CHAPTER FOURTEEN

527 11 0
                                    

"So it's Chaste nga?" pag-uulit ni Cedy sa tanong niya.

"What about Chaste?" tanong ni Bok na kararating lang galing trabaho. Inilapag nito ang bag niya sa center table saka naupo sa bakanteng sofa.

"Ang ama ng mga bata, tinatanong ko si Aesira kung si Chaste ba," paliwanag ni Cedy sa kaibigan.

"Si Chaste nga," Bok confirmed. "Bakit hindi mo alam?"

"Alam mo rin?! Ako na lang sa pamilyang ito ang ang walang alam!" nagtatampong ani Cedy. "Paano?"

"Paano?" naguguluhang ulit ko sa tanong n'ya.

"Paanong si Chaste ang ama?!"

"Ay siraulo! Gusto mo ba i-narrate ni Aesira ang paraan kung paano nagkaroon ng Haven and Ethan?" natawa ako dahil sa sagot ni Bok.

"I changed my mind, hindi ko na gustong malaman," nandidiring ani Cedy. "Pero daks ba? o magaling lang?"

Tinitigan ko si Cedy ng may nakakalokong ngiti, halata sa kaniya na nag e-expect siya ng sagot mula sa akin ganoon rin si Bok. Napangiti ako nang naalala kung paano si Chaste si kama, kung gaano nakakabaliw at nakakasunog ang mga haplos at halik niya.

"Ano na?" untag ni Cedy na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Hehe both po,"

"Ayy maharot ang walanghiya!"

"May plano ka bang ipakilala ang mga bata kay Chaste?" Bok seriously asked. "I know this may sound paki-alamera but I think Chaste deserve to know about the kids and the kids deserve to know their father too."

"I don't know, ilang beses na rin iyang sumagi sa isip ko pero pinangungunahan ako ng takot eh. Paano kung hindi tanggap ni Chaste ang mga bata? Paano kung may pamilya na s'ya? Baka masaktan lang ang dalawa at umasa sa Tatay nila tapos may pamilya na pala. Thoughts like that, scares me." pag-amin ko sa kanila. Bok hugged me while Cedy caress my back to comfort me.

"Let the time tells us what to do. Sa ngayon i-enjoy na lang natin ang life with the kids. Kapag nag krus ang landas nila Chaste at ng mga bata and he asked for explanation then explain," tumango ako at sumang-ayon sa idea ni Cedy.

"We'll cross the bridge when we get there. We got you!" pagpapalakas ni Bok ng loob ko na siyang ikinagaan ng pakiramdam ko kahit papano.

"Thank you."

THE opening of classes went well, hinatid ko si Haven at Ethan sa Davidson pagkatapos kong maibilin sa kanila ang mga bagay na dapat nilang tandaan ay sumakay na ako ng dyip papunta sa Gardner College. I handled Grade 12 Eternity they're all HUMSS students, and just like a typical first day ay wala pang masyadong ginawa, kaunti pa lang din ang mga teachers na na-meet ng advising class ko sa araw na ito. When the clock hits 4:00 ay mabilis na akong nagligpit ng mga gamit ko para sunduin ang mga anak ko, kanina pa silang 3:30 dismissal but I told them to wait for me. It took me 20 mins bago ako nakarating sa school ng mga bata and as expected naghihintay sila sa akin sa play ground ng school nila, nakaupo si Ethan sa diyan habang pinupunasan ang likod ng kapatid niya, nang mapunasan ni Ethan ang likod ni Haven ay nagpalit naman sila ng posisyon si Haven naman ang naupo sa duyan at si Ethan naman ang pinunasan nito ng pawis sa likod saka sila muling naglaro sa slide. Napangiti ako sa nasaksihan kong pag-aalaga nila sa isa't-isa, kahit madalas silang magtalo sa bahay ay maalaga naman sila pareho kapag sila lang dalawa.

"My babies are enjoying huh? Hindi n'yo man lang ako napansin na dumating eh," kunwari ay nagtatampo kong sabi, agad namang tumakbo ang dalawa sa direksyon ko at sabay nila akong niyakap.

"Nanay!" hinalikan ko sila pareho, pinakuha ko sa kanila ang bag nila saka kami sabay-sabay na naglakad at nag-abang ng sakayan. Kapag nagtagal ako sa Gardner College ay mag lo-loan talaga ako para makabili ng isang second hand na kotse, ang hirap kasi mag commute ng may dalawa akong batang kasama baka mawala ang isa sa kanila, hindi ko kakayanin.

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now