CHAPTER TWO

749 14 0
                                    

It's Sunday and I don't know how would I face Chaste after what happened last night.

"Aesira napapano ka ba kanina ka pa tulala" tanong sa akin ni Bok.

"Blissey what happened ba?" segunda ni Cedy habang pababa kami ng pavilion.

"Ay wala pagod lang ako kahapon," palusot ko na lang, kahit ang totoo ay puyat ako dahil sa tawag na iyon. Hindi naman na tumawag si Chaste pero ang ginawa niyang pag-ungol ang hindi nagpatulog sa akin, it kept on playing inside my head kaya halos magdamag akong pagulong-gulong sa kama.

Lumapit ako kina Ate Kaye na nagtitipon na sa kabilang gilid, para mag pray Bago mag umpisa ang service namin sa araw na iyon. Hindi ako ang lead singer ngayon kundi si Ate Kaye kaya naman back up lang ako mamaya sa stage. Iniisip ko na agad kung saan ako tatayo sa stage, iyong malayo sana kay Chaste, dahil naiilang talaga ako na tumingin sa kaniya while singing our church song ay iniiwasan ko na magtama ang tingin namin ni Chaste. Para akong tuod sa stage dahil deretso lang sa unahan ang tingin ko, ni lumingon ay hindi ko ginawa, sulyap kasi siya nang sulyap sa 'kin habang nag gi-gitara.

"Hoy Blissey, Si Chaste kanina ka pa tinitignan habang nakanta," panunudyo ni Cedy nang matapos ang service namin. Ramdam ko rin ang titig niya kanina pa noong nag pe-preach si Pastor, kaya nga masakit ang leeg ko dahil halos hindi na ako lumingon pa.

"Aesira, ikaw ah wag mong papatulan yang si Chaste," bigla namang saad ni Bok na ikinataka ko, does he know that Chaste has that horny side?

"Bakit Bok my beybi? Nagseselos ka?" pang -aasar ko sa bakla sabay nguso, hinawakan ko pa ang magkabilang pisngi niya at nagkunwari akong hahalikan ko siya kaya panay ang pitlag nito na parang bulate na naasinan.

"Aesira, kilabutan ka si Chaste ang gusto ko hindi ikaw!" nandidiring sabi nito habang panay ang iwas.

"Alam nyo dami niyong napapansin," saad ko matapos bitawan ang pisngi ni Bok.

Pagkatapos ng announcement nauna ng umalis si Bok at Cedy dahil may gagawin pa daw silang mga reports and activities. Si Mama at Papa naman ay kasama ng mga elders at nag me-meeting pa kaya ako na lang mag-isa. Ayoko naman sumama sa ibang kabataan, hindi ko sila feel.

Masyadong maingay sa may pavilion kaya naman naghanap ako ng lugar na p'wede kong paghintayan kina Mama, dinala ako ng mga paa ko sa room ng pre-school noon. Dito ako madalas mag hintay kapag nasa church ako, favorite spot ko rin ito dahil hindi gaanong daanan ng tao, tahimik tapos ang gaganda pa ng mga bulaklak na nasa bakod ng kapitbahay, nakaka-relax. Naupo ako sa may plant box at nag isip-isip hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na magagawang sabihin ni Chaste yon especially he is known as youth leader. He supposed to be so nice and we'll mannered.

"Hey, Aesira."

"Ay kabayong bundat!" gulat kong sambit.

"Gwapo ko namang kabayo, Aesira," proud na sambit ni Chaste. "What are you doing here? Waiting for me? Hmmm?"

Tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay, ang lakas naman ng yabang.

"No, I was thinking,"

"Of me... Naked?" tanong niya at ibinulong ang huling salita. Sinamaan ko ito ng tingin na siyang nakapagpatawa rito ng malakas. Napatingin ako sa paligid dahil baka may makakita sa amin.

"Bakit umiiwas ka sa akin? Hindi ka man lang tumitingin sa akin," tanong nito na para bang nagtatampo.

"Dati pa naman akong hindi tumitingin sa'yo, bakit sino ka ba?" mataray na tanong ko habang nilalaro ang bato na nasa paanan ko.

"I'm Chaste, but it would be nice if you will call me baby," marahang anito na siyang nakapagpataas ng balahibo ko sa batok dahil sinadya niyang ibulong sa akin ang katagang "baby"

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now