Part 10

832 48 4
                                    

TAHIMIK na sa buong paligid nang magpasyang bumangon si Drigo. Matagal na rin siyang nakahiga subalit hindi siya dalawin ng antok. Lumabas siya ng cottage ay sumandig sa barandilya ng kanyang terrace.

His eyes once again focused on the other cottage. Parang nakikinita niya si Maia na nasa loob niyon. And only God knew how he controlled himself knocking her door.

Isang paghinga ang ginawa niya. He could still taste her kiss in his mouth. At alam niya, just a little persuasion and caress on his part would make them end up in bed that night. He felt how much she wanted him. At ganoon din naman ang nararamdaman niya rito.

But he controlled himself. He didn't want to rush her for fear of losing her. He didn't want to risk that. Hindi niya gustong mangyari na pagkatapos ng gabing iyon ay isang malaking pagsisisi ang maramdaman nito.

Every moment spent together made the attraction much stronger and simply couldn't be ignored. Gayunman ay hindi niya gustong samantalahin iyon.

Ordinarily, hindi na kailangan ng kontrol basta alam niyang madali na niyang makukuha ang babae. He was a man and very much virile. Kung game ang babae ay mas lalong game siya.

Pero malaki ang palagay niyang hindi ito ordinaryo. Hindi niya iniisip na pagkatapos ng isang gabing pag-uulayaw na matatapos na ang lahat. He felt Maia Monteclaro was a special lady. And she deserved more than a one-night adventure.

Parang may bumundol sa dibdib niya. such feeling was new to him. At hindi niya alam kung kakailanganin niyang mangamba. For him, women were always around. Nakakakita siya ng tipo niya at alam kung anong paraan ang gagawin upang makuha niya ang atensyon nito.

His charms and ways were succeeding with Maia ngunit siya din ang mismong nakatitiyak sa sarili na hindi niya gustong maging panandalian lang ang mamagitan sa kanila.

Suddenly he wanted involvement. With Maia.

And that was very new to him.

Ibinaling niya ang paningin sa baybayin. Napakapayapa ng galaw ng dagat. Ang sinag ng buwan ay hindi na kasing liwanag ng kagaya kanina subalit sapat pa ang liwanag niyon upang mapagmasdan niya nang husto ang tinatanaw niya. The moon's reflection shimmied in the waters of the bay. At sa pandinig niya ay tila balsamo ang tunog ng banayad na paggalaw ng mga dahon ng niyog.

The night was perfect except for one thing.

A woman.

At muli ay bumalik ang kanyang mga paningin sa katapat na cottage. Madilim doon at tahimik din. At bigla ay parang nais niyang managhili na hindi siya makatagpo ng antok samantalang nahihimbing na si Maia.

He closed his eyes subalit hindi rin nawala ang imahe ng dalaga sa kanyang balintataw. Tila lalo pa ngang nagkaroon ng linaw ang anyo nito. Oh, dear, he wanted to touch her again.

He inhaled and let his lungs filled with tropical air. At matapos tapunan isang sulyap ang cottage ni Maia ay nagpasya siyang mahiga na.

BAGO pa lamang tumataas ang araw ay tagaktak na ng pawis si Maia. She was jogging at napapangalahati na yata niya ang tatlong kilometrong haba ng baybayin sa isla. Hindi niya alam kung dahil sa pagtakbo niya ay nabuhay ultimo ang mga natutulog niyang ugat sa katawan. She felt the magic of the other night was already dispelled.

Ngayon ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sarili. Hindi niya gustong isipin kung may gamot na ipinainom sa kanya si Drigo para umakto ng ganoon. But she was sure he didn't drug her. Maliban na lang siguro kung para ding droga ang epekto ng bawat haplos at ngiti nito sa kanya.

Maria Natalia, what's happening to you? she asked herself.

Hindi niya alam ang sagot doon. For whatever reason, pinayagan niya si Drigo na halikan siya. And she was very aware how much she liked his kisses and she kissed him back!

Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island MagicWhere stories live. Discover now