CHAPTER TWELVE

519 13 1
                                    

"Alam ba ito ng mga magulang ninyo?!" nakayuko lang ako habang tahimik na umiiyak at nakikinig sa sermon sa amin ng aming Pastor. Hindi niya ako hinayaan na umalis, ayaw niyang pumayag na ako na ang magsabi ng nangyari kina Mama dahil ayon sa kaniya ay hindi ko naman daw talaga kayang sabihin iyon agad-agad. He decided to call both of our parents to settle things in both side, na kung iisipin naman ay wala na kaming dapat i-settle. Chaste and I are both adult now. He's 23 and I'm 21, nasa legal na edad na kami para mag decide ng para sa aming mga sarili, ngunit hindi ganoon sa paligid na kinalakihan namin, as much as we hate it palaging may sasali sa mga desisyon namin.

"Aesira!" mabilis akong napatayo mula sa pagkaka-upo nang marinig ko ang boses ni Mama, galit ito at nanlilisik ang mga mata habang si Papa ay walang ekspresyon ang mukha.

"Ma..."

"You disappointed me Aesira! Saan ba kami nagkulang ng Papa mo ha?" umiiyak na tanong ni Mama.

"May nangyari na ba sa inyo ng dalawa?" walang emosyong tanong ni Papa.

"Wa-"

"Don't you dare lie to my face Aesira!" sigaw ni Papa kaya naman mas lalo akong nanginig sa takot, sinulyapan ko si Chaste ngunit wala naman akong makitang pag-aalala sa mukha niya.

"Meron po," narinig kong sagot ni Chaste, bumagsak si Mama, mabuti na lang at mabilis itong nasalo ni Papa.

"Jesus Christ!" nasapo ni Pastor ang kaniyang mukha gamit ang dalawang palad. "Masyadong malaki ang tiwala ko sainyo, bakit kayo nagkaka-ganito Chaste?!"

"Do you love my daughter Chaste?" pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko nang marinig ang tanong ni Papa kay Chaste.

"S-Sir... I-I can't a-answer that, I-I'm s-sorry," mapait akong napangiti at saka nilunok ang bara sa aking lalamunan, how can I forget? We're just fuck buddies at ang umasa na sasagot si Chaste ng 'oo' sa tanong ni Papa ay napaka-imposible. How can I forget?!

"You have to marry our daughter wether you love her or not!" Papa shouted.

"Alex, hindi naman yata tama na p'wersahin natin ang mga bata na makasal kung hindi pa sila handa?" ang Mama ni Chaste ang nagsalita.

"Hindi rin naman tama na ginalaw ng anak mo ang anak ko, they need to get married kung ayaw nilang pag piyestahan ng mga tao at i-kondena. Ano na lang ang sasabihin ng ibang kasama natin sa church na walang delikadesa ang anak ko?!"

"Bakit hindi ba? Kung matinong babae ang anak mo, hindi siya papayag sa ganoong klase ng relasyon! " hindi ako makapaniwalang napatingin kat Tita Trina dahil sa sinabi nito, hinintay kong ipagtanggol ako ni Chaste but to no avail, nanatili itong tahimik at nakatingin sa labas at malalim ang iniisip.

"Kung hindi papakasalan ng anak mo ng anak ko, mapipilitan akong mag file ng kasing rape laban sa kaniya, hindi ako papayag na reputasyon lang ng anak ko ang masisira rito Trina," ani Mama saka ito mabilis na tumayo sa kaniyang kinauupuan.

Nang hindi ako umalis sa aking kinauupuan ay masama akong tiningnan ni Papa. "Move Aesira, aalis na tayo!"

Tumayo ako at muling tiningnan ang kinaroroonan ni Chaste, ganoon pa rin ang reaksyon niya, si Pastor naman ay nakahawak na sa sentido niya at marahan iyong hinihilot, samantalang si Tita Trina at Tito Efren ay masamang nakatingin sa mga magulang ko.

"Magpapakasal kami," napako ako sa aking kinatatayuan nang marinig iyon mula kay Chaste. "Just don't file a case against me."

Right! He will marry me para huwag mag file ng case si Papa, iyon lang ang reason at wala ng iba. I should stop hoping na kaya niya ako pakakasalan ay dahil sa gusto niya. Napilitan lamang siya.

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now