Chapter 11

5.7K 115 3
                                    

Violent scene ALERT. Read at your own risk.


Dami typos. Sorry :(




~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~


"Lei! Late ka na sa pictorial."


Pagbaba ko ng kotse sinalubong agad ako ni Anika. Mukhang inabangan niya talaga ako dito sa parking lot.


"Diba afternoon yung pictorial at meeting this morning?" yun naman kasi yung sinabi niya kahapon.



"Change of plan. At ang swerte mo, nandun si Tyrone Dee!" kinikilig niyang sabi.



"Seriously? Diba hindi naman yun nakikipaghalubilo sa mga tao?"pagtataka ko.



Tyrone Dee. Kabilang sa star section. President ng photography club. Kilala ang pamilya nito sa showbiz. Nay-ari sila ng isang TV network.

He's a the definition of the word SNOB. Hindi namamansin, hindi nakikipaghalubilo sa ibang students, at walang paki sa mga malalanding nagapapansin sa kanya. Kahit snob siya ay di nababawasan ang pagiging gwapo niya. Mas lalo nga itong nakakadagdag pogi points ayun sa mga girls na nagkakandarapa sa kanya.

Pero para sakin isa siyang weird na nilalang. Ilang beses ko na siyang nadaanan sa green house tuwing papunta ako sa gym para sa P.E activity, pinipicturan niya ang mga damo. Minsan yung mga bato.



"Kasi nga pipili siya ng female model para sa sinalihan siyang photography competition, basta yun, hindi ko pa alam ang full details-OH.EM.GEE! Suot mo ang captain shirt ni Hansen! Gash! Kayo na? Oh my God! Oh my God! Bini-build ko pa naman si Tyrone bagay kasi kayo-"



"Oi Hansen, super late ka na ah. Kanina pa nag bell." pag-interupt ko kay Anika.

Kung ano kasi ang sinasabi. Nasa likod pa naman namin si Hansen at napansin kong nakakunot ang noo niya.



"Gym, lunch break." matigas nitong sabi pagdaan niya sa tapat ko.



Deri-deritso itong naglakad papuntang classroom pagkatapos niyang sabihin yun. Nakita ko namang napataas ang isang kilay ni Anika na parang may gustong iparating.




***



Papunta ako sa school gym ngayon malapit na kasing mag alas dose ng tanghali. Baka sigawan na naman ako ni Hansen pag hindi ako dumating sa tamang oras. Mabuti na lang at madali akong natapos sa pictorial.

Pagpasok ko, namataan ko agad ang mga taga star section sa dulo ng gym. Mukhang aliw na aliw ang mga ito sa kanilang pinag-uusapan. Tumingin ako sa bandang taas ng bleachers. Nandun si Hansen at nakatingin lang sa mga kaklase niya sa baba. Napansin ko rin sila Nyle, Adam at Lewis na magkakatabi doon sa baba.

SOLD to My Ex-BOYFRIEND [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora