hindi pa ako nakakahakbang nang makita ko si Luther, kung saan nakita ko si Hazel kanina. Kumunot ang noo ko. Anong nanaman ang ginagawa ng lalaking 'to dito? Nagtataka man ay pinilit ko pa rin na humakbang palapit sakaniya. Seryoso ang mukha nito, at para siyang...galit?

Nakita ko ang gulat sa mata nito nang makita niya akong palapit sakaniya. "What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko.

"I'm...with my... friends." Sagot nito. Lumapit siya saakin at hinapit ang beywang ko. He kissed the top of my head.

"Eh bakit hindi mo sinabi?" Tanong ko ulit. Ang sabi niya kasi kanina may meeting siya At baka hindi siya makapunta. Pero bakit nandito siya? Tapos hindi pa niya sinabi saakin na pupunta siya.

"Tapos na ba ang trabaho mo?" Biglang tanong niya. Umiling ako, magsasalita na sana ako nang bigla akong tawagin ng kasamahan ko.

"Eva! Drinks daw sa taas, sa pinakadulo." Aniya ng katrabaho ko nang lingunin ko siya. Muli akong tumango at sinulyapan si Luther.

"Magtatrabaho na ako." Saad ko. Ngumiti siya saakin ng matamis at pinatakan ako ng halik sa labi. Mabilis kong inilayo ang ulo ko dahil baka may makakita saamin.

"Aantayin kita." Bulong niya sa tenga ko. Tumango ako at tumalikod para kumuha ng drinks sa counter.

11pm na nang matapos ang trabaho ko. Dumaing ako nang maramdaman ang sakit ng katawan. Sobrang dami naming customer ngayon, halos wala akong tigil na maglakad. Sumasakit ang mga muscles ko.

"Uuwi kana?" Tanong ni Emma. Inayos ko ang mga gamit ko sa bag at tumango.

"Oo." tipid kong sagot. "Kayo? Anong oras magsisimula ang trabaho niyo?" tanong ko. Mamaya pa kasi magsisimula ang trabaho nila, ang pagsasayaw sa stage ng bar. Minsan napapatanong ako kung komportable ba siya sa trabaho niya, o kung ito ba talaga ang gusto niya?

"Mamayang alauna pa." Sagot niya. "May sundo ka ba?"

Inayos ko ang damit na suot ko bago sinagot ang tanong ni Emma. "Oo." Kagat labi kong sagot.

Nginisihan niya ako. "Oh siya sige! Alis na at naiinggit ako sayo! Baka agawin ko 'yang jowa mo." Natatawang saad niya. Humalakhak ako.

"Hanap ka rin ng sayo!" natatawang sabi ko bago humakbang paalis.

Pagkalabas ko nang bar ay agad akong sinalubong ni Luther. "Are you hungry? do you want us to eat at the restaurant?" Malambing niyang tanong.

"Huwag na, I'm tired Luther I want to sleep na." Inaantok kong sabi. He sighed.

"You can't sleep without eating baby, hindi ka nanaman kumain kanina baka magkasakit ka na niyan." He said with a concerned tone.

Ngumuso ako at bumuntong hininga. "Can you just cook me some food?" Saad ko.

"Fine, if that's what you want." Napangiti ako sa sinabi niya. Yung mga paru-paru sa tiyan ko ay muli nanamang nagliliparan. Hinalikan niya ako sa sentido bago pagbuksan ng pinto sa kotse.










VOTE AND COMMENT ARE HIGHLY APPRECIATED!

DESPERATE NEEDWhere stories live. Discover now