Chapter 7 Check up

3.8K 165 39
                                    


Alliana POV




Pumunta kaming dalawa sa likod nitong dorm ng HABS, suot suot ko ang black cap ko dahil hindi ko suot ang disguise ko. Nasa likuran ko naman si Kalvin.






Madilim na at tahimik ang buong paligid, sanay naman ako sa dilim kaya diretso-diretso lang akong naglakad. Nang makadating kami sa likod ng dorm ay may maliit na tunnel do'n palabas, kasya naman kami kaya nauna na akong pumasok doon at nakasunod parin sa akin si Kalvin. No'ng naglibot libot ako sa buong campus ay nakita ko ang tunnel na'to, curious ako kaya tinanggal ko ang mga dahon no'n at pumasok sa loob ng tunnel, medyo mahaba ang tunnel at madilim. Nang makadating sa pinakadulo ay mga sasakyan ang nakita ko, pinagpag ko ang damit ko at umayos ng tayo. Napangisi naman ako sa nakita, secret lagusan palabas ng HABS. Cool.






Nang makadating kami sa dulo ng tunnel ni Kalvin ay inayos ko ang damit ko at naglakad na papunta sa gawi ng motor ko.






"Sayo to?" Turo ni Kalvin sa motor ko. Nakangisi naman akong tumango bilang sagot.






"Tara na..." Ay, wait. Parang may naaalala ako, "Hala. 'Yong susi ng motor, naiwan ko." Sabi ko at tumingin kay Kalvin.





" H-ha? Babalikan ko nalang," sabi niya at aakmang lalakad paalis nang tumawa ako ng malakas.






" Joke lang! Oh! " Natatawa kong abot sa helmet at kinuha niya naman 'to.







Ini-start ko na ang motor at sumakay naman sa likuran si Kalvin, nang tingnan ko siya sa side mirror ay parang hindi niya alam kong saan siya hahawak, mahina naman akong napatawa.






"May hawakan diyan sa likod!" Sigaw ko sa loob ng helmet para marinig niya, nang makahawak na siya sa hawakan ay nag drive na ako.






"Gago! Wag mokong yakapin!" Sigaw ko ulit dahil bigla siyang napayakap sa bewang ko!






Tinanggal niya naman ang mga braso niya at humawak ulit doon sa likod. May kung ano nanaman akong naramdaman dahil sa pagyakap niya kanina, iniling ko nalang ang ulo ko at binalewala yon at nag focus na sa pag d-drive.




Nang makarating na kami sa hospital ay nagmamadali siyang bumaba sa motor at pumasok sa entrance, bobo nalang kong sa exit diba?






Sumunod naman ako sakaniya, nalipat nadaw sa kwarto ang lola niya kaya doon na kami dumiritso, Room 267. Pagbukas niya ng pinto ay agad sumalubong ang dalawa niyang kapatid, lalaki at babae. Tahimik lang naman ako na nasa likod niya at umupo sa may sofa, hindi nalalayo sa kama ng pasyente.





Ang tagal ko ng hindi nakapunta ng hospital, last punta ko ay 'yong nasa hospital si mommy. Nagising naman ang lola nila at nagtama ang paningin namin, naiilang man ay ngumiti ako sakaniya ng pilit. Mali ata na pumasok ako, e.






"La, ayos ka na ba? May masakit po ba?" Nag-aalalang tanong ni Kalvin sa lola. Umiling naman ito at umayos ng upo, tinulungan naman siya ng apo.





I felt jealous, I never experience the love of grandparents.






"Nobya mo ba ito, iho?" Tanong ng lola kay Kalvin kaya gulat ko naman itong tiningnan, gano'n rin siya.





Bakit ba feel ko biglang uminit ang paligid!?





"Ha? H-hindi po, la. K-kaibigan ko po siya," naiilang na sagot ni Kalvin.





The Girl In All Boys SchoolWhere stories live. Discover now