Chapter 14 First love

3.4K 160 77
                                    


Felix POV



'Sino 'yang babae? '



' Ganda niya. '



' Bagong transferee ba? '



' Ewan ko. Tanungin mo kaya? '



'Gago, kasama nila Triv, ayoko. Baka pagtripan ako, ikaw nalang. '



'Ayoko nga, malalaman din naman natin mamaya kong sino yang babae, e. Bago yan alalahanin mong may test tayo ngayon, bobo! '




Habang naglalakad kami ay mga bulongan ang naririnig ko, namin, kaliwat kanan. At lahat sila kay Alliana nakatingin, or should I say Tia? Ang kapatid ng Hyun brothers. Woahh, kaninang umaga medyo nagulat pa ako nang makita ang totoong mukha niya, sina Tom ang nagpaliwanag sa amin. As in ibang iba ang mukha niya sa Alliana na kilala namin, sobrang ganda niya! Napakaganda!






Ang nakakasama at pinagtripan namin noon ay ang kaisa isahang babaeng kapatid nila Triv, kaya pala hindi takot si Alliana kay bossing. Alliana ba itatawag ko or Tia? Medyo nasanay na ako sa Alliana, e, tsaka Alliana pa naman ang dala dala niya na pangalan dito sa Harashi. Alliana nalang siguro kapag nandito sa loob ng campus at Tia naman kapag nasa labas.





Pagpasok namin sa classroom ay natahimik ang lahat at napatingin kay Alliana na naka krus ang mga braso at parang walang pake sa paligid, diretso lang siyang pumunta at umupo sa upuan niya. Ganon narin kami, hindi parin naaalis ang tingin nila kay Alliana kaya nagsalita ito.





"Can you please stop staring and just mind your own business, tsk." She said in a cold voice at nag-iwasan naman ng tingin ang lahat pero may nagbubulongan parin. Lakas ng impact, kabilib.






Para siyang girl version ni Triv. Di naman nagtagal ay pumasok na ang prof at hindi na nagulat nang makita si Alliana, alam na siguro nila ang totoo simula palang. Binigay ng prof ang testpaper namin at nagsimula nang magsagot, History ang unang subject ng test namin ngayon at mabuti nalang nakapag review ako kagabi.





Matapos sagutan ang papel ay kinuha na ng prof ang papel para i-check, hindi pa kami makakalabas hanggat hindi pa tapos sa pag check ang prof kaya nag c-cellphone lang ako ngayon, naglalaro ml. Yong iba naman ay nagrereview para sa susunod na test, tsk easy lang yan.





" Stop using your phone and I'll call the name of the student who got the highest score." Sabi ng prof kaya tinago ko na ang phone sa bulsa ko at tumingin sa harap, gano'n narin ang iba.






"Ms. Hasley, you got a perfect score. Congrats!" Masayang sabi ng prof at nagpalakpakan naman ang lahat, pinakamalakas kay Tom at Tim.






Gago, perfect score!? 100 items yon tapos naperfect niya!? Woah.






Proud namang pumalakpak si Triv sa kapatid at napatingin naman ako kay Alliana pero napako yon kay Nerdy Boy na nakangiti kay Alliana! Gago, may gusto to kay Alliana, e. The way he looks at her like she's the most beautiful in this universe, ano kayang magiging reaction ni Triv kapag malaman niyang may gusto tong nerd nato sa kapatid niya, exciting.





Alexander POV




Pak, nagka POV din. Ngayon lang binigyan ng Author ng POV ang papa niyong Alexa na patapos na ang story, mygosh. Dahil ngayon nga lang may POV ay magpapakilala muna ako.





My name is Alexander Ponce but call me Alexa, grabe naman kasi ginawa pang Alexander pangalan ko pwede namang Alexa or Princess nalang. Ako ay ang nag iisang juniora ng mga magulang ko, actually kaya dito ako sa Harashi All Boys School nag aaral dahil ay napakaraming fafabols kaso nga lang nerd yong naging kadorm mate ko tapos nadagdagan pa ng isang nerd na diyosa naman pala, ka imbyerna. Crush ko talaga si fafa Tim pero waley, straight ang papa niyong Tim tsk. Dyosa naman ako, arte lang ang fafa
niyo!





The Girl In All Boys SchoolWhere stories live. Discover now