Chapter 3

6.5K 147 10
                                    


"Kung may ipagpalaba ka rin, pakilagay na lang diyan sa tabi. Isusunod ko dito sa nilalabhan ko." naiinis kong sabi.


"Chill sunshine, aga-aga nakasimangot ka na diyan. At hindi ako magpapalaba kahit gustuhin ko dahil striktong bilin ng hari na personal maid ka niya, sa kanya ka lang daw eh." naaaliw na sabi ni Adam.


Ang hudyong Hansen ginawa akong personal muchacha. At heto nga ako ngayon maagang gumising at naglalaba ako ng mano-mano. Hindi ako pwede gumamit ng washing machine dahil aksaya daw sa kuryente. Eh mas malaki pa nga ang nako-consume na kuryente sa pagamit nila ng xbox magdamag kesa sa paglalaba gamit ang washing machine.


"Eh bat ka nandito?" 



"Hmm..lets just say natu-turn on ako pag nakakakita ng pawisang magandang diwata na naglalaba."



Nag-eenjoy ang gago sa pang-aasar. Kumindat pa.Buhusan ko kaya ng chlorine mata niya.  

Hmm...natu-turn on pala ha! Ang ginawa ko tinutok ko sa kanya ang hose ng tubig. Tawa ako ng tawa dahil parang basang sisiw na si Adam.



"Shit!Shit! Stop it Leisha! Its freaking cold!" sigaw niya.



Okay, hindi naman ako ganun kasama kaya ini.off ko na ang tubig pero pinagtatawanan ko pa rin siya.



"Why did you do that?" halatang nainis ito.



"Hmm,lets jus say natu-turn on ako sa basang sisiw." pang-aasar kong sabi.



"Oh! You mean...you want to see my perfect abs. Hmm..I like your strategy back there babe." 


Nag-rolled eyes ako. Laki talaga ang bilib sa sarili ng player na to. Bumabakat kasi ang abs niya dahil manipis na puting tshirt lang ang pang-itaas na suot niya. Pero walang dating sakin yun kahit gwapo pa siya at nakakatulo ng laway ang katawan.


Teka nga masubukan nga natin....


"Hmm...that also." pinalandi ko ang boses ko at kumindat rin sa kanya.


Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Napakunot naman ang noo nito. Gusto ko ng tumawa sa reaksiyon ni Adam pero kailangang turuan ng leksyon ang malanding to.


Ng halos magdikit na ang aming katawan. Sinadya kung kagatin ang lower lip ko at unti-unting itinataas ang basa niyang tshirt. Kita na ngayon ng konti ang pinagmamalaki niyang abs. Yung mukha naman ni Adam mamumutla na at nanlalaki ang mga mata. Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko na nakahawak pa prin sa laylayan ng damit niya para pigilin ang ginagawa ko.


Haha. Nice marunong din pa lang umayaw ng babae ang player na to. I think safe ako sa isang 'to.


"What the hell! What the two of you were doing?!"


Si Hansen. Namumula ang mukha nito. Halata ring kagigising lang dahil magulo pa ang buhok nito at naka boxer shorts lang at puting sando. 



"Duh obvious ba? Eh di naglalaba ng damit mo, mahal na prinsepe!"



"Shut up Leisha! I'm asking you Adam!"



Tinawag nya akong Leisha hindi Leish. Ibig sabihin sobrang galit 'to. 

Pero bakit? Phss! Bahala nga siya sa buhay niya.



"Babe, let go of my shirt, let's continue later..okay?" malanding sabi ni Adam. 


Agad ko namang binitiwan ang shirt nya. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Nyl na kanina pa walang kibo sa tabi ni Hansen. 


"You son of—"


Hindi na tinapos ni Hansen ang pagmumura at tinawid ang pagitan nila ni Adam. Sa isang iglap nakahiga sa simento si Adam.


Napasigaw ako sa nangyari. Agad akong lumapit ky Adam at inalalayan ito. Lumapit rin agad si Nyl kay Hansen para pigilin ito kung manununtok ito uli.


"Ano bang problema mo ha? Bigla ka na lang nanununtok diyan!"



"Huh! Know your fucking place! You're just a maid!"


Doon na ako napaiyak.Sakit lang marinig mula sa kanyaang mga salitang yun. Imbes na ako ang aalalay kay Adam siya itong yumakap sakin at nagpahinahon sakin.


"Shawn, that was not cool." si Nyl.


Halatang hindi nagustuhan ni Nyl ang pang-iinsulto ni Hansen sakin. 

Nilapitan niya kami ni Adam at inalalayan niya akong lumabas doon. Bago tuluyang makalabas, narinig ko pang nagsalita si Adam pero hindi ko na masyadong naintindihan.


"Mate were just teasing each other. Loosen up! I perfectly knew you..."


SOLD to My Ex-BOYFRIEND [COMPLETED]Where stories live. Discover now