Part 16

862 62 10
                                    

"MAGKAKILALA na kayo?" gulat na sabi ni Tita Connie. Ito ang bumasag sa katahimikang ilang sandali ring naghari sa kanilang paligid. At pagkuwa ay napagdaop nito ang sariling mga palad. "That's good. Maia, siya ang pamangkin kong sinasabi sa iyo. He's Rodie."

"Rodie?" Kumunot ang noo niya. "I know him as Drigo." Lumipad ang tingin niya sa binata, as if asking.

"I am both," sabi ni Drigo na tila hindi nabawasan ang tigas sa anyo.

"Yes, he's Drigo," sabi uli ni Tita Connie. "Pero para sa amin, he'll always be our little Rodie. Kaisa-isa lang siyang lalaki sa magpipinsan sa maternal side. And we couldn't help babying him lalo at bunso pa. Saan nga pala kayo nagkakilala?" Bumaling ito sa pinsan. "Rodie, hindi ba't kagagaling mo lang sa bakasyon?"

"We met in Boracay," sagot ni Drigo ngunit hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Parang gusto niyang matunaw sa kinatatayuan. Tila panunumbat at pag-aakusa ang nababasa niya sa mga mata nito. Her throat went dry. Parang kayhirap gawin na lingunin si Tita Connie nang ibaling niya dito ang leeg.

"I don't want to be rude but I can't stay long."

"Maia?" Napuno ng pagtataka ang anyo ni Connie.

"Go ahead, Maia," mababa ngunit may banta na wika ni Drigo. "Diyan ka naman magaling. Iyong umiwas. Leave if you wish. But now that I found you, you can never walk away from me. Ever."

"Parang kailangan ninyo yatang mag-usap," mabilis na sabi ni Connie. "Doon na lang muna ako sa kuwarto ko. Tamang-tama, oras na ng sinusubaybayan kong telenobela." At iniwan na sila nito.

Ilang sandali na rin silang iniwan ni Tita Connie subalit maliban sa pag-uusap ng mga mata ay nanatili pa rin silang walang tinag. Sa parte ni Maia ay hindi niya alam kung magagawa niyang igalaw man lang ang mga paa. Tila namanhid na iyon sa kanyang pagkakatayo.

Drigo was gazing at her dangerously. At may ilang pagkakataong binabawi niya ang tingin dito sapagkat hindi niya makayanan na salubungin ang nanunumbat na titig nito ngunit bumabalik at bumabalik din ang tingin niya dito. Tila makapangyarihan ang puwersa ni Drigo upang sa pamamagitan lang ng titig ay mapasunod siya nito.

"Bigla ka na lang nawala," Drigo said finally.

"I have to," tugon niya.

"Just like that?" he snapped. "I woke up knowing you were beside me. I reached you to feel your body next to mine. Pero hangin ang nakapa ko. I just thought na bumangon ka lang. But when I called your name at hindi kita narinig, that was when I thought you were gone."

Napalunok siya. He spoke each word clearly and softly. Na para bang nagbabalik ito sa isang magandang alaala. But she could also feel some pain in his tone.

"Maia, I was buying the idea that you needed some time alone. What happened between us was wonderful. At wala akong gustong pagsisihan. Only, it happened too soon. I like you and I'm so attracted to you. And then there was this feeling inside me that I can't explain.

"It was my mistake. You invited me to dinner and I pulled all my strings to swept you off your feet and into my bed just like that. I should have kept steady and to some extent my distance. I should have courted you properly." At payak itong ngumiti.

She was stunned. Ibinuka niya ang mga labi subalit walang salitang lumabas doon.

Humakbang ito palapit sa kanya. At parang gusto niyang mapaurong. She was afraid he would touch her. Sapagkat mga salita pa lamang nito ay para nang musika sa kanyang puso. She was afraid that her resolve would suddenly melt when she felt his touch again.

Napakurap siya. She wanted to cry subalit siya na rin ang kumontrol sa sarili. Bakit kailangang magkatagpo pa uli ang landas nila nito? Not that he was declaring his undying love for her---which she was wishing secretly.

Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island MagicWhere stories live. Discover now