Chapter 24.

3.2K 123 122
                                    

"Tita irene where's my mommy and  daddy?
Heto nanaman ang batang makulit na kanina pa paulit ulit na nagtatanong

" baby baka gumagawa ng ading mo"
"ang tagal naman po tita hindi na sila kumain ng lunch"
"ganun talaga baby hayaan mo na sila uuwi rin mga yun"

"Tita tagal ba gumawa ng ading?"
Natawa naman ako sa tanong niya

"kung ano anong tinatanong mo baby girl ah magagalit nanay mo saakin"
Nagpakalong naman siya saakin

"Tita gawa ka rin ng baby mo para marami akong ading"
"bakit kasama ako sa usapang ading Baby girl si mommy lang yun diba"

"eh tita gusto ko rin ng ading sayo eh please please tita"
"hmm iyan ba tinuturo ni tito greggy sayo"

"ah hindi naman po tita sige na gawa na Ikaw ading ko"
"Sofie mama mo ang pilitin mo diyan"
She pouted her lips
"eh gusto ko ading rin sayo nga tita ang kulit mo naman"

"Aba ako pa talaga makulit?"
"Yes tita ang kulit mo"

"Hay nako buti hindi pa sumusuko si yaya sayo"
"no she loves me daw sabi niya"
Napailing nalang ako

"Tita kasama na ba nila mommy yung 5 na ading ko"
Nagulat naman ako sa sinabi niya

"the what?"
"my 5 ading" she showed me her fingers

"5?"
"yeah I want five ading"

"gagawin mo namang inahin nanay mo"
"what's that?"
"pig"

"ah mommy is a pig?" tanong niya na siyang kinatawa ko

"Hey no! Sofie naku kapag iyan sinabi mo sa nanay mo baka itapon ka nalang niya"
"okey po pero tita kasama naba nila ang ading ko pagdating nila?"
Makulit na tanong niya

"baby kasi ganito yun-"
Napahinto ang sasabihin ko ng parating na sila Manang at kuya

Hmmm ano nanaman kayang drama ni Manang at naka piggy backride siya kay Kuya

"mommy daddy!"
Agad kaming sumalubong sakanila
Binaba naman niya si Manang sa sofa

"Oh what happened to you?"  tanong ko
"Mommy bakit ka buhat ni daddy ko?"

"ah ano my ano kasi doon yung manok" magulong sabi niya

"Manok? Akala ko hindi kana takot"
She rolled her eyes

"Mommy where's my ading kasama niyo na po ba?"
"ha?"
Agad siyang na patingin saakin

"Wala akong alam diyan"
"Talaga naman irene" Manang

"Manang hindi nga ako nag turo niyan. Kanina pa yan nagtatanong saakin tungkol sa ading niya"

"Where's my five ading mommy?"
Natawa naman si Kuya

"Wala pa baby" Kuya
"Ehhh ano ba yan!" reklamo niya

"Aba nagiging reklamador kanang bata ka" Manang
"eh hindi niyo bigay ading ko mommy eh! Tita where can I get my ading ba? Pwedeng ako nalang kukuha ayaw kasi nila mommy"
Natatawa ako sa reaction niya

"Mommy" then she start crying
Here we go again

"Where can we get my ading!" umiiyak na sabi niya
"Sofie!"   Manang
"I want an ading! Where's my ading!"
"baby-" Kuya

"daddy dami mo pera bakit hindi mo pa kuha ading ko gusto ko na ng ading ko ayaw ko na mag isa"
At ayun na nga nag lupasay na sa sahig

"Tita order mo na ading ko tapos tayo nalang kukuha ayaw naman nila get ading ko"
"baby naman -"

"daddy marami pera pero ayaw ako ikuha ng ading ko!"
"baby hindi naman nakukuha sa pera yun" sabi ko

"eh tita tayo nalang bili ng ading ko my piggy bank ako"
Natawa ako sa sinabi niya

WILD NIGHT // R-18 //Where stories live. Discover now