Chapter 16 The Family

2.8K 110 3
                                    



Kalvin POV



Nandito ako ngayon sa kwarto nagbibihis dahil tumawag sa'kin ang kapatid ko kagabi na pupunta daw sa bahay namin ang pamilya na nabangga ni Tatay ng truck, aaminin kong kinakabahan akong makaharap sila dahil baka ay hindi nila kami matatanggap dahil sa nangyari doon sa babae. Maliban pa do'n ay may parte sa akin na kinakabahan at naguguluhan pero hindi ko alam kong anong dahilan.




Paglabas ko ng kwarto ay saktong ding paglabas ni Tia, nagkatinginan kaming dalawa kaya ngumiti ako sakaniya pero hindi niya magawang ngumiti pabalik, binalewala ko nalang 'yon dahil base sa itsura niya ay may nangyari. Tatanongin ko nalang siya mamaya.




"Gala tayo mga teh, shopping ganern!" Sabi ni Alexa at sabay kaming umiling ni Tia.



"May pupuntahan ako," nagkatinginan kami dahil sabay namin 'yong sinabi. Naguguluhang tumingin naman sa amin si Alexa.



"Ay date kayo?"



"Hindi, may pupuntahan kami nina Dad." Sagot ni Tia.



" Uuwi ako sa amin, tumawag kapatid ko kagabi. Sa susunod nalang tayo gumalang tatlo." Sagot ko din.




" Ay sige, ingat mga teh! Mag hahanap nalang ako ng gwapo na kaya akong anakan ng bente! Everyday may jugjugan, HAHAHAHA! " pagbibiro niya at malakas na tumawa, napatawa din ako ng mahina pero napatigil nang may narinig na katok galing sa labas.




Ako na ang nag bukas no'n at bumungad ang Hyun brothers, "Si Tia?" Tanong ni Triv.



Sasagot na sana ako pero biglang lumabas si Tia, "Tara na." Sabi niya at walang kahit na anong salitang umalis silang apat.




May nangyari kaya? Kakaiba si Tia ngayon, wala siya sa mood.




Kinuha ko na ang bag ko na nasa sofa at nagpa alam kay Alexa, nang nasa labas na ako ng gate ay pumara na ako ng jeep pauwi sa amin.




***


"Kuya!" Salubong sakin ng mga kapatid ko pagkapasok ko ng bahay.



Maliit lang ang bahay namin, dalawang kwarto, maliit na sala at maliit na kusina. Nasa labas ang cr namin, hindi sementado ang sahig namin. Dumiritso ako sa kusina dahil nagluluto si lola ng pang agahan, sinigang ang niluluto niya. Pangarap ni lola maging isang sikat na chef pero dahil nabuntis siya ng maaga ay hindi niya naabot ang pangarap kaya pinapangako ko sa kanila na magtatapos ako para ako ang magpapatupad ng mga pangarap nila na  naudlot.



"La, ako na po diyan.... Baka mapagod ka, umupo kana lang po do'n," sabi ko.



" Wag na, patapos narin naman ako iho, mag bihis kana lang doon at hihintayin natin iyong pamilya na darating ngayon . "




Hindi na ako nagmatigas at pumasok nalang sa kwarto para makapag bihis, ang dalawa kong kapatid na si Shawn at Clyde ay nandoon sa sala nanonood ng telebisyon.




Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at tinulungan si Lola na maghanda ng pagkain, kumuha ako ng plato at mga kutsara pati narin baso.




"Clyde, Shawn, kakain na!" Tawag ko sa dalawa.




Lumapit naman agad sila at umupo sa upuan, si Lola ang nag dasal bago kami kumain. Dasal muna bago kain, pasalamat sa grasya.




Tia POV


"Did Dad called you last night?" Kuya Triv asked pagpasok namin sa Van pauwi sa bahay. I nodded as an answer at hindi na ulit siya nagsalita.




The Girl In All Boys SchoolWhere stories live. Discover now