CHAPTER TWENTY

504 14 1
                                    

"We'll stay on our apartment," Chaste announced.

Pagkatapos kasi naming kumain ay nagtatalo sila Mama at Tita Trina kung saan kami mag s-stay habang nandito kami sa Batangas. Kaya naman bago pa sumapit ang gabi ay umalis na rin kami sa bahay nina Tita Trina.

Sa dating apartment niya kami dinala ni Chaste kaya tuloy ay hindi ko maiwasang mamula nang manariwa sa utak ko ang mga kaganapan sa lugar na ito. This place witnessed how wild and playful we are, this is also thew place where we first did that thing.

"You're blushing like a teenager Aesira," sinamaan ko lang ito ng tingin na sinuklian naman ng nakakaloko niyang ngisi.

"Where are we going to sleep Tatay? Antok na po ako," nilingon ko si Ethan na karga ni Chaste, namumungay na nga ang mata nito sa sobrang antok at pagod sa kalalaro.

"Samahan ko kayo sa room n'yo," sagot ni Chaste sa anak. Sumunod ako sa kanila karga si Haven.

Nang mailapag ko si Haven ay umalis na rin ako ng kwartong iyon, hinayaan ko si Chaste na magpatulog kay Ethan.

Nagtungo ako sa kusina at sinaksak ang fridge ni Chaste dahil may mga padalang pagkain sila Mama at Tita Trina na good for two days stay namin dito sa apartment. Iniinit ko na lang ang kalderetang pinadala nila para siya naming iulam mamayang dinner kung sakaling magising ang mga bata. Pasado alas sais na rin naman kasi kaya baka magtuloy-tuloy na ang tulog ng dalawa.

"How's life with the kids?" Chaste asked, hindi ko alam kung kanina pa ba siya nasa may hamba ng pintuan o kararating n'ya lang.

"Tiring but fun," simpleng sagot ko sabay kibit balikat. Iniwas ko agad ang aking tingin nang magtagpo ang aming mga mata, I can't deny the fact that he still have this strange effect on me. Ang simpleng sulyap lang ng kaniyang mga mata ay nagiging dahilan ng paghuhurumentado ng puso ko. Even though everything changed, I guess my feelings for him didn't.

"About earlier, the marriage thing you mentioned," Chaste gave me a what look asking for me to continue whatever I wanted to say. "You don't have to marry me dahil lang sa mga bata, you can support them, be a father to them but I can't marry you. I can't destroy someone else's family just to give my own a complete one."

Hindi pinansin ni Chaste ang aking mga sinabi, sa halip ay kumuha ito ng plato at naglagay ng kanin. Itinuro nito ang upuan na nasa harapan niya.

"Let's eat first," aniya. Sabay kaming kumain at nang matapos at ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin, ramdam ko ang titig ni Chaste sa akin mula sa likuran.

"I'm sorry," napahinto ako sa pagsasabon ng mga baso nang marinig ko ang mga katagang iyon kay Chaste. "I'm sorry for not being there when you were pregnant."

"It's fine," kibit-balikat na sagot ko kahit ang totoo ay gusto nang tumulo ng luha ko. Remembering how hard it was for me noong mga panahon na nagbubuntis ako at nanganak sa dalawa ay hindi ko maiwasang masaktan at makahinga ng maluwag pagkarinig ko sa mga katagang iyon. I've been wanting to hear that for so long.

"It's not, dapat naroon ako kung hindi ka lang sana umalis," ang kaninang gaan ng pakiramdam ay napalitan naman ng pag-iinit ng ulo ko.

"Are you here to blame me for running away?" matabang na tanong ko sa kan'ya.

"No," mabilis na sagot ni Chaste. "I'm here to clarify things with you, I'm here to fix the mess that we've caused. I'm here to make it right this time."

Pigil ko ang aking paghinga nang tumayo si Chaste mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Kaunti na lamang ang pagitan ng mga katawan namin ag hindi maganda ang epekto niya sa buong pagkatao ko. Mas lalong huminto ang mundo ko nang bigla na lamang akong yakapin no Chaste ng mahigpit, isiniksik pa nito ang kaniyang mukha sa aking leeg.

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now